MATAAS na ang sikat ng araw ngunit ang sarap pa ring magbabad sa init. Kanina pa ako naglalakad sa buhangin habang nakangiting pinagmamasdan ang malawak na asul na dagat. Kahit araw-araw kong nakikita ang tanawing iyon ay hindi ko magawang magsawa. Laging dinadala ako ng mga paa ko kung saan malaya akong nakakasagap ng preskong hangin. Kaysarap sa pakiramdam; nakakagaan sa dibdib ko. Umupo ako sa buhanginan nang bigla na lang liparin ng hangin ang suot kong echinacea sombrero. Hindi ako kumilos upang kunin iyon dahil may nagkukusa ng mag-abot sa akin niyon. “Ate Aaliyah” sabay na tawag sa akin ng batang lalaki na tumatakbo sa buhanginan. Ang cute niyang dimple ay lumitaw nang ngumiti. “Sabi ko na, nandito ka lang eh.” “Sabi ko na nga ba at nakasunod ka sa akin eh.” Ginulo ko ang buhok ni

