IKADALAWAMPU'T ISANG KABANATA

2413 Words
"You sure you won't join us tonight, Lexi?" Mabilis akong umiling kay Whiskey nang magtanong muli ito at pinilit akong sumama sa seashore party nila mamayang gabi. Lately ko lang nalaman na umuwi sila ng Pilipinas. Sinundo agad ako ni Sant at tanging sa PA nalang ni Darwin ako nakiusap na sabihin ang pagalis ko. Pabigla-bigla kasi itong si Sant. "Kailangan ko ng pumasok bukas, e. Baka maAWOL ako." Bahagya akong tumawa dahil alam kong di naman iyon mangyayari. I was gone for three days. Hindi na ako nakatawag o text man lang sa mga kaibigan pero hinayaan ko nalang. I wanted this break din naman. "Ihahatid ka na namin." Alok ni Whiskey na tinanggihan ko. Tinuro ko ang umbok sa tiyan niya at ngumiwi. "You're pregnant, matagal ang byahe." Ngiti ko. "And for sure, you and Sant would be glad if you two will be alone. Rakrakan na mga sis!" Natawa ako dahil pareho silang nahiya sa panunukso ko. Whiskey's totally different now. Noon ay parang halimaw sa s*x, walang pakundangan ang bibig pero ngayon ay nahihiya kapag tinutukso ko siya tungkol sa bagay na iyon kay Sant. But I can see they're happy. Siguro nagkakahiyaan man sila, I know these two can be so wild in bed. Si Whiskey pa! Bumeso ako kay Sant, pinalo pa ang pwet ko. Siguro ay hindi talaga matatanggal ang pagiging malambot niya. Yumakap naman ako kay Whiskey. Nginitian ko sila bago sinukbit ang isang may kalakihang bag at nagtungo sa sakayan. Isang byahe ng tren bago ko narating ang main, sumakay ng dyip at saka pumara ng taxi para makapunta sa bahay. Halos gabi na nung makauwi ako, madilim ang bahay kaya alam kong wala si Grant. Mas napapadalas na doon siya umuuwi sa condo niya. Hindi din siya umattend sa party nila Sant, ang sabi ay may problema. Kung ano o sino, hindi ko alam. Siguro sa boyfriend niya. "What the hell?" Nagsalubong ang kilay ko nang may makitang nakaupo sa paanan ng pinto ng bahay. Nakasubsob ang mukha nito sa siko niyang nakapatong sa tuhod. At sa kulay palang ng buhok, I know it's Darwin. Damn that ash-grey hair. I missed it. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang tahimik na binababa ang bag sa lapag. Lumuhod ako sa harap niya, pinilig ang ulo at saka hinaplos ang buhok nito. This... This is all I want. Going home, greeted with his sweet embrace, butterfly kisses, and warm smile. Nasanay na akong gumigising sa umaga na siya ang una kong makikita. And even the awkward moments we always experience, kahit iyon ay gustong gusto ko. Should I keep him na? Someone told me na enough na ang 2 years ng paghihiwalay namin. Maybe this time, I should keep him. Doon din naman papunta iyon. I like him. Ganoon din siya. Bakit pa ipapatagal? "Darwin..." Bahagya kong tinapik ang ulo nito para magising. Rinig ko ang ungol ng reklamo niya bago marahang inangat ang ulo. Nawala ang ngiti ko nang makita ang natuyong mga luha sa pisngi niya. Mugto ang mata, basa pa ang gilid. "Are you crying--" "I missed you." Hindi ko natuloy ang kung ano mang sasabihin dahil sa mabilis at mahigpit nitong yakap sa akin. Ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa likod ko, na para bang takot itong humiwalay sa akin. I'm falling. He should stop being so vulnerable because I'm falling. "Get up. Pumasok tayo sa loob." Tumayo nga ito pero nakahawak pa rin ang kamay sa braso ko. Siya ang pumulot ng bag ko at natawa ako sa itsura niya. He's trying to be this big guy who help his girl pero sa hawak ng kamay niya sa akin ay para naman siyang bata. But it's cute. Dire-diretso ang pasok namin sa kwarto. Kumain na daw siya. Ganoon din naman ako. Pinahiga ko ito sa kama nang maliligo na at paglabas ko ay nakatulog na ito. Pinagmasdan ko siya. I knew him too well. Alam kong hindi lang ngayong gabi siya naghintay sa labas. Hindi na ako magtataka kung sa simula ng pagabsent ko ay pabalik-balik na ito sa bahay. Nwaupo ako sa gilid ng kama, hindi natatangal ang ngiti ko habang pinagmamasdan siyang gumapang palapit at ginawang unan ang hita ko. Awtomatikong umangat ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya at laruin ang buhok nito. I'm so lucky. I'm so proud of myself for having him. He's the kind of guy every girls will dream of. Tama nga si Joi, na darating ang araw may makikilala akong tao na magpapasabog sa puso ko dahil sa sobrang saya. And he's that man, Darwin. "Lexi." Natigil ang paghaplos ko sa pisngi niya nang tawagin ako nito. Nakapikit pa rin ang mata niya pero kita ko ang pagsilay ng ngiti nito. Nilapat ko ang palad sa dibdib at doon ay tinapik siya. "Hmm?" Malambing kong saad. Nahigit ko yata ang hininga sa sunod niyang sinabi. "I love you." Napaawang ang bibig ko, tutok ang tingin sa dibdib niyang ramdam na ramdam ang malakas at mabilis na pagtibok. Why... Why am I loving this? "Uh...uhmm.." Hindi ako makasagot. Should I say I love him too? Is it too soon? Ano ba? Napangiti siya sa kalikutan ng mata ko. Namula naman ako sa kahihiyan. "It's okay, you don't have to say something in return." Umangat ang ulo niya, ginilid ang katawan at kaharap ng mukha niya ang tiyan ko. Pumulupot ang braso niya sa beywang ko at pagkuwa'y kinagat ang balat ko sa tiyan. Napatawa ako sa kiliti. "You know I meant it, right?" Natahimik ako ulit. Tinanaw ko siya, nakangiti pero tinatago ang mukha sa tiyan ko. "I really love you. I really do." Dugtong pa nito at nanghihina ang mga daliri na hinagod ang likod ko. Unti-unti ay pansin ko ang pagbabago ng paghinga ko. Marahas. Mabigat. "Hhmmm." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Sinandal ko ang ulo sa headboard, pikit ang mata na ninanamnam ang malilit na halik niya sa tiyan ko. Pero sa isang kagat niya malapit sa pusod ko ay napamulat ako. Minura ko pa ito dahil sa sakit. "Letse ka!" Natampal ko pa ang noo niya. Nakanguso itong humiwalay sa akin. "Sarap na sarap ka naman!" Panunukso niya. Alam na alam niya talaga kung paano sirain ang mood. Letse. Nahiga na ako ng maayos sa kama. Binalot ko ang katawan ng kumot at siya naman ay nasa kabilang dulo. Hatalang umiiwas siyang mapalapit sa akin. Natawa ako. I know he's feeling it too. The s****l tension between us, it's too strong. Alam kong pinipigilan niya lang. "You know.." Nang magsalita ito ay ginilid ko ang katawan para kaharap ko na siya. Malikot ang mata niyang nilagyan ng harang na unan ang gitna namin. Ang kulit. "I know nothing about you. Mind if you tell me something?" "Ano bang gustong malaman mo?" Tanong ko, kinamot ko ang ilong. "You can ask, I'll answer." Tumango siya, bahagyang nagisip bago tumingin ulit sa akin. "Why are you living alone?" Bumagsak ang katawan ko sa naging tanong niya. I don't want to talk about it but with him, I feel like crying. He seems to be this comfort place and all I want is to be weak when I'm with him. "Tinaboy nila ako." Sinubukan kong wag ipahalata ang sakit. "My Dad's too busy with his profession. Si Mama, may ibang pamilya na. Nung nalaman nilang buntis ako kay Liam, pinalayas ako sa bahay. And simula nun, nabuhay na akong magisa." Kita ko ang pagdaan ng awa sa mukha niya pero napalitan iyon ng kinang. Parang isa siyang magulang na proud na proud sa anak. "You're so strong." Tipid na komento nito at ngumiti lang ako. "E ikaw? Yung mama mo nasaan?" Usisa ko. Ang kilala ko lang kasi ay yung Daddy niya na una kong naging boss. Tapos ang kapatid niyang may hawak ng Manhattan branch. "I don't know." Kibit balikat nito. "She left us." Hindi na ako nagusisa sa kanya. Nagkaroon pa siya ng ilang mga tanong tungkol sa akin, sa barkada, at kahit yung tungkol sa kabataan ko. "Liam..." Tawag ko. Minataan ko ang oras at halos magaalas dose na. "Thank you." Nakakunot na bumaling ito sa akin. "Thank you for listening." Pagkaklaro ko. Tumango ito, umusog at saka kinuha ang kamay ko para halikan ang likod ng palad. "You can have me as your comforter habang di pa boyfriend." Humagikhik ito, pero agad na nanlaki ang mata dahil sa paglapit ko at pagyakap ng mahigpit sa kanya. "Oy oy ano yan." Reklamo niya nang lumampas na ako sa nakaharang na unan. Tumatawa akong sinandal ang ulo sa dibidb niya, tumingala at saka pinatong ang binti sa gitna ng paa niya. "Why have you as comforter alone if you can be both? Comforter s***h boyfriend." Malaki ang ngisi ko. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, tila di pa makapaniwala sa sinabi ko. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya, pinadaan ang labi sa ibabaw ng bibig niya at saka nakayakap na humiga sa ibabaw ng katawan nito. "Sinasagot na kita, baka di mo pa gets." Tumawa ako nang marinig ang mura nito. Damn it, I'm whipped! "Hindi ka ba nagsasawa sa hotdog?" "Masarap ang hotdog." "But it's not healthy. Lalo na pag sobra." "Pag masarap, sige lang. Subo lang." "Anong gusto mong hotdog? Malaki o yung maliit?" "Malaki. Sulit." "Mataba? Cheesy." "Oo." "Mabilis? Sagad?" Puta. Mabilis na dumapo ang palad ko sa likod ni Darwin dahil parang iba na ang usapan namin. Tumatawa nitong winagayway ang dalawang hilaw na hotdog sa akin, gumigeywang pa ang hotdog. "Akin na nga yan! Umiiral na naman kabastusan mo!" Singhal ko. Tumatawa nitong nilagay ang hotdog sa frying pan at napasigaw ako dahil tumalsik ang mantika sa kamay ko. "Kingina ka talagaaaa!" Halos bawat umaga yata ay nagaasaran kami. Simula nung sinagot ko siya, nagpasya siyang sa akin na tumira. Ewan ko kung anong gagawin niya sa condo niya, ang laki pa naman. "Sorry!" Napapasigaw pa ito na lumapit sa akin habang hinuhugasan ko ng tubig ang mahapdi kong balat. Minura ko ulit ito, pinapalayo dahil nagtangka pang yumakap sa likod ko. "Bumalik ka na dun sa condo mo! Perwesyo!" Kunwari ay galit ako. Naalarma siya, nakangusong lumalapit sa akin pero binalaan ko siyang papaluin ng kutsara. Sa loob loob ko ay natatawa ako. Matagal ko ng panakot ang ganoon, kunwari ay maggagalit-galitan ako at pababalikin siya sa condo niya. Hindi pa siya nasanay, natatakot pa rin talaga. Parang tuta itong nakaupo lang sa dining table. Seryoso ko namang hinahanda ang almusal namin. Parehong hindi kami papasok ngayong araw dahil gusto naming bumawi sa isa't isa dahil busy talaga kami nung nakaraan, nagkaroon kasi ng deal ang kompanya. Pero mukhang ako yata ang babawian ng buhay sa kakulitan niya. Oo nung sa Manhattan kami, parang ang mature niya, bastos pa. Nung nagkita ulit kami, parang ang bait bait na. Nahihiya pa! Tapos ngayong kami na, aba puro kalokohan. Pero it's a good sign. Mas nakikilala namin ang isa't isa. Mas tinatanggap namin ang isa't isa. At mas lalong minamahal namin ang bawat pagkatao ng isa't isa. And that's relationship should be. Hindi yung kaunting pagbabago lang, suko agad. "Kain na." Kunwari ay pabagsak ko pang nilagay sa harap niya ang pinggan niya. Sa kabilang dulo ko nilagay ang pinggan ko at muntik nang matawa nang sumigaw siya. "Oy walang ganyanan!" Reklamo niya, kinuha ang pinggan ko at saka binalik iyon sa lalagyan. Kapag kumakain kasi kami ay iisang pinggan lang ang gamit. Sinusubuan niya ako. Ewan ko ba, iyon ang gusto niya. Tipid raw sa hugasin pero ang totoo ay gusto niya lang na nakakandong ako sa kanya. Tapos di mo nalang mamamalayan kung saan saan na napupunta ang kamay. Kung di lang kami nagpipigil baka nga laspag na ako! Ay ano ba yan Lexi! "Ay! s**t!" Napamura ako nang sinikop niya ang braso sa likod ng tuhod ko bago ako buhatin. Seryoso ang mukha niya habang binabalik ako sa kinauupuan niya. Ngayon pareho na kaming naggagalitan. "Naiinis ka lang pero mahal mo pa rin ako diba?!" Sigaw niya sa akin habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan. Ako naman ang parang tutang tumango. "Mahal din kita! Kaya sorry na!" Naupo ito katabi ko. Nilagyan ng tubig ang baso at saka tinapik ang hita niya. "Kandong!" Hindi ako sumunod. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Bakit ka sumisigaw?!" Singhal ko. Muntik na siyang matawa pero pinigilan niya. Umirap ako para pigilan ang ngiti. This cute little battle between us always made our day. "Sumisigaw lang ako pero mahal pa rin kita!" Agaran niyang giit, hinila ang braso ko at saka ako pinaupo sa hita niya. Tinusok naman niya ang hotdog, kumagat doon bago tinapat sa bibig ko. "Oh! Kain! Kahit mas gusto mo tong hotdog kaysa sa hotdog ko, mahal pa rin kita!" Hindi ko na naiwasan na humagalpak ng tawa sa sinabi niya. Namumula ang tenga niya kakasigaw at ako naman ay nakangising kumain ng hotdog at sarap na sarap pa. "Wag ka na sumigaw diyan, kain na." Tawa ko at ako na ang nagpakain sa kanya. Siya naman ang natawa at kumain na rin. Nang matapos siyang uminom ng tubig ay kinawit ko ang braso sa batok nito. Agad na nahulog ang kamay niya sa beywang ko. "You know I will never get angry at you, diba?" Tanong ko habang hinahaplos ang buhok nito sa likod. "Kahit yung ganitong asaran o kahit seryosong away, nothing will change. Mahal pa rin kita." Tumango siya, pinatakan ng halik ang noo ko at saka sumubsob ang mukha sa leeg ko. "I know. I love you too. Kahit mabingi pa ako sa sigawan natin, masaya ako. Kasi mas nagiging close tayo." Tawa niya at kinagat ang leeg ko. Binatukan ko ito ng mahina bago narinig ang tawa niya. "Gusto mo lang ng lambing." Irap ko. Hinalikan ko ito sa labi, sandali lang dapat iyon pero dahil sa intensidad ng paghalik niya pabalik ay mas lumalim. Ilang beses akong gumalaw sa hita niya, pilit na mas nilalapit ang katawan ko sa kanya. Rinig ko ang mahinang ungol nito at ang bahagyang pagpisil sa beywang ko. "Lexi.." Tawag nito nang ilayo niya ang mukha sa akin. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya, nakuha agad ang pansin ko ng basang labi nito. "Yung hotdog ko galit na, awat na daw." Tawa niya at nginuso ang baba niya. Muntik pa akong mahulog sa pagkakakandong nang mabilis akong humiwalay. "s**t sorry." Tawang tawa siya sa reaksiyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD