[THIRD PERSON POV] "KINGINA NAMAN DARWIN BA'T KA BA UMIIYAK?" Napuno ng tawanan ang hospital dahil sa pagtututya ni Leo sa kaibigang si Darwin na panay ang iyak habang di mapakali sa gilid. Kahit ang mga babae naman ay umiiyak din pero sa lalaki ay si Darwin lang ang parang batang ngumangawa. "Kingina ka! Nagaalala ako!" Singhal naman ni Darwin habang nagpapaikot ikot na ng lakad. Alas onse na ng gabi pero ang magbabarkada ay gising na gising ang diwa dahil sa nangyayari. Nasa loob ng emergency room si Lexi dahil sa komplikasyon ng panganganak. Hindi pinayagan si Darwin na pumasok kung kaya't hindi siya mapakali. Kung ano-ano na ang kanyang naiisip dahil tiyak niyang mas makabubuti kay Lexi kung naroon siya. Ilang sandali pa ay may lumabas na Doctor sa inaabangan nilang kwarto at a

