Chapter 2

1037 Words
“Mr. Laxam—,” hindi pa man naitutuloy ni Hazel ang sasabihin niya ay pinutol na kaagad ito ni Greg. “You may leave. And you don’t have to attend the meeting,” sabi ng binata sa kaniya. “Po? I mean, Sir?” Hindi niya maintindihan kung bakit napakainit ng ulo ng boss niya. Daig pa ang may buwanang dalaw sa kasungitan. “Do you have a hearing problem?” lalong naguluhan si Hazel. “P-po?” naiiling na dinampot ni Greg ang wallet niya ay saglit na may kinuha roon. Pagkatapos ay inilapag iyon sa mesa sa tapat ng dalaga. Nalilito pa ring tiningnan ni Hazel ang matigas na papel sa harapan niya. Tumingala naman ang binata sa kaniya at tumitig sa naguguluhang mga mata niya. “He’s an expert in that area. I’m sure he can help you,” sambit nito saka muling nag-focus sa ginagawa nito. Agad namang dinampot ni Hazel iyon at tiningnan. “B-business card? P-para saan po ito, Sir?” Saglit na napahinto sa pagtitipa sa kibord ng laptop si Greg. “As you can see, he’s an expert Otolaryngologist,” maiksing sabi ni Greg. “Ano sa tingin ng kumag na ‘to? May problema ang tainga ko? Tsk,” bubulong-bulong na sabi ni Hazel. “Sinong kumag? And I can see that you really have a hearing problem,” nanlaki ang mga mata ni Hazel. Ang alam niya ay nasa isip lamang niya isinisigaw ang sinasabi. Pero napalakas pala at narinig ito ni Greg. “W-wala po, Sir. S-si Tantan este Ethan po ang kumag. Sige po, thank you sa recommendation. Bye!” kumaripas ng takbo si Hazel dala-dala ang business card ng doctor. Paglapat ng pinto ng opisina ni Greg ay napasandal siya rito. “Tsk! Ang daldal mo!” pinagtatampal niya ang labi niya sa inis. Kung hindi ba naman siya matanggal sa trabaho dahil sa sinabi niya. Muli niyang sinilip ang boss niya. Eksakto namang nakasilip din ito dahil basa tapat ito ng pinto. “Ay kalabaw ka!” tarantang umalis siya sa pinto at nagmamadaling pumunta sa desk niya at naupo na parang walang nangyari. Ngunit halos lumabas ang puso niya sa lakas ng t***k niyon nang makita niyang papalapit si Greg sa kaniya. “Ms. Casipe,” agad na tumayo si Hazel mula sa kinauupuan niya habang pigil ang hininga. Marami siyang katangahang nagawa ngayon kaya kailangan niyang maghinay-hinay. “Yes, Sir!” agad na sagot niya. “You don’t need to come to work tomorrow. I’m giving you an extra off.” hindi na talaga maintindihan ni Hazel kung ano ang nangyayari. Kailangan na niyang liwanagin sa boss niya kung bakit siya bibigyan ng off at bakit hindi siya pinapapasok. “Sir, question.” agad na singit niya nang mapansin niyang tatalikod na ito para umalis. “Go ahead,” agad na huminto si Greg. Maaga siyang uuwi mamaya pagkatapos ng meeting. Mayroon siyang kailangang asikasuhin. “Bakit po hindi ko na kailangan pang umattend ng meeting today and bakit niyo po ako binigyan ng extra off?” diretsahan niyang tanong. “You may go home early and rest until tomorrow. I know you’ve been coming to work early and going home late,” paliwanag ni Greg na wala nang paligoy-ligoy pa. “Tapos na tayo s—,” naputol na ang sasabihin ni Greg nang may tumawag sa telepono nito. Nang sagutin nito ang tawag ay tumalikod na rin ito. Hindi na naituloy ang sasabihin nito. “Ang Ampalaya ko talaga, o. Hindi pa nga nagiging tayo e. Tapos na agad. Huwag naman ganoon, Sir,” nasa ganoon siyang iniisip nang ang lokong si Tantan ay kinalabit na naman siya. “Oy!” Napitlag siya sa ginawa nito kaya busangot na naman ang mukha niya. “Ano ka ba? Nanggugulat ka na lang lagi!” gusto na ni Hazel iwasan ang isang ito dahil baka atakihin na siya sa isang ito. “Para ka kasing ewan na ngingiti-ngiti na parang baliw.” inakto pa nito ang hitsura ni Hazel habang nakatulalang nakangiti. “Ang pangit mo. Hindi naman ako ganiyan. Tsk. Nangungulit ka na naman. Makauwi na nga.” Nagligpit ng gamit si Hazel at agad na isinukbit ang bag sa balikat niya at naglakad paalis sa mesa niya. “O, saan ka pupunta?” Ang aga pa, a,” sita ni Tantan. “Well, I dasurv a rest after all those puyat days. Baboosh!” agad namang humarang si Tantan sa daraanan ni Hazel. “Ang aga pa. Huwag ka muna umuwi. Ay hindi pala. Maaga ka na lang pumasok bukas para mas masaya,” sabi pa nito. “Sarreh! I’m on off tomorrow. As per boss approval. “Ha? Bakit?” nalilito man ay tuloy pa rin ang paglalakad pagharang nito sa paglalakad ng dalaga. “Anong bakit? Approved na nga ni boss.” sagot niya rito sabay pigil kay Tantan. “Hep! Hanggang diyan ka na lang. Huwag mo akong susundan.” Tumigil naman sa paglalakad ang binata ngunit may inihagis ito sa unahan niya kaya naman napitlag siya at napatutop sa dibidb. “Salbahe ka talaga!” Dinampot ni Hazel ang laruang palaka at inihagis sa binata. Humalakhak naman si Tantan at nagtatakbo sa desk niyo pagkadampot sa palakang laruan. Aliw na aliw talaga siyang kulitin si Hazel. Lingid sa kaalaman nila ay kanina pa sila pinagmamasdan ni Greg. Tinapos nito kaagad ng ilang minuto lang ang meeting at agad na bumalik. At iyon nga ang nadatnan nito. Matalim ang mga matang dumiretso ito sa loob ng sariling opisina. Tapos na siya para sa araw na ito. Agad siyang nagligpit ng gamit at umalis. Hindi katulad ng mga nakalipas na araw na sa br ang pinupuntahan niya. Ngayon ay sa libingan ni Steph, at ni Lauro. Hindi pa rin niya malaman kung bakit sa tuwing nakikita niya sina Tantan at Hazel na nagkukulitan ay sa puntod ng yumaong asawa at kapatid ang tungo niya. Makailang ulit na niyang natatagpuan ang sarili sa puntod ng mga ito. Wala rin naman siyang ginagawa kung hindi ay tumitig lamang sa puntod. Walang salitang namumutawi sa kaniyang labi. Wala na ring luha na lumalabas sa kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD