Halos ala-singko y medya na nang makarating sa bahay si Hazel mula sa parlor. Hindi na niya namalayan ang oras habang nasa spa nang dahil sa sobrang pag-relax at pagmamasahe sa kaniya. Nakaidlip pa siya at paggising niya ay huli na nang ma-realized niya na kailangan pa niyang magtungo sa salon para magpa-make-over. Napalingon siya sa may barnis na pintong kahoy ng bahay ni Tantan. Wala pa rin doon ang binata. Kahit na makulit ito sa opisina ay nag-aalala pa rin siya dahil hindi pa rin ito umuuwi. Marahil ay sa party na nga sila nito magkikita. Agad siyang umakyat sa unit niya para magpalit ng damit bago pa man dumating si Greg. Maaga pa naman sa usapan nila ni Greg ngunit mas okay nang siya ang maghintay kaysa ang binata. Hindi siya sanay nang hinihintay. Eksaktong pagpasok niya sa loob

