Prologue
“ERENY, bakit parang hindi ka mapakali diyan? May ginawa ka na naman bang kalokohan?”
Awtomatikong nanulis ang nguso ng labinlimang taong gulang na si Ereny sa bintang ng kababata, kapitbahay at kaibigan niyang si Ryujei. Pauwi na sila galing ng kanilang eskuwelahan. Mas matanda ng isang taon ang kanyang kababata kaya malakas ang loob nitong sermunan siya, bukod sa alam na alam na nito ang ugali niya.
“Masyado kang OA, Ryujei. W-wala akong ginawang kalokohan ‘no. Sila pa nga ang may ginawang kalokohan sa akin e.”
Napakunot ang noo nito at tumigil sa paglalakad. Malapit lamang mula sa tinitirhan nilang subdibisyon ang school nila kaya naglalakad lamang sila, kahit alas-sais na ng gabi. Malaki naman ang tiwala ng mga magulang ni Ereny kay Ryujei. Isa pa, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya, dahil hindi siya mahinang babae.
“Sino’ng sila?,” dikit na ang makakapal nitong kilay ng tanungin siyang muli. Nakagat niya ang ibabang labi. Kung may isang tao man siyang ayaw galitin, si Ryujei iyon. She had been so spoiled by him. Lahat ng kalokohan niya ay hindi nito isinumbong sa mga magulang niya, basta alam nito ang ginawa niya. Pero ngayon kasi, hindi niya ipinaalam dito ang ginawa niya kanina. But, for sure he’ll understand her. Tiwala lang, Ereny.
“Speak up, Ereny,” untag nito.
“Iyong mga… nakalaro ko kanina sa DOTA. Eh, iyong mga lalaking iyon, hindi matanggap na natalo sila ng babae. Ha! Magaling yata ako,” aniya at matamis na nginitian ang kababata. Nagpa-cute siya rito upang ‘di siya nito pagalitan.
Pero mukhang ‘di epektibo iyon dahil halata sa guwapo nitong mukha ang pagkainis. Bahagya na ring tumaas ang boses nito. “You played computer games while we’re in school? Don’t tell me na nag-cut ka sa klase mo. Lumabas ka ng ‘di nagsasabi sa akin? What if something bad happened to you while you were outside? Paano kung may ginawa iyong mga lalaking nakalaro mo kanina na masama sa iyo? I already told you, hindi ka dapat nag”—
Niyakap niya ito upang matigil na ito sa kakasermon sa kanya. “Heto na naman ang ‘kuya Ryujei’ ko. I’m fine, nothing bad happened to me. Kaya ko ang sarili ko, wala kang dapat ipag-alala. At saka, ngayon lang naman ako nag-cut sa klase e. Absent si Ma’am Torres kanina at doon ako lumabas sa time niya, kaya technically, ‘di ako nag-cut.”
“Don’t call me kuya,,” mababa na muli ang boses nito. Hinaplos nito ang hanggang balikat niyang buhok. “Eh bakit ‘di ka mapakali kanina simula paglabas natin ng school? May sinabi ba iyong mga lalaki sa’yo kanina?”
Lumayo na siya rito. Humalukipkip siya. “Nagbanta sila kanina na aabangan nila ako paglabas ng school. Pero huwag na nating intindihin iyon. Baka nanakot lang,” aniya at naglakad ng muli. Ngunit ‘di rin siya sigurado sa sinabi niya. Galit na galit ang mga nakapustahan niya sa larong DOTA kanina. Hindi matanggap na natalo niya ang mga ito. Oo, kahit na babae siya, naglalaro siya niyon. Ewan ba niya, mas hilig niya ang mga panlalaking laro keysa mag-shopping kasama ang mga kapwa niya dalagita. She don’t even have real girl friends in school. Not that she likes to be alone. Sa loob ng classroom, marami naman siyang kausap, pero paglabas ng room, wala na. Si Ryujei lamang ang itinuturing niyang tunay na kaibigan. Kasama niya na ito simula pa lamang ng maliit siya.
“Promise me you won’t do what you did earlier again, Ereny,” ani Ryu na kaagapay na niya sa paglalakad.
Umabrisete siya rito. “Fine, Ryu. Now let’s just forget about that and go home.”
Ngunit natigil sila sa paglalakad ng mula sa kung saan ay hinarangan sila ng dalawang motorsiklong itim. Nagulat siya ng makilala ang sakay niyon dahil walang dalang helmet kaya nakita niya agad ang mukha. Ito ang mga nakalaro niya kanina sa computer shop!
Humigpit ang kapit niya sa braso ni Ryu. Naramdaman naman nito ang tensiyon niya kaya binulungan siya nito. “You know those guys?”
Tumango siya. “S-sila iyong mga nakalaro ko kanina, Ryu..”
Hindi na ito nakasagot dahil nagsalita na ang isang binatilyong matangkad ngunit payat. Ito ang pinakanagalit kanina ng matalo sa pustahan. “Oh, mabuti at naabutan ka namin, DOTA girl. At may kasama ka na oh! Ano, natakot ka ba sa banta namin? Hanga na sana ako sa tapang mo e, kaso nagsama ka pa ng mabubugbog namin,” at tumawa ito ng malakas.
“H-hindi ako natatakot sa inyo, ano! Bakit ba kasi nagagalit kayo? Laro lang iyon, may natatalo, may nananalo. Kaya pwede ba, padaanin niyo na kami at uuwi na kami,” masungit na sabi niya.
“Teka lang naman, DOTA girl. Laro na lang ulit tayo para mapatunayan kung sino talaga magaling. Tsamba lang naman pagkapanalo mo kanina e. Ano, game ka ba?,” anang isang may katabaang binatilyo naman.
Sa pagkakataong iyon ay nagsalita na si Ryu. “She won’t play that game again. Hindi ako papayag. Magsiuwi na kayo.”
Nagtawanan ang mga binatilyo. “Hoy, sino ka ba? Boyfriend ka ba nitong si DOTA girl? Kung gusto mo, kayong dalawa ang makipaglaro sa amin. Siyempre kayo ang magkakampi. Game?”
Nagtagis na ang mga bagang ni Ryu. She knew he was so angry at that time. “I don’t play that kind of games.”
Nagtawanan muli ang mga ito, tila ‘di makapaniwalang hindi naglalaro ng DOTA ang katulad ni Ryu. “Hindi raw naglalaro ng DOTA, mga pare! Eh, bakla yata ito e!”
Doon na sumagad ang pasensiya ni Ryu. In just a blink of an eye, nilapitan nito ang matangkad na binatilyo at diretsong sinuntok sa pisngi. Doon na nagsimula ang rambol. Apat na binatilyong lalaki laban sa kababata niyang si Ryu. Sumigaw na siya. “Ryu, no!,” tinangka niyang tulungan ito gamit ang kaunting nalalaman niya sa taekwondo ngunit malalakas ang mga binatilyo at itinulak siya. Nasubsob ang mga tuhod niya sa semento. Ramdam niya ang hapdi roon ngunit ‘di niya iyon alintana. She was so scared Ryu will get hurt. Kahit saang anggulo tingnan, talo ito. Hindi naman payat si Ryu, ngunit hindi rin malaki upang makaya ang apat na lalaki.
Nang makitang duguan na ang gilid ng labi ni Ryu ay napaiyak na siya. “Tigilan niyo si Ryu! Please, stop it,” umiiyak na sabi niya.
Ngunit kinatigan pa rin sila ng Diyos dahil may dumating upang iligtas sila ni Ryujei. Isang matangkad na lalaki ang walang kahirap-hirap na pinagsusuntok ang mga binatilyong bumubugbog kay Ryu. Napatulala na lamang siya. Pagkatapos niyon ay sumigaw ito. “Mga siraulo kayo! Umuwi kayo bago ko pa kayo ipapulis!”
Iika-ikang nagtakbuhan ang mga ito palayo sa lugar na iyon. Agad siyang tumayo mula sa sahig at nilapitan si Ryujei na duguan ang gilid ng bibig at may pasa sa kanang pisngi. Napaluha siya sa sobrang pag-aalala. “I’m sorry, Ryu..”
“Ryujei, are you okay? Who were those boys?,” biglang sabi ng lalaki mula sa likod ni Ereny. Napakunot ang noo niya at tiningnan ang taong nagligtas sa kanila ni Ryujei. At napakurap siya ng mabistahan ang mukha nito.
The guy was so tall, around six foot, and he was drop dead gorgeous in every angle. Maputi ito at halatang may ibang lahi dahil sa kulay bughaw nitong mga mata, matangos na ilong at light brown na buhok. Totoo palang guwapo ang mga knight in shining armour.
Sa tanang buhay ni Ereny, ngayon lamang niya pinag-aralan ng husto ang mukha ng isang estranghero, lalo na sa lalaki. Ang akala niya ay wala siyang interes sa kahit na sino, wala siyang hilig sa salitang ‘romance’. Nakokornihan siya sa mga kaklaseng babae na laging pinag-uusapan ang ‘puppy love’ at ‘crush’. Ni hindi siya nagkaroon ng crush sa school, o kahit si Ryujei na guwapo at mabait din. For her, Ryujei was her best friend, a brother she never had.
Pero mukhang magbabago na ang lahat dahil sa tagapagligtas nila ni Ryujei. At bigla niyang napag-isip isip, bakit nito kilala si Ryujei?
“I’m fine, kuya Rendell. Salamat at dumating ka. But why are you here? ‘Diba dapat, next week pa ang dating mo?,” sagot ni Ryujei at tumayo na. Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki.
“You knew each other?,” bulalas niya.
Matamis na ngumiti ang guwapong tagapagligtas nila at tumango. Inilahad nito ang palad sa kanya. “Hi, pretty. I’m Rendell Bradford, Ryujei’s cousin. Nice to meet you.”
God, his smile was so sexy. “H-hi, Rendell,” nabibighaning ganting bati niya.
Naramdaman niya ang paghawak ni Ryujei sa braso niya. Ah, oo nga pala, si Ryujei, nakalimutan niya biglang kasama niya ito.
“Ereny, galing ng Amerika si kuya Rendell at narito siya sa Pilipinas para magbakasyon. He’s six years older than us. You should call him ‘kuya’.,” ani Ryujei.
Umiling naman si Rendell. “It’s fine, Ryujei,” he said then looked at her. There goes his sexy smile again. “Ereny, just call me by my first name, so I won’t feel I am six years older from the two of you. I don’t want to feel so old! And anyway, can I call you Eny?,” at tumawa pa ito ng malakas. She was captivated.
So from then on, Rendell became the man of her dreams.