Nasa loob ako ng kwarto ko sa bahay. Abala sa pagguhit. Nang sabihin ni Mommy Rey na wala na akong ganap dumeretso ako sa bahay. Ginanahan akong mag-drawing ngayon. Buti na nga lang din at wala pa si Mama at Katherine kaya makakapag-focus ako sa ginagawa. Nasa eskwelahan kasi sila nag-take ng entrance exam si Katherine doon sa Dew-forr International School. Nangako kasi ako sa kanya na papaaralin ko siya roon. Gagawin ko ang lahat para makapagtapos siya at magkaroon ng magandang future. Pero ang totoo kaya ko gusto na paaralin siya doon kasi umaasa ako na baka magkita kami uli sa lugar na iyon. Kung dati siyang nag-aaral doon baka swertehin ako at mag-krus uli ang mga landas namin. Pero hindi ko akalaing makikita ko siya sa ibang lugar at sa mismong araw pa na ito. “Kuya!” napailing ako

