MAY iyakang naganap bago kami umalis. Napamahal na si Nanay Rita sa amin ng mga kambal. Kahit sina Tatay Kardo at Moymoy ay hindi rin nagpaawat. Paulit-ulit na nagpasalamat si Vince sa kanila dahil sa walang alinlangang pagkupkop sa aming mag-iina. Niyakap ko ng mahigpit sina Nanay Rita at Moymoy. Nagmano naman ako kay Tatay Kardo. Labag man sa kalooban ko na sumama kay Vince pabalik ng siyudad, wala akong magagawa. Hindi ko kayang mahiwalay sa kambal. Hindi ko na alam kung paano pa ang mabuhay kapag nawala sila sa piling ko. Knowing Vince, kahit anong pagtutol ko ay hindi uubra sa kanya. Gagamitin niya ang lahat ng resources niya upang masunod lamang ang nais niya. Isa siyang Arguelles at may kakayahan siyang baligtarin ang daloy ng mundo. Ilang kalalakihan ang sumalubong sa amin sa daan

