bc

THORNS UNDER PETALS

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
age gap
mafia
heir/heiress
drama
enimies to lovers
love at the first sight
surrender
assistant
like
intro-logo
Blurb

They call her Alexandra Vance - thirty-seven, seductive, and the city's most terrifying assassin. When 23-year-old Zara Mariano can't pay her debts, Alex kidnaps her not to kill her, but to make her work it off. Using every bit of charm she has, Alex sets out to win Zara over and soon, the line between captor and companion begins to blur. Zara knows she should fear the woman everyone calls "The Ghost of Blackwater." But instead, she finds herself falling for Alex's surprising kindness, and their deal transforms into a passionate master-slave bond. Now, with Alex's enemies closing in, Zara must decide: is she just property to be protected... or the one person who can save the deadliest woman in town?

chap-preview
Free preview
TUP 1
Tahimik na ang kalsada. Naglalakad ako papauwi ng bahay. Kagagaling ko lang sa trabaho. Nakakapagod ngayon araw, bukod sa napakadaming customer sa coffee shop, ang dami ring mga mayayamang investor ang kailangan kong kausapin. Bagsak ang katawan ko habang tinatahak ang daan. Tumigil ako sa harap ng isang apat na palapag. Pumasok ako sa loob at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ilang minuto lang nang ipikit ko ang mga mata ko nang may marinig akong kalabog. Agad akong napabangon, hindi pa man nakakalabas nang marinig ang yapak ng mga paa. Sunod-sunod iyon. Hindi ko alam pero lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinti ng kwarto. Bumungad ang apat na lalaking naka-suit. "Sino kayo?" sigaw ko at napatayo ng wala sa oras. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na halos hindi ko na iyon mapigilan pa. Kahit na kinakabahan, pinilit kong kumalma hindi pwedeng magpakita ako ng pangangamba sa kanila. Tahimik lang silang tumayo sa harap ko. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtuktok ng takong. Naglalakad iyon palapit sa amin. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?" kinakabahang tanong ko. Hanggang sa pumasok ang isang naka-red na night dress. "Do you wanna know who I am?" nakangising tanong niya bago tumingin sa akin. Para akong naistatwa sa ganda niya. Napatitig lang ako sa mata niya na para bang nanghahatak. Masasabi kong nasa 30 na siya. Nakita kong sumenyas siya sa mga tauhan niya at agad iyong nagsikilos. Pinalibutan nila ako at hinawakan ang mga braso ko. "Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?" Bahagya naman silang tumigil. Lumapit sa akin ang babaeng nakapulang dress. Napalunok ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Nakakatunaw ang mga titig niya. "I'm here for your payment, you received the warning messages didn't you?" bulong niya na mas lalong nagpataas ng balahibo ko. So, siya yung taong tinutukoy sa message? Siya yung boss na inutangan ko ng malaking pera? Tapos hindi ako nakabayad agad dahil delayed ang sahod! "Madam, magbabayad naman po ako—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis nila akong hawakan. "Come with me whether you like it or not. Rules are rules, no one is exempted," sagot niya at walang tingin-tingin sa akin na dumiretso palabas ng apartment. Sinubukan kong manlaban pero malalakas sila. Ilang saglit pa nang may maramdaman akong kamay. May hawak siyang panyo at agad na itinakip sa ilong ko. Ilang segundo iyon bago tuluyang nagdilim ang paningin ko. *** Nagising ako na bumungad sa akin ang kulay grey na kisame. Nasan ako? Agad akong napabangon nang maalala ko ang nangyari. Shit! Pero bago pa man yon ay namangha na ang mata ko sa ganda ng lugar. Tumayo ako at lumapit sa glass door. Tanaw na tanaw dito ang buong Central City. Maraming matataas na building sa paligid pero mas mataas ang lugar na ito. Nasan na nga ba ko? Pano ako napadpad dito? "Mabuti naman at gising ka na..." Napalingon ako nang may magsalita. Isang magandang babae na naka-cross arm sa harap ng pinto. Siya yung babae kanina! Gaya nung una, nakakapanghina ang mga titig niya. "Nasaan ako? Sino ka ba talaga?" Nilakasan ko ang loob ko na magtanong sa kaniya. Kahit na nakakatakot siya ay hindi ko pinahalata yon. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso. Maya-maya pa ay lumakad na siya papalapit sa akin. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mapa-atras na lang sa kaba. "Bold. I like that. Makes me wonder how loud that bold voice will get when you're begging me to stop... or keep going," sagot niya. Kahit na kinakabahan ako ay muli kong nilakasan ang loob ko. "Kung tungkol ito sa utang ko, nakikiusap ako sayo. Give me time, babayaran ko lahat—" "Rules are rules. And no one dares to break it." Malakas ang bawat kabog ng dibdib ko. "Kung ganon, kuhain mo ang unit ko, wag mo lang akong sasaktan," natatakot na sabi ko dahil kakaiba siya at hindi ko talaga mabasa ang nasa utak niya. Nagulat ako nang tumawa siya. "Your house? Those are worth nothing to me," maarte na sabi niya. She's right. Sa sobrang yaman niya hindi niya na pagi-interest-han pa ang lupa namin. "Then tell me, anong kailangan mo dahil wala na akong mai-offer sayo. Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, " matapang na tanong ko. Dahan dahan siyang lumakad. Sakto lang ang bilis habang nakatingin sa akin.Huminto siya sa harap ko. "I don't want things..." Tumigin siya muli sa akin pababa. Tila tinitingnan ang buong pagkatao ko. Wala yong emosyon pero may laman. "I want you." Natulala ako dahil hindi ko inaasahan ang sagot niya. Para bang may kung ano sa akin na biglang nabuhay. "Me? What do you want from me? Work for you? Wala akong alam sa kahit na ano—" "Work for me? Marami na akong tauhan, hindi ko na kailangan magdagdag pa," pangbabara niya sa akin. "Though, hindi ka rin naman nababagay maging isa sa kanila. I hired only qualified staff," dagdag niya pa. Napapikit na lang ako. Masyado na niya akong iniinsulto. Hindi ko na malaman ang pakay niya sa akin! "So, please. sabihin mo na nang matapos na tayo," medyo naiinip na sambit ko. "You are so impatient, Darling. Well, fine. You. You're going to be my slave," sagot niya. Para akong nabingi doon. Tama ba ang pagkakarinig ko? "Slave? You... You're joking, right? Hindi na makatotoohanan to..." Ano bang pinagsasabi ng babaeng to? Masyado siyang nabubuhay sa fantaserye! Slave? Sa tv ko lang napapanood iyon! "I don't need your opinion about it. Whether you like it or not, you don't have any choice but to do what I want..." mahabang saad niya. Tumawa naman ako nang mapang-asar. "Kung sa tingin mo papayag ako sa gusto mo, husag kang umasa. Dahil nagsasayang ka lang ng oras mo." Matapang at buo ang tono na sagot ko sa kaniya. "Then I'll give you choices..." Hindi ko alam pero bigla akong natakot.Kinuha niya ang cellphone niya at may pinindot doon. "Is she your friend right? Carmela Arellano?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ang pangalan ni Mia. "Anong gagawin mo sa kaniya? Huwag mo siyang idamay dito!" kinakabahang tanong ko. "Kill her," casual na utos niya kaya naman naalarma ako. "Wait! Let's talk about this!" sambit ko. Para namang natuhan siya dahil tumigil siya at dahan-dahang lumingon sa akin. Nakakatakot siya. Yung mga tingin niya, sunod-sunod ang pagkabog ng dibdib ko. "Please. Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko. Gagawin ko ang gusto mo. Pangako," pagmamakaawa ko sa kaniya. Natatakot ako na baka tuluyan niya si Mia. Humawak pa ako sa braso niya para pigilan siya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Mali. Sa mga kamay ko kaya mabilis ko iyong inalis. Ibinaba niya ang cellphone at tumingin ng diretso sa akin. Para akong napapasa sa mga tingin niya. Kasunod noon ang pag-ngisi niya. "Anything?" mapang-asar niyang tanong. Napalunok ako dahil hindi ako sigurado kung tama ba ito. "Anything. Pakawalan mo ang kaibigan ko at gagawin ko ang lahat," sagot pa muli. "Too fast, hamsy," sagot niya. Medyo naiinis ako dahil sa mga sagot niya. yung tono pa ng pananalita niya ay parang may pang-aasar. "Hamsy?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "You're tiny, loud when you're mad, and you get all puffed up like you're bigger than you are. Next thing you know, you'll be stuffing your cheeks with snacks to feel better. Is that what the hamster is doing, right?" Nananingkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung inaasar pa ba niya ko o iniinsulto na niya! Akmang magsasalita pa sana ako nang pumasok ang mga tauhan niya. "Miss Vance..." Nag-usap sila sandali. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Para akong naistatwa sa sinabi ng lalaki. Miss Vance? Hindi ko alam pero malakas na kumabog ang dibdib ko. Her name is Alex, and now tinawag siyang Vance ng lalaki. "You. Come with me," utos niya. Paglingon ko ay nakatingin siya sa akin bago tumalikod. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Hindi ko alam kusang kumilos ang nga paa ko. Paulit-ulit lang sa utak ko ang pangalan niya habang nakasunod sa kaniya. Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Patuloy ko pang inalala ang lahat. Nanlaki ang mata ko. Tama! Si Mia ang nagkwento sa akin ng lahat! Siya ang pinakamaimpluensyang tao na tinutukoy niya! Tama, iyon ang pangalan niya! "Alexandra Vance...." Hindi ko namalayan na nabanggit ko ang pangalan niya. Napatigil ako nang mapansin kong tumigil siya sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na nasa hallway kami ng penthouse. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin nang seryoso ang mukha. Kinabahan naman ako dahil iba ang awra niya. Bakit ba kasi ang daldal ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
684.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.4M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
924.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
329.6K
bc

Not just, the Beta

read
331.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook