It was been a week mula ng mag-dinner kami nila daddy at mommy. Pagkatapos nun tinupad ni dad ang pagpirma ng annullment papers. Hindi pumayag si Mommy na magkaroon siya ng shares sa kompanaya gaya ng nakasaad sa batas. Dad insisted pero buo ang pasya ni mommy na hindi niya ‘yun tatanggapin kahit pa ilagay sa pangalan niya. Hindi niya raw iyon deserve dahil sa ilang taon ng buhay niya ang inilaan niya sa isang kasinungalingan. Hinanap ko si dad sa buong bahay ngunit ‘di ko siya makita. Pumasok ako sa study room, naiwang bukas ang secret passage papasok ng secret room ng biological mom. Natagpuan ko si dad sa silid kung nasaan ang malaking portrait ni mommy. Nakatayo si dad at nakatitig sa larawan na iyon. “Dad?” Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. “Ikaw pala, hija.” “Kanin

