Hindi mapigilan ni Hazel ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Ramdam niya ang sakit ng ginawa niya. Naaawa siya kay Tantan. Alam niyang wala naman itong ibang ninais kung hindi ay ang masuklian ang nararamdaman nito para sa kaniya. Ngunit ano ang magagawa niya kung si Greg talaga ang gusto niya. Mabilis ang mga lakad na tinungo niya ang hall. Pagkarating doon ay nagpahid muna siya ng mga luha sa kaniyang mga mata. Pilit na inalis ang bakas ng lungkot sa nangyari at ngumiti. At nang masiguro niya na okay na siya ay agad niyang hinanap si Greg pagpasok sa venue. Nagpalinga-linga siya upang sipatin ang kinaroroonan ng binata. Ngunit malawak ang lugar kaya naman nahirapan siyang hanapin ito. Wala rin ito sa puwesto nito kanina at dahil na rin sa dami ng empleyado ay hindi niya ito

