IKA-DALAWAMPUNG KABANATA

2449 Words
"I'm going to Ranz office. Wanna come?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga papeles na pinagkakaabalahan ko sa oras na ito. Marami pa iyon at gusto ko sanang tapusin agad. "Hindi nalang muna siguro. Tatapusin ko to." Pagtatanggi ko. "Ano nga palang gagawin mo dun?" "Business matters." Sabi nito. "Saka, Joi texted me. Nandoon siya kaya gusto niyang isama kita." Nagsalubong nalang ang kilay ko. Sana ako nalang ang tinext ni Joi. Kaya ko pa siyang tanggihan. E si Darwin, lahat ata ng gusto susundin ko. "Ganun ba?" Pinindot ko ang tenga at saka tumayo. "Sige sasama ako." Kita ko ang pagngiti niya. Inayos ko naman ang buhok at nagapply ng kaunting gloss bago kami lumabas ng opisina. Ilang minuto na rin lang at lunch break na. Months passed. Nanliligaw nga si Darwin. Halos araw-araw susunduin ako sa bahay para sabay kaming papasok sa trabaho. At kapag uuwi ay ihahatid niya din ako, sa bahay siya magdidinner at saka uuwi na kapag malalim na ang gabi. Hindi ko maiwasan na maisip na baka mapagod siya sa ganoon. Sobrang busy pa naman niya. "Seatbelt on." Paalala nito nang makasakay ako sa kotse niya. Marahan rin ang byahe namin papuntang kompanya ni Ranz. "Hindi ka ba kakain?" Puna ko nang mapansin ang oras. Napangiti siya roon, kinuha ang kamay ko at saka marahan na hinalikan ang likod ng palad. Di ko maiwasan na maginit ang mukha sa ginawa niya. "I'm sure your friends prepared something for us." Tumango nalang ako at saka magkahawak kamay na sumakay ng elevator papuntang opisina ni Ranz. Dire-diretso ang lakad namin, siguro ay kabisado na rin ni Darwin ang opisina ni Ranz. Hindi ko lang alam kung madalas ba silang magusap. Pagpasok pa lang ay si Joi agad ang sumalubong sa akin. Mahigpit ang kapit niya sa akin kaya nagtaka ako. Kita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya nang kumalas ako. "What happened?" Paguusig ko agad. Sinenyasan niya ako na tumahimik kaya napunta ang tingin ko kay Ranz. Nakangiti nitong sinalubong si Darwin kaya alam kong wala itong alam sa kung ano mang pinoproblema ni Joi. "Sa loob tayo." Binulungan niya ako. Tinuro niya ang isang opisina sa loob, doon daw nagmemeeting si Ranz at ilang katrabaho nito. Sound proof daw iyon. Tinawag ni Joi ang atensyon ng mga lalaki saka nagpaalam. Tumango lang ako kay Darwin at saka nagaalalang sumunod kay Joi. Why is she crying? Nang masiguro na sarado na ang pinto ay agad namang umiyak si Joi. Lumapit ako sa kanya at pinaupo ito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. "Joi, anong nangyari?" Inis kong sambit dahil umiiyak nalang talaga ito. "I don't know kung sinong lalapitan. Si Sheena sana kaso nakakahiya. Si Joana maingay. Kaya ikaw nalang. Ayaw kong madisappoint sila." Walang tigil ang iyak niya habang dinudukot ang bulsa. Nang ilabas ang bagay na kanina pa niya tinatago ay napasigaw na ako sa gulat at tuwa. Isang pregnancy kit, dalawa ang guhit. Positive. "Oh God. Oh shit." Nakatanggap ako ng irap mula kay Joi dahil sa mura ko. Tinawanan ko iyon kahit pa nangingilid na ang luha sa mata ko. I'm so happy. f*****g happy. "Anong iniiyak mo diyan?" Tumawa ako kahit pa umiiyak na kaming pareho. "This is a blessing, Joi." "I know.." Mas lalo siyang naiyak. "Pero kasi hindi raw hundred percent sure yan. Tapos paano kung hindi naman talaga ako buntis?" Napasuklay ako ng buhok, lumuhod sa harap ni Joi at saka hinawakan ang kamay niya. "Ganyan lang din ang gamit ko nung nabuntis ako ni Liam. Pero kung gusto mo makasigurado, magpacheck-up ka. Sasamahan kita." Parang batang kumislap ang mga mata niya sa sinabi ko. Agad siyang tumayo. Inayos ang buhok at tumatawang pinunasan ang pisngi ko. "Ayan tuloy nagiyakan tayo." Tawa niya sa akin. Pinunasan ko rin ang luha niya at pareho kaming natawa. Nang lumabas kami ay agad na napunta ang tingin ng mga lalaki sa amin. Sabay pa na nagsalubong ang mga kilay nila dahil sa mugtong mata namin ni Joi. "Are you okay?" Mahigpit na napahawak sa akin si Darwin nang makalapit. Sinuri niya ang mukha ko at sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagyakap ni Joi kay Ranz. "Y-yeah." Sabi ko nalang at humiwalay sa kanya. Tumango sa akin si Joi at mukhang nakapagpaalam na siya. "Aalis lang kami ni Joi. I hope you won't mind. Babalik din agad kami." Paalam ko kay Darwin. Alangang tumango ito at paulit-ulit na siniguro na ayos lang ako. Narating namin ang pinakamalapit na private clinic. Sandali lang ang tinagal namin at lumabas nga ang resulta. Buntis talaga si Joi. "Oh God! I can't believe it." Parang mahihimatay na si Joi sa tuwa. Pinakalma ko ito at saka naman nagpaalala ng kung ano-ano ang doctor. Pinapabalik kami sa susunod para sa scheduled check-up nito. Dahil sa hindi makalma si Joi ay ako na ang nagmaneho ng kotse niya. Pinaalala ko na mamayang gabi nalang sabihin ang balita kay Ranz. She can prepare something and have that news as a surprise. "Matutuwa kaya si Ranz?" Natawa ako nang sabihin niya iyon. "I'm sure as hell, he'd be happy. He loves you." Ngiti ko. Nang itigil ko ang kotse sa b****a ng kompanya ay lumabas agad si Joi. Patakbo pang pumasok. Napailing-iling nalang akong pinarada ang kotse. "Relax Lexi. Get your s**t together." Nanginginig kong kiniskis ang mga palad at saka lumabas ng kotse. Suddenly, the anxiety is taking me up. Natutuwa ako sa balita pero naroon ang pagbabalik ng mga alaala ko noon. Bumalik ako ng opisina ni Ranz. Nang makapasok ak nadatnan ko sa loob si Darwin na nakaupo sa sofa. Tahimik at abala sa binabasang magazine roon. Nilibot ko ang mata dahil wala si Ranz at Joi. "Nasaan yung dalawa?" Tinuro ni Darwin ang loob ng meeting room. "May bisita e." Tumango nalang ako. Inayos ko ang buhok at saka tumabi sa kanya. Kita ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin kaya tinaas ko ang kilay. "Bakit?" "You're not okay." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Iniwas ko agad ang tingin at saka pagak na tumawa. "Ano ka ba, ayos lang ako." Pagtatanggi ko. Rinig ko ang pagbukas ng pinto sa meeting room kaya natigil ang paguusap namin ni Darwin. Kita ko ang nakangising si Joi. Ang seryosong si Ranz. At ang tuwid na reaksiyon ng sinasabi nilang bisita. Oh s**t! Mabilis na tumabi sa akin si Joi. Nakangisi sa reaksiyon ko nang makita ang bisita nila. "May nagbabalik, Lexi." Tawa ni Joi sa akin. It was Killian. Ang lesbianang babae na tinangkang sirain ang relasyon ni Joi at Ranz. Ang parehong babaeng nakarelasyon ko bago ako nalipat sa Manhattan. "Woops, hello Lexi." Nanuyo ata ang lalamunan ko nang makita na niya ako. Pinasadahan ko siya ng tingin. Maiksi na ang buhok, parang sa lalake ang gupit pero mahaba pa rin ang mga hibla. Mas propesyonal siyang manamit, hindi tulad noon na halos nagpapaiksihan kami ng suot. "Long time no see, Killian." Sinubukan kong ngumiti. Kita ko ang pagtataka ni Darwin. Pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Habang ako ay napako na sa kinatatayuan ko. Naalarma ako nang humakbang ito palapit. Marahang yumakap at ramdam ko ang paglapat ng labi niya sa gilid ng labi ko bago iyon dumausdos sa pisngi ko. "Hhmm.." Payak akong ngumiti, tinapik ang likod niya at saka humiwalay. "Kumusta kayo ni Grant?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang itanong niya iyon. Magkakilala sila ni Grant? "We're friends, at nasabi niyang tumitira kayo sa iisang bahay. So, kayo na ba?" Tila namuo ang tensyon sa loob ng kwarto dahil sa tanong niya. Kita ko ang pagatras ni Darwin papunta sa likod ko. Pumulupot ang braso niya sa beywang ko at iyon ang sinundan ng tingin ni Killian. "Oh! So you found someone?" Tila namamangha siya. "I thought there's something between you and Grant." Naiyukom ko ang kamao. I know Darwin's hurting. Mahigpit na ang kapit niya sa beywang ko. "So kayo ba?" Hindi ako nakasagot. Nanliligaw palang si Darwin kaya umiling ako. "I'm courting her." Si Darwin ang sumagot. Mas lalong kuminang ang mata ni Killian na parang natutuwa pa. "Nanliligaw palang naman, e. Ewan ko ba kay Grant at sumusuko agad." Rinig ko ang mura ni Darwin, mabilis nitong tinanggal ang braso sa akin at saka naglakad paalis. Binaling ko ang tingin kay Killian, galit na galit. "What are you doing?" Inosente itong napatunganga. "What? I'm doing nothing." Tumawa siya. "Ikaw, Lexi. what are you doing? Sinasaktan mo si Grant." Ako naman ang natawa. Hindi niya ba alam na lalaki ang gusto ni Grant? "Grant like guys. Like how you like girls." Pagtatama ko. Napangisi siya. "But guys like Grant can also like girls." Matamis ang ngiti nito na hinagod ang pisngi ko. Rinig ko ang pagsuway ni Ranz. "Especially if the girl is like you, Lexi." Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Kita ko ang pangungulila niya sa akin. Madilim ang mga mata niya na parang naaalala niya ang mga nangyari sa amin noon. Killian and Whiskey are the only girls na natagalan ko. I'm with Killian for more than 6 years. Si Whiskey ay halos limang taon. Pero si Killian ang totoong minahal ko. Kaso noon yun. Everything just faded. Pero siya, sa tingin ko hindi pa. "As much as I want you back, I know I can't." Desidido ang mga mata niya na bumaling sa akin. "Pero kaibigan ko si Grant, and he loves you. You just failed to see it." Bahagya nitong tinapik ang pisngi ko. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na umatras. Pinilig ko ang ulo at tumango kila Joi at Ranz. Binigyan ko lang ng tingin si Killian bago mabilis na umalis doon. Malalaki ang hakbang ko papuntang parking at napahinga ng maluwag nang makitang naroon pa rin ang sasakyan ni Darwin. I know he won't leave me here. Marahan kong binuksan ang pinto ng kotse. Nadatnan ko siyang nakayuko, ang mukha ay subsob sa manibela. Mahigpit na nakayukom ang kamao at halos lumalabas na ang ugat sa braso. "Darwin." Mabilis na umangat ang tingin niya sa akin. Pero ang emosyong nakikita ko ay di ko halos mabasa. At kahit nung pabalik na kami sa opisina ay hindi pa rin siya nagsasalita. "May pupuntahan ka pa ba?" Narating namin ang kompanya at pansin kong wala siyang balak na bumaba. Baka may pupuntahan. "Uuwi." Tipid nitong sabi at hindi pa rin ako tinitingnan. "Not feeling well." "Migraine?" Tumango siya. Hinayaan ko nalang. Pinagmasdan ko ang paglayo ng sasakyan niya at napakagat nalang ako ng labi. I know he's feeling down. Pakiramdam niya ay wala siyang laban. Minsan niya iyon sinabi. Kay Grant raw siya mas nawawalan ng lakas ng loob dahil si Grant ang kasama ko nung mga panahon na nasaktan niya ako. At kahit babae ay pinagseselosan niya, kasi mas malaki ang tsansa na sa babae ako mapunta dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Pero.. Hindi man lang ba niya nararamdaman na mas magaan ang loob ko sa kanya? Maaaring malapit kami ni Grant, maaaring mas nagtatagal ako sa babae. Pero.. hindi ba niya nakikita na mas masaya ako sa kanya? Kaso.. Hindi ko naman siya masisisi. Nakikipaglandian ako sa babae kahit na nanliligaw siya. Nakikipagharutan din ako kay Grant. Sa kanya, kahit halik sa pisngi takot akong gawin. Baka kasi hindi ako makapagpigil at may mangyari na kakaiba. "Alam mo naman palang matampuhin yang future boyfriend mo, Lexi. Ginagago mo." Pinukpok ko ang ulo at saka nanghihinang bumalik nalang sa pagtatrabaho. Hindi ko yata napansin ang oras at halos magaalas dyis na. Dali-dali akong sumakay ng kotse para umuwi dahil takot rin ako sa katahimikan ng opisina. Pero habang nasa byahe ay di ako mapakali. Gusto kong puntahan si Darwin. Gusto ko siyang makita. Minura ko ant sarili at walang alinlangan na nagU-turn. Mabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa marating ko ang condo niya. Nasa pinakataas iyo kaya tumagal pa ako. "Darwin?" Paulit-ulit ang pagkatok ko ng pinto pero wala man lang nagbubukas. Pinihit ko ang doorknob, nagtataka kung bakit bukas iyon pero pumasok pa rin ako. "s**t, Darwin!" Napasigaw ako nang makita itong bumagsak sa sahig, nabasag ang baso ng tubig na hawak niya at tinangka pa niyang pulutin iyon kaya kitang kita ko ang pagsirit ng dugo sa kamay niya. Nagaalala ko itong hinila palayo, nanginginig ang kamay niya at ang isa ay sapo ang ulo. Ganito ang migraine niya lalo na kapag may lagnat. Paano e sobrang pagod na nga tapos tatambay pa sa labas ng bahay kahit pa malamig. "I'm okay.." Giit nito habang papaupo sa mahabang couch nito. Tinulak ko ng bahagya ang katawan niya para mahiga ito. "Lilinisin ko lang." Tahimik si Darwin habang nililinis ko ang bubog. Kita ko ang pagpikit niya dahil marahil sa sakit na lumalatay sa ulo niya. Nang matapos ay siya na ang inasikaso ko. Nanginginig na ito sa lamig dahil na rin hinubad ko ang damit niya at pinunasan ng basang bimpo ang katawan. Pinagpapawisan pa. "Kanina pa ba masama pakiramdam mo?" Tanong ko. Kita ko ang pagtango niya kaya nainis na ako. "You should have told me!" Napangiti siya sa pagsigaw ko kaya mas lalo akong nainis. Gustong gusto niya talagang ganito na nagaalala ako. Naupo ako sa dulo ng paa niya. Mamasahein ko sana kaso ay lumipat ito, ang ulo ay ginawang unan ang hita ko at saka naman inutusan ang kamay ko na masahein ang ulo niya. "Galit ka na naman." Tumawa ito dahil naguusok na raw ang ilong ko. Napairap ako. Magisa lang siya rito. Minsan di na nakakakain ng maayos. Tapos mahilig pang magovertime. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa naiisip. "What if, dito muna ako tumira?" Nahiya ako nang ako pa mismo magsuhestiyon. Natawa siya dahil roon. "No way." Pagak ang tawa nito kaya pinalo ko ang dibdib. "Baka anong gawin mo." Sabi ko nga. Kahit hindi niya ipakita naroon pa rin ang kabastusan sa utak niya. "Ewan ko sayo." Sandali kaming natahimik. Nanatili ang tingin niya sa akin. At alam ko na iniisip niya ang nangyari kanina. "I'm sorry. Kanina." Humingi siya ng tawad pero umiling ako. "I have my fair share of mistake, too. So sorry." Pinikit ko ang mata dahil bumalik na naman sa utak ko ang gustong mangyari ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko pero iyon talaga ang gusto kong mangyari. "Darwin." "Hmmm?" "What if sagutin kita ngayon?" Napatayo ito, umuntog pa ang ulo sa akin. Napamura ako sa sakit. "Anong sabi mo?" Umirap ako. "WALA! LETSE KA PANIRA!" Sigaw ko at naiiyak na hinimas ang noo. Siya naman ay napasigaw sa reklamo dahil binawi ko ang gusto niyang marinig na balita. Next time nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD