Nagsusukat ako ng mga damit sa harap ng whole body size na mirror nang nagulat ako sa biglang pag-bulyaw ni Mommy Rey. Awtomatiko akong napalingon sa kanya. Itinigil ko na muna ang ginagawa at nilapitan siya. ‘M-mommy Rey?” bagsak ang mukha niyang tumingin sa akin. “M-may problema po ba?” umiling lang siya at sinabing wala ‘yun at siya na ang bahala sa lahat. Bumalik na lang daw ako sa ginagawa ko. Pag-alis niya nakita ko ang tabloid na nasa sahig, pinulot ko iyon at binasa. Rising superstar dated an engaged CEO in a mall? Nagsalubong ang kilay ko. Ano namang problema sa sinulat ng columnist na ito? Rising superstar? Ako ba ang tinutukoy nito? CEO? Wala pa naman akong nakikitang CEO lalo na ang maka-date ng isang chairwoman. Umupo ako a swivel chair ni Mommy Rey at binasa ang buong con

