Chapter Three

1322 Words
“ERENY, sabay ka ba ulit sa amin mag-lunch?” Napaangat ng tingin si Ereny sa kaklase niyang si Marielle. Sinipat niya ang kanyang wristwatch. It was already 12 noon, but she doesn’t even feel hungry. Sa normal na araw naman ay lagi siyang masigla at inaabangan ang kanilang lunchbreak. Napabuntong hininga siya. Ah, it’s all because of you, Ryujei. What did you to me and why am I feeling this way?, frustrated na sabi niya sa isip. “Ereny?,” marahang niyugyog ni Marielle ang kanyang balikat. “Y-yeah, sabay ulit ako Marielle. Tara na ba?,” pilit siyang ngumiti rito at tumayo. Nag-aalalang sinipat siya ni Marielle. “Something’s going on with you and your best friend Ryujei. I can feel it. Never kang sumabay sa amin tuwing lunchbreak dahil kayong dalawa lagi ang magkasama. Pero iniiwasan mo siya lately. Nag-away kayo?” Napapikit siya at wala sa loob na tinuktok ng ballpen ang kanyang noo. Hindi niya rin talaga alam kung bakit siya napu-frustrate. Kay Ryujei ba na bigla na lamang winindang ang puso’t isip niya ng sabihin nitong pansinin niya ito bilang lalaki, o sa sarili niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na emosyon ng sabihin nito iyon? Like, girl, she never felt so dumbfounded and confused all her life. Napapalatak si Marielle. “Oh, andiyan na sa labas si Ryujei. Hinihintay ka na naman. Alam mo, Ereny, kausapin mo na yan. Huwag niyo ng patagalin yang LQ niyo. Ay siya, mauuna na akong mag-lunch. Kayo na muna ang magsabay ni Ryujei at baka miss niyo na ang isa’t isa,” iyon lang at agad tumayo ang kaklase niya. Tarantang tiningnan niya ito. “Hey Marielle hintayin mo ako!” But her friend just teasingly smiled and ran off their classroom. Napatingin siya sa pinto at nagtama ang paningin nila ni Ryujei na nakatayo roon. Heto na naman ang pesteng puso niya at bigla na namang kumakabog. Best friend mo yan, huy!, saway niya sa sarili. Ryujei looked so dead serious. Isang linggo na simula ng mangyari ang insidente sa kwarto nito. When he said those words to her, she ran off his room and went straight to their house. Pagkatapos ay iniwasan na niya itong makasabay pagpasok at paguwi ng unibersidad. She did all that because she felt extremely conscious with him. And she doesn’t like feeling like this. Buong buhay niya ay best friend / brother ang tingin niya rito. Kailan sila naging ganito sa isa’t-isa? Why did he have to confused her when she always believed she’s in love with Rendell, his cousin? Napabuntong hininga si Ereny. You can’t avoid him forever, Ereny. You need to talk to him and try to forget what happened. Tama, iyon na nga lamang siguro ang pinakamabuting gawin niya. Kalimutan na lamang na nangyari pa ang confession na iyon ni Ryujei para bumalik sila sa normal. “Hey Ryu,” bati niya at nilapitan ito. Ngunit nakagat niya ang ibabang labi ng hindi man lamang nito sinuklian ang ngiti niya. His face was still cold. “So you’re done avoiding me, Ereny?,” he asks, looking straight at her eyes. Nag-iwas siya ng tingin dahil ayun na naman ang ‘di niya maipaliwanag na emosyon. “I’m not avoiding you,” mahinang sagot niya at yumuko. She now felt so terrible for lying. And also for making Ryujei feel like this. Nahimigan niya kasi ang pagtatampo sa boses nito. She heard him took a deep breath. “I’m sorry if I made you uncomfortable. It’s my fault,” wika nito at inangat ang baba niya upang magtama ang tingin nila. Ryujei smiled. A smile that didn’t reached his eyes. “Sorry ulit. Alam ko naman na kaibigan lang ang turing mo sa akin. And you really like Kuya Rendell. S-siguro kaya ko lang din nasabi iyon dahil nasaktan din ako ng makita ko ang reaksyon mo na may fiance na siya. M-maybe I just wanted you to divert your attention for awhile. Tingnan mo, hindi mo masyado inisip si Kuya Rendell diba?,” he said. “D-don’t worry, mababaw lang din itong nararamdaman ko. Maybe I was just feeling protective of you. That won’t happen again. Friends?,” he smiled and reached for her hand. Napakurap siya. She should be happy and be relieved now sa mga sinabi ni Ryujei. That he just wanted to protect her. Pero bakit parang dinudurog ng mga salita nito ang puso niya? This was totally different from what she felt when she learned about Rendell’s fiance. Pilit siyang ngumiti at tinanggap ang kamay ni Ryujei. It was really warm. “Y-yes, friends.” “SUSUNDUIN PALA AKO ngayon ni Kuya Rendell. And he said na dapat sumabay ka sa amin. Hindi ko na alam ang idadahilan ko kapag nagtanong siya na hindi tayo magkasama.” Ereny looked at Ryujei while they were walking on the hallway. Hinintay nitong matapos ang last subject niya at sabay na silang palabas ngayon ng unibersidad. “S-sige, sabay ako pauwi,” sagot niya rito. Balik na sila sa normal ngayon. Well, atleast for Ryujei. Tila walang anuman na naglalakad ito at kinakausap siya. Habang heto siya at ramdam na ramdam ang presensiya nito sa tabi niya. Now even the slightest touch of their shoulders are making her heart skip a beat. She wanted to scream and slap herself. Why is she feeling so self-conscious now with Ryujei?! “Hey Ryujei!” Isang boses ng babae ang nagpatigil sa kanila sa paglalakad. Sabay din silang napalingon sa nagsalita. Isang matangkad na babae na nakasuot ng uniporme na tulad ng kay Ryujei ang bumati sa kanila. Siguro ay kaklase ito ni Ryujei. “Hana,” bati ni Ryujei rito. The woman smiled sweetly at Ryujei. Napakunot ang noo niya. “Nakalimutan kong ibalik iyong book na hiniram ko kanina sayo. I’m really sorry. Here,” anang babae at inabot ang makapal na libro sa binata. He reached for it and smiled at Hana. “No problem. Thanks.” Lalong napakunot ang noo niya. Since when did Ryujei learned to smile at other people? He’s very aloof and distant to everyone. “Ahm, y-your girlfriend, Ryujei?,” tanong ni Hana at tumingin sa kanya. “She’s my best friend. Magkapitbahay kami kaya sabay kaming umuuwi,” mabilis na sagot ni Ryujei. Napasimangot siya. Malawak na napangiti naman si Hana. “Ah, really?,” she then looked at her. “Hi, I’m Hana.” “Hello,” kiming bati niya rito. Tawagin na siyang rude pero hindi niya gusto ito. “Let’s go, Ryu?,” yaya niya sa kababata. “Ahm, Hana, we need to go. See you tomorrow,” paalam ni Ryu. Nakangiting tumango naman si Hana at kumaway pa sa kanila. “OH HI ENY! Sa wakas at sabay na kayong uuwi ni Ryu. Malapit na akong maghihala na magkaaway kayo eh!” Napangiwi si Ereny sa bungad na bati ni Rendell pagpasok nila ng sasakyan nito. And she shouldn’t be surprised, kasama nito si Katerine na nasa front seat. “Hi Ereny, Ryu,” bati ni Katerine sa kanila. “Hello, Katerine,” ganting-bati niya rito. “And hello, Rendell. And no, hindi kami magkaaway. B-busy lang lately sa school works kaya ‘di ako nakasabay last week kay Ryu,” dahilan niya rito. Rendell just laughed. “If you say so, Eny,” at pinaandar na nito ang sasakyan. Ereny was just silent on their ride home. Sasagot lamang siya tuwing may tinatanong si Rendell o Katerine. Nawala siya sa mood sa eksena kanina ni Ryujei at kaklase nitong si Hana. Buong byahe ay iyon ang nasa isip niya. Habang si Ryujei, hayun at mukhang nakatulog sa biyahe dahil nakapikit ito. Ba’t ba ako naaapektuhan don? Dapat maging masaya ako, baka si Hana na ang maging girlfriend ni Ryu. Atleast, hindi na ko magiging awkward sa kanya. Because we’re only best friends, right?, she said to herself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD