EKSAKTONG FIFTEEN MINUTES pagkalipas ng alas-singko ng hapon ay nagmamadaling iniligpit ni Ereny ang mga gamit niya sa desk niya at isinukbit ang kanyang bag. Palabas na siya ng class room nila ng tawagin siya ng kaklase niyang babae na si Marielle.
“Ereny! Bakit nagmamadali kang umuwi ngayon? Kain muna tayo diyan sa pizza parlor bago umuwi!,” yaya nito.
Napakamot siya sa ulo. “Sorry Marielle, may mahalaga akong gagawin ngayon. Babawi ako, sorry kailangan ko na talagang umalis,” aniya at patakbo ng lumabas. “Bye!”
Dire-diretsong tinakbo ni Ereny ang College of Business Management building patungo ng College of Medicine building upang puntahan si Ryujei. She was so excited that she doesn’t care if she wore a two-inch black shoes and skirt. Kailangan niya ng mapuntahan si Ryujei upang masamahan na siya nitong mag-shopping.
Napangiti siya ng matamis. She still doesn’t like shopping, pero dahil may isang espesyal na tao sa buhay niya ay gagawin niya ito ngayon, upang i-please ito. She would shop for new clothes today, bilang paghahanda sa pagbabalik ni Rendell sa Pilipinas—which is two weeks from now.
Tuwing Christmas vacation lamang nakakauwi ng Pilipinas si Rendell mula sa Amerika dahil may trabaho ang binata roon bilang isang inhinyero. Kaya naman tuwing bumibisita ito, ginagawa niya ang lahat upang mapansin siya nito—hindi bilang isang bata kundi bilang isang babae. Kaya naman sinusubukan niyang baguhin ang sarili niya, magmula sa pagiging amasona ay nagpaka-dalagang Pilipina siya, at binago rin niya ang fashion style niya. Alam niya kasing marami itong nakakasalamuhang Amerikana sa ibang bansa kaya takot siyang ‘di siya mapansin nito. Ang kaso, twenty years old na sila ni Ryujei at graduating na sa kolehiyo ay mukhang hindi pa rin pansin ni Rendell lahat ng efforts niya. But still, she won’t give up.
Humihingal na tumigil sa pagtakbo si Ereny ng marating ang Chemistry Laboratory room kung saan nabanggit ni Ryu kanina na doon daw ito magkaklase ngayong araw. BS in Pharmacy ang course ni Ryu habang siya naman ay Business Management.
Sinilip niya ang kaibigan mula sa nakabukas ng pinto ng lab ngunit ‘di niya ito matanaw. Kaya naman tinawag niya ang pansin ng kaklase nitong lalaki.
“Uy, nariyan ba si Ryujei? Pakitawag naman oh,” pakiusap niya rito.
Agad namang tumango ang lalaki na nakasuot ng lab gown at mask. Actually, lahat ng mga kaklase nito ay nakasuot niyon. Nalalanghap niya rin ang amoy gamot ngayon na nasa tapat na siya ng pinto.
“Ryujei! Narito na ang girlfriend mo! Sinusundo ka na!,” malakas na sigaw ng lalaki kay Ryujei. Agad namang nagkantiyawan ang iba pa nitong mga kaklase. Namula siya. Ano ba’ng sinasabi nito?
“Hindi niya ako girlfriend! Kaibigan ko si Ryu!,” inis na wika niya rito ng marinig ang kantiyawan.
Nakahinga siya ng maluwang ng makita na niya ang kaibigan na tinanggal ang suot na mask. Sa isang iglap lamang, lumambot ang kanina’y seryoso nitong mukha. This is what she likes about Ryu. Sa ibang tao ay lagi itong seryoso at tahimik, but once they met each other’s eyes, his expression always softens. At masaya siya na siya lang ang pinapakitaan nito ng mga emosyon nito. Tawagin na siyang maramot, pero ganoon kahalaga sa kanya si Ryujei. She wanted to share her secrets, sentiments and dreams in life only with him, and she wanted him to do the same for her. Na siyang ginagawa naman nito kahit wala silang ganoong pormal na usapan.
Nilapitan siya nito at hinaplos ang pisngi niya. “Bakit ang pula ng pisngi mo?”
Napaigtad siya sa ginawa nito. “Eh k-kasi iyang mga kaklase mo, sinasabing girlfriend mo raw ako. Tell them I am not your girl, Ryujei! Inaasar nila tayo eh!,” tila batang sumbong niya rito.
Hindi niya alam kung bakit biglang naging malungkot ang mga mata nito. Ngunit sandali lamang iyon dahil tumalikod ito at nagsalita. “Tumigil nga kayo, lalo ka na, Seth. Me and Ereny are best friends.”
“Ah, ganon ba Ryu? Eh akala kasi namin, girlfriend mo e. Lagi ka kasing sinusundo niyan sa class room at siya lang ang nilalapitan mong babae,” sagot ng tinawag na Seth.
Hinarap na siya nitong muli. “Sandali lang, kukunin ko ang gamit ko. Wait for me here, okay?,” sabi nito at bumalik sa loob. Makalipas ang ilang segundo ay umalis na sila sa lab.
“So how was school?,” kaswal na tanong ni Ryu habang naglalakad sila palabas ng unibersidad.
“It was okay. Honestly, wala sa klase ang isip ko kanina kasi excited agad akong umuwi,” nakangiti niyang wika.
Napabuga ng hangin si Ryujei. “Ereny, maaga pa para mag-shopping ka ng bagong damit na ipapakita kay kuya Rendell.”
Nangunyapit siya sa braso nito. “But I want to shop for new clothes now, Ryu! Malakas ang pakiramdam kong mapapansin na ni Rendell ang kagandahan ko. I can feel that this Christmas vacation would be different. Nicely different,” positibong saad pa niya.
Huminto sa paglakad si Ryujei at tinitigan siya. “Don’t you think you’re just wasting time, Ereny?,” maingat na tanong nito. “If a guy really likes you, you wouldn’t have to change your image. He would notice and fall in love with you whatever clothes you wear.”
Sumimangot siya. “I just wanted to look beautiful in his eyes, Ryu, that’s it.”
“But you are already beautiful, Ereny,” masuyong wika nito, titig na titig pa rin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init ang kanyang pisngi sa paraan ng pagtitig ng kababata sa kanya. Ngayon lamang kasi siya tinitigan nito na para bang ang ganda-ganda niya nga.
“S-sus, binola pa ako. Oo na, sagot ko ang meryenda natin, Ryu. K-kaya halika na,” bahagyang nabubulol na sabi niya at hinila na si Ryujei upang maglakad patungo sa kotse ng binata na nakaparada sa parking space ng school.
“WHAT DO YOU THINK, RYU?”
Natigil ang pagche-check ni Ryujei sa kanyang cellphone ng marinig ang pagtawag ni Ereny. Agad niyang tiningnan ang dalaga na hinihintay niya sa labas ng fitting room dahil isinukat nito ang napiling dress.
And when he did looked at her, he silently hoped she did not caught his eyes twinkled. God, she’s so beautiful, nausal ng isip ni Ryujei. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ngumiti siya at nag-thumbs up rito. “You look beautiful.”
Hindi niya alam kung namalikta siya pero biglang namula ang dalaga. Ngunit dagli rin iyong nawala at tumawa lang. “I know, right?”, confident na sabi nito at agad isinara muli ang pinto upang hubarin na ang isinukat nitong dress.
Huminga siya ng malalim at muling naupo habang hinihintay ito. Kailan niya nga ba na-realize na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya kay Ereny? Mula pa noong mga bata sila ay si Ereny lamang ang tanging babae na hinayaan niyang makalapit sa kanya. Hindi siya palakaibigan at tahimik siyang lalaki. Nag-iisang anak lamang siya at maagang naulila kaya naman ang lolo at lola niya lamang ang nagpalaki sa kanya. He’s not very sociable unlike Ereny who can bright up the whole room with just her smile. She was a bit boyish, before. Not until she met Ryujei’s cousin, Rendell. Nagising ang pagiging babae nito at heto nga at ginagawa ang lahat upang mapansin ito ng pinsan niya.
Mapait na napangiti siya. Masakit na sa pinsan niya pa nagkagusto si Ereny. Masakit na sa tinagal nilang magkaibigan ay hindi niya nakitang tinitigan siya nito ng may paghanga. Kahit na magpinsan sila ni Rendell ay malayo ang pisikal nilang hitsura. Matangkad, moreno at singkit ang kanyang itim na mga mata. Aaminin niyang masungit at misteryoso talaga ang aura niya. Unlike his cousin who looks very foreigner dahil half-American half Filipino ito. And Rendell is also very charming and always gives a smile to everyone. Sa madaling salita, ito talaga ang mga tipo ng kababaihan.
Simula ng magkakilala ito at si Ereny, napuno siya ng insecurities. Lalo siyang nawalan ng lakas ng loob na aminin sa kababata niya na may gusto siya rito. Kaya naman until now, nakatago pa rin iyon sa puso niya at pinipilit ang sarili na suportahan ang kaibigan niya sa “pagpapa-cute” nito kay Rendell.
“Ryujei?”
Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Ereny. Ereny’s looking at her intently and held his right hand. He tried so hard not to pull and hug her.
“Let’s go?,” sabi niya at agad tumayo. Kinuha niya mula rito ang mga napili nitong damit.
“Yep, I’m good na. Tara na sa cashier para makakain na rin tayo after this,” nakangiting sagot ni Ereny at ikinawit ang kamay sa braso niya. Napatingin siya roon at saka sa malaking salamin sa harap ng fitting room. Ilang sandaling napatitig siya sa repleksyon nilang dalawa. Ang cute talaga nito, umabot lamang ito sa balikat niya. Sa mga hindi nakakakilala sa kanila, iisipin na magkasintahan sila.
I really wish we are, sambit ng isip at puso niya..