LEXI'S POV "Asan si Alexa?" "In her room." "Si Lexia?" "With Mom." "Andito Mama mo? E si Darren, asan?" "Taking a bath with his Yaya." "Last, si Dareix?" "With Mom too." Ganito lagi kami kagulo tuwing uuwi ako galing trabaho at dadatnan si Darwin na nagkakape at hindi kasama ang mga bata. Sa una ay nagkakalituhan pa kami sa apat naming mga anak ngunit nagtagal ay nasanay na rin. Natatawa na nga lang si Darwin kapag iniisa isa ko ang pangalan ng mga bata. Si Dareix, Darren, Alexis, at Lexia. Parehong walong taong gulang na. "How's work?" Tanong sa akin ng asawa ko at nilapag ang baso ng kape sa mesang kaharap niya. "Masyadong naging abala sa paghahanap ng engineer para sa building. Ikaw, maaga ka umuwi?" Balik kong pangangamusta sa kanya. Nilapag ko ang Gucci handbag sa mesa at

