“Hindi ka naman siguro umaasa diba? Pero kung umaasa ka din, sinasabi ko na sa’yong ‘wag na.” Haist. Kahit kailan talaga ang prangka ng babaeng ‘yun. Nasa tapat na ako ng gate at ipinagbukas ako ng guard. Muli akong lumingon sa mansion ng mga Dufort. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamahal ko para sa’yo, Loraine. Hindi ko rin alam kung magagawa ko pa bang magmahal uli. Basta ang gusto ko matagpuan mo ang pagmamahal na para sa’yo. Tanging para sa’yo. Kapag nangyari ‘yun ako ang pinakamasayang tao sa mundo para sa’yo. “Thank you.” Inabotan ko ng tip ang guard, tumanggi siya pero pinasok ko pa rin ‘yun sa bulsa ng suot niyang uniporme. “Pangmeryenda lang. Sige.” “Kaya pala hindi sumasagot si Loraine sa mga tawag ko nandito pala ang manloloko at mapagpanggap niyang dating asawa.”

