"That man should inform me if he's going home or not."
Inis kong nilapag sa nightstand ang suot na reading glasses bago lumabas ng kwarto para isarado ang pinto. Kanina pa ako di makatulog dahil hinihintay ko si Grant na umuwi, yun nga lang ay halos magaalas onse na pero wala pa ito.
Saktong isasarado ko ang pinto nang mamataan ang parehong itim na kotse na nasa labas. Sarado ang mga pinto pero ang bintana sa driver's seat ay bukas at nakadungaw ang isang ulo na diretso ang tingin sa taas.
Humigpit ang kapit ko sa doorknob habang pinagmamasdan siya. Bakit niya ginagawa to? He's exerting a lot of effort and definitely wasting time sa pagpunta niya dito para lang tingnan ang bahay ko. Hindi naman niya ako kinakausap.
Mas lalo yata akong napako sa kinatatayuan nang mapunta ang tingin niya sa akin. Gulat siya. Naging malikot ang mata bago ipasok ang ulo sa loob at saka tinaas ang bintana ng kotse. Akala ko ay aalis na ito pero nanatiling naroon ang sasakyan niya.
Pinaglandas ko ang dila sa ibabang labi saka nagpasyang lumabas. Nagdalawang isip pa ako nang itaas ang kamay pero sa huli ay kinatok ko na rin ang bintana nito. Ilang segundo yata ang inabot bago iyon bumukas.
"Ah..." Pareho yata kaming naubusan ng sasabihin. "Usog ka. Bubuksan ko pinto."
Umusog ako paatras. Binuksan niya ang pinto saka nagaalangang lumabas. Kamot pa niya ang batok bago nahihiyang sinalubong ang mga mata ko.
"Lagi ka nalang nandito." Puna ko. Mas lalo yata siyang natameme at namula ang tenga.
"Nakikita mo ko?" Gulat niyang saad, tumango ako.
"Kitang kita ang kotse mo sa bintana ng kwarto ko. Saka naririnig ko tunog ng sasakyan mo." Sabi ko pa, pinipigilan ang sarili na matawa sa kahihiyan niya. Nasamid yata ako ng sariling laway at saka nagpakawala na ng mahinang tawa.
Mas lalo siyang di makatingin.
"Bakit ka nandito? Imposibleng napadaan ka lang." Kinamot niya muli ang batok bago tumalikod sa akin, binuksan ang sasakyan niya at saka kinuha ang pagkain na naroon. Chinese foods.
"Galing ako sa opisina, napadaan sa resto. Naisipan kong bilhan ka." Putol putol pa niyang saad bago mabilis na binigay sa akin ang supot. "Uuwi na ako."
Sayang naman ang pagpunta niya. Kaya't hinawakan ko ang siko nito, mabilis ko iyon binawi dahil sa naglakbay na kuryente. Naku naman, Lexi!
"Wanna go and have night-out with me?" Nilabas ko ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Kumislap ang mga mata niya bago marahang tumango.
"Kukuha lang ako ng jacket." Mabilis kong sabi saka nagtungo pabalik ng bahay.
Kumuha lang ako ng jacket at saka bumalik ng kotse, dala ko pa rin ang Chinese food na bigay niya. Balak kong doon kainin.
Hinayaan niyang ako ang magmaneho ng kotse. Mangha pa ako dahil sa kagandahan nun. Naalala ko tuloy ang naging laro namin noon, kung nanalo ay baka akin ang condo niya.
Pero....
"Saan tayo pupunta?" Sa wakas ay nagsalita siya sa gitna ng katahimikan. Pansin niya rin siguro na tahimik na daan ang binabaybay namin.
"Importanteng lugar para sa akin." Saad ko. "Importanteng tao lang din ang dadalhin ko dun."
Kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Rinig ko ang mahinang mura niya bago dumungaw sa bintana. Para na naman itago ang ngiti niya. Siguro kung sa ibang pagkakataon to, hinalikan na niya ako. Kakagatin ang leeg, didilaan hanggang sa...
Naku naman Lexi! Ano ba yan!
"Sa Boulevard." Sinabi ko nalang saka tumahimik. Inabala ko ang mata sa tanawin sa labas para iwasan ang magisip ng kung ano-ano.
Kita ko ang pagtango niya, hindi pa rin mawala ang malokong ngiti hanggang sa marating namin ang lugar. Maayos na ito, maliwanag.
Hindi mo halos aakalain na minsan na rin naghirap ang lugar na to, sa kamay ng kompanya ni Ranz. Kung hindi dahil kay Joi ay baka wala na ito, pinatayuan na ng kung ano-anong commercial establishments. Pero mahal ni Ranz si Joi, lahat isasakripisyo.
"Doon tayo." Pinarada ko ang kotse sa tabi, kalahati lang ang nasasakupan ng waiting shed. Sumunod ito sa akin at kusang tumigil ang mga paa ko nang marating ang pinakamatandang street light, bago na ang ilaw. At maaliwalas dahil sa makukulay na graffiti sa pader.
Hinanap ng mata ko ang mga sulat ng barakda noon. Kita ko agad ang J2L3R na sinulat noon ni Joi. Bagong bago kaya alam kong may nagparito sa barkada namin para muling ayusin ang pagkakasulat.
Bumaling ako kay Darwin, sinukbit ang kamay sa braso niya bago siyang marahang hinila palapit. Tinuro ko ang isang sulat doon.
"#RanJoi?" Nagtatakang basa niya. "You mean Ranz and Joi?"
Nakangiti akong tumango, tinanggal ang kamay sa kanya at saka humalukipkip.
"Sa tagal na nakatayo ang pader na to, pinaniniwalaan na tambayan daw ni kupido." Mahina akong napatawa. "Kasi lahat ng sinusulat dito, puro pagibig, tapos lahat natutupad."
Tinuro ko ang J2L3R na nakasulat "Initials yan ng barkada naman. Dalawang J, Joi at Joana, tatlong L, ako, si Liam at Leo, saka si Ranz. Noon pa to sinulat pero hanggang ngayon, matatag pa rin kami."
Tinuro ko naman ang hashtag Ranjoi at napangiti. "Sinulat to ni Ranz. Tapos si Joi gumuhit ng heart. Wala silang relasyon noon pero dahil daw kay kupido na tumatambay dito, nagawan niya ng paraan para magkatuluyan sila."
Tahimik kami. Binasa ang mga nakasulat doon. Napapangiti at pagkuwa'y tumatawa. Kung ano-ano kasing nakasulat.
"Do you think cupid will like this?" Tumatawa siyang tinuro ang isang malaking nakaguhit na diamond, may linya sa gitna, sa baba ay may nakakurba. Naginit agad ang pisngi ko nang makuha kung anong ibig sabihin ng drawing na iyon.
"Ayaw ni kupido sa mga bastos kaya mawawasak ang t**i ng sino mang gumuhit niyan dito." Ngumuso ako. Rinig ko ang tawa niya.
Ilang sandali kaming nakatayo lang roon hanggang sa magsimula ng lumamig ang gabi. Pansin ko ang pagsunod niya sa kamay kong pakamot-kamot sa balat. Napaiwas siya ng tingin nang itaas ko ang maiksing shorts at sinuri doon ang pulang pantal.
"Nilalamok ka na." Makapal ang boses niya, seryosong iniiwas ang tingin. Sumunod nalang ako sa kanya sa kotse at doon kami nanatili. Bukas lang ang passenger's seat. Nakaupo ako patagilid at siya ay nasa tabi, nakasandal sa kotse. Ayaw niyang pumasok.
"Damn it." Rinig ko ang mura niya, pulang pula ang tenga pati ang mata. Mabilis itong pumaikot, binuksan ang back seat at kinuha ang suit niya na naroon.
Umawang ang bibig ko nang ibalot niya ang suit sa hita ko. Marahang tinakpan ang nakikitang balat. Ngunit parehong mabigat ang paghinga namin dahil sa pagdampi ng daliri niya sa binti ko.
Lexi ano ba! Maghunos dili!
"S-salamat." Ito yata ang unang pagkakataon na ako ang nahiya sa aming dalawa. Tumango lang siya, yumuko at muntik na akong mapatili nang lumapit ang mukha niya sa akin.
Amoy na amoy ko ang pabango niya, bumubuga ng hininga at tumatama sa leeg ko. Sobrang hirap huminga ng maayos. Yung dibdib ko naghaharumentado na.
Kaso..
"Kainin na natin."
Nagpakurap kurap ako. Kinuha lang pala niya ang pagkain sa likod ko. Akala ko kung ano na.
Naman Lexi, umayos ka!
"Ah sige!" Mabilis akong kumain, mabilis din ang paglunok. Nahihiya ako. Inabala ko nalang ang mata sa pagkain.
Inusog ko ang paa, hanggang sa nabigyan ng espasyo ang sahig ng kotse. Tinawag ko siya, pinaupo dahil nakatayo lang ito habang kumakain.
Tiningnan niya ang maliit na espasyo sa amin. Nagalangan pero umupo pa rin. Nagsisi yata ako dahil halos dumidikit na ang braso niya sa nakalutang kong paa. Balat sa balat!
Tapos ang mukha niya ay saktong kapantay ng tiyan ko. Nakakahiya!
Hindi nalang namin iyon ininda. Hindi siya lumilingon sa gawi ko. Kapag yumuyuko ako para kumuha sa box ng pagkain na nasa hita ko, sumusulyap ako sa kanya. Pansin ang mahahabang pilik-mata niya, kumikislap pa ang mga mata.
"Tahimik ka?" Nakipagusap ako. Lumingon siya, ngumiti at pakiramdam ko ay nahigit ko ang hininga ng unti-unti, parang dahan dahan na sumingkit ang mata niya.
"Tapos ka na?" Sa halip na tanong niya. Tumango ako. Kinuha niya ang box, ginilid at saka binuksan ang compartment. Natatamaan ng siko niya ang hita ko kaya napapapaypay ako ng sarili.
Alam niyang malandi ako! Bakit ganito ginagawa niya? Hindi man lang ba niya naiisip na baka hindi ako makapagpigil at baka atakihin ko na siya dito?
Kung kagaya lang sana dati na siya ang mahilig gumalaw sa akin, baka hindi ako nagpipigil ngayon.
"Can I?"
Salubong ang kilay ko. Nakalahad ang palad niya sa akin, ang isang kamay ay may hawak na colored pen. Napatunganga nalang ako.
"Ano?"
"Can I hold your hand?"
Hindi ako nakapagsalita. Gulat ako.
Ang pagkakakilala ko sa kanya noon, maloko, malandi. Lagi pa nga niya akong biglang hahawakan, hahalikan sa leeg.
Pero ngayon, parang nagdadahan-dahan siya. Gentleman. Marahan, mahinahon. Pero gusto ko ang ganitong bersiyon niya. Nakakatuwa.
"Uh.." Napapunas ako ng kamay sa gilid ng shorts. Nahihiyang inangat ang kaliwa at saka dahan-dahan na pinadausdos sa kanya.
Pareho kaming napasinghap nang magkalapat ang kamay. Sobrang tagal na nung huling araw na magkalapit kami. Sa Manhattan pa. At ang pakiramdam, pareho pa rin nung una.
Nakakakiliti. Nakakapangiti. Nakakawala ng hangin. Pero...magaan sa pakiramdam.
"I miss you."
Inangat ko sa kanya ang tingin pero ang mga mata niya ay nasa kamay naming dalawa. Nagtutubig ang gilid ng mata niya.
I missed you too.
Gusto kong sabihin iyon kaso nahihiya ako. Natatakot. Nagdadalawang isip. Kaya nanahimik ako.
"Tara." Nakangiti niya akong hinila pabalik sa pader. Tumigil sa mga graffiti at saka niya tinapat sa akin ang colored pen na dala.
"Pakitanggal ng takip." Hawak niya sa kaliwa ang pen. Hindi niya mabuksan dahil ang isang kamay ay mahigpit na nakakapit sa akin. Tinangka kong kunin ang kamay sa kanya pero nakanguso niyang hinigpitan ang pagkakahawak. "Yung isa gamitin mo."
Ngiting-ngiti kong ginamit ang kanan para tanggalin ang takip. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti ng matamis.
Tumingkayad siya para maabot ang espasyo na nasa taas. Sumulat ng pangalan niya doon, pinirmahan, tumingin sa gilid at saka nakangising naglagay ng maliit na puso sa baba. Bumabaliko pa dahil kaliwa ang gamit niya, kanang kamay yata ang sanay niyang gamitin.
"Ikaw naman." Sabi niya saka binigay sa akin ang panulat. Kinuha ko iyon, naghanap ng espasyo pero rinig ko ang pagungol niya sa reklamo. "Dito ka kasi magsulat."
Napatunganga ako sa tinuturo niyang espasyo. Sa baba ng mismong pangalan niya, sa baba ng puso. Kapag doon ako nagsulat, iisipin ng makakabasa na may relasyon kami.
Pero, umaasa ang mata niya. At gusto ko rin kaya tumingkayad nga ako. Sinulat ang buong pangalan ko saka pinirmahan sa gilid.
Malaki ang ngiti niya nang ibalik ko ang panulat. Hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Kahit nung bamalik kami sa kotse, pinaupo niya ako ulit sa passenger's. Naupo siya sa sahig ng kotse at saka pinatong ang siko sa hita ko, bahagyang nilalaro ang maliliit kong daliri.
Paulit-ulit niyang sinisiklop ang dalawa naming kamay, tila namamangha kung bakit parang kasyang kasya ang mga daliri ko sa espasyo ng mga daliri niya. Kahit ako namamangha rin.
"May tanong ako." Tumikhim ako. Gumawa lang siya ng mahinang ingay pero nilalaro pa rin ang mga daliri ko. "Bakit....ganito ka? I mean, parang ang bait mo na yata. Nabawasan kabastusan ganun?"
Di ko alam kung paano iyon itatanong. Hindi naman pwede na itanong kung bakit di na niya ako hinahalikan sa leeg. Oo gusto ko yun.
"Kasi..." Di siya nakasagot. Seryoso ang mukha. "Wala na akong oras para makipaggaguhan at maglaro."
Tumigil ang mga kamay niya. Pinasadahan ng daliri ang palad ko at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Ganoon lang ang ginagawa niya pero nabubuhay ang kaluluwa ko.
"Seryoso na ako ngayon. Mabait na." Humagikhik siya. "Pero..." Bumalik ang tingin niya sa akin.
Nagtataka ako sa bigat ng tingin na binibiay niya.
"Pwede naman akong maging bastos basta ba ayos lang sayo." Maloko ang ngiti niya, tumataas-baba ang kilay. Napamura nalang ako na tinawanan niya.
Tahimik kami ulit. Pero yung katahimikan, yung tipong nagpapangiti sa akin. Magaan, walang iniisip. Ninanamnam lang ang sandali na magkasama kami.
Napako ang tingin ko sa batok niya. Parang ang lambot ng hibla ng buhok niyang bumabagsak sa likod. Parang kulay abo ang buhok niya, hindi ko alam kung natural o pinakulayan.
Wala sa sarili kong inangat ang kamay, nilapat iyon sa tuktok ng ulo niya kaya mabilis na lumingon ito sa akin.
"Bakit?" Takang tanong nito. Tinaas niya rin ang kamay at kinapa ang kung ano sa buhok niya pero kamay ko ang nahawakan niya.
"Can I?" Ngumiti ako, matamis. Na sinuklian niya ng malaking ngiti. "Kagaya ng dati."
Marahan siyang tumango. Nilapat ang braso sa hita ko at saka pinilig ang ulo. Ginagawa niyang unan ang braso nito habang nakasuporta ang paa ko. Nagsimulang bumaba ang kamay ko, hinahagod ang buhok niya.
"I f*****g miss this." Mahina ang boses nito. "I miss sleeping with you. I miss the way how you caress my hair, how your scent invaded my room. I miss you beside me. Kung hindi ako nagkamali noon, baka walang nagbago."
Hindi tumigil ang mga kamay ko sa pagsuklay ng buhok niya. Parang iyon ang paraan para patahanin ang nasasaktan niyang puso.
"Kung hindi tayo nagkahiwalay noon, baka nga walang nagbago." Dugtong ko. "Baka mananatiling naglalaro ang ugnayan natin, nasa betting stage. Baka ako, nambababae. Ikaw, abala sa trabaho, lalapit lang sa akin kapag pagtitripan."
Tumikhim ako.
"Pero ngayon, yung pagkakahiwalay natin ng halos dalawang taon, parang nilinis yung pagkakamali natin. Tumigil ako sa pambababae."
Pinindot ko ang tenga. "Joke lang, nambababae pa pala ako minsan."
"Pero diba, mas maayos yung ganito. Mas nakikilala natin ang sarili. Nagsisimula tayo ng maayos."
Tumango siya sa sinabi ko. Parang natauhan. Tumayo ito, pumwesto sa harap ko. Nakangiti nitong sinuri ang mukha ko. Ayaw kong magassume pero yung tingin niya, ay yung klaseng tingin na binibigay ng lalaki sa babaeng pinakamamahal niya.
Inangat niya ang kamay, nanatili sa baba ko. Umangat ang mukha ko at nahuli ang mata niyang nakatingin sa labi ko kaya napakagat ako. Mas lalong dumilim ang mata niya.
Lumapit ang mukha niya kasabay ng pagdagundong ng dibdib ko. Napapikit ako, hinintay na dumikit ang labi niya sa akin pero imbes na doon humalik, sa noo ko napunta ang labi niya.
Rinig ko ang marahas na paghinga niya. Pinipigilan ang sarili at mariing nakapikit.
"Just like before, all I want is to f**k you anywhere." Namula ako. Naalala ang sinabi niya noon na kung wala lang kaming pupuntahan na party ay baka may nangyari na sa amin sa sasakyan niya.
"But I want to do things right." Tila kinukumbinsi niya ang sarili. Humiwalay siya sa akin. Inayos ang strap ng damit ko, pinagdikit ang mga hita at saka mabait na ngumiti sa akin.
"Alexis Caesar, I'm going to court you. Gusto mo man o hindi, liligawan kita."