Nakahawak na ako sa handle ng pinto nang mag-vibrate ang phone ko. Si attorney ang tumatawag. Hindi na ako tumuloy sa pagpasok. Dumeretso na lamang ako sa opisina para makausap ng maigi ang aking abogado. Umupo ako sa sofa ng lobby ng aking opisina. Sinagot ko ang tawag ni Attorney. Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol kay Martin ng sabihin ng nasa kabilang linya ang sadya nito. Hindi umano tinanggap ng estranged husband ko ang perang pinapaabot ko sa kanya. Pinapirma na rin ito ng lawyer ko ng documents kung saan wala na siyang karapatan pang magreklamo against sa akin dahil sa pagtanggi niya ng bayad sa nausapan naming kontrata. Gusto ko sanang magtanong kung ano na ang plano nito after ma-grant ng annulment case namin pero parang hindi naman yata ‘yun proper sa part ko bilang ako mism

