KABANATA 69

1014 Words

INAAYOS ko ang gamit ng kambal nang biglang pumasok sa silid namin si Vince. Nakausap na niya ang mag-asawang kumupkop sa amin ng kambal at desidido talaga siyang iuwi na kami sa siyudad. Hindi na ako nakipagtalo pa. Wala na ring saysay pa. Makakaisip din ako ng paraan kapag nandoon na kami. Kahit na ano pa man ang nangyari, alam kong tatanggapin pa rin ako ng sarili kong pamilya lalo na at may dalawang anghel na akong kasama. “Tulungan na kita,” wika ni Vince saka umupo sa tabi ko. Hindi ako kumibo. Pakiramdam ko nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya. Tinanong niya ako kanina kung bakit ko siya iniwan ngunit hindi ko siya sinagot at basta ko na lang siya iniwan sa buhanginan. Nawawalan ako ng lakas ng loob sa tuwing natititigan ko ang mga mata niya. Hinayaan ko siyang tulungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD