“Do you deliver privately?” tanong ng binata sa ginang na nakatayo sa harapan ng gown. “Yes, Sir. In fact, that’s one of our rules. We do not disclose the names of the sender if they choses that option.” Tatango-tango naman ang binata. “That’s good. I’ll take that.” turo ng binata sa gown. Agad naman itong kinuha ng ginang. Matapos ihanda ang gown ay ibinalot na ito ng staff ng boutique. Isinulat naman ng binata ang address na pagdadalhan sa kapirasong papel upang hindi magkamali. “Thanks for coming, Sir!” Tumango naman ang binata at umalis na sa boutique. At ngayong gabi nga ay suot na ng dalaga ang gown na ipinadala sa kaniya. Talaga naman umakma ang disenyo nito at ganoon din ang sukat. Dahil sa gown ay nabingwit niya ang pagiging darling of the night. Talaga namang siya ang nararap

