Sabay na lumabas ng opisina sina Hazel at Greg. Nag-insist pa rin siya na dalhin ang sling bag niya. Hindi siya sanay sa labas na walang mahahawakan kahit wallet man lang. Walang bulsa ang skirt niya at naka-blouse na wala ring pocket.
Nakamasid naman si Ethan sa dalawa nang mapadaan ang mga ito sa desk niya. Sumenyas pa ito sa dalaga kung saan sila pupunta. Ganoon din naman ang ginawa ni Hazel at pagkatapos ay naglakad na nang tuloy-tuloy. Tahimik lang silang pumasok sa elevator.
Hindi malaman ni Hazel kung magsasalita ba siya dahil abala ang binata sa pagtingin sa cellphone nito. Ngunit nais niyang malaman kung nagustuhan ba nito ang lito niya. Ilang segundo pa ay tumikhim siya upang magsalita ngunit naunahan siya ni Greg.
“Thanks for the food,” sambit ng binata. Lumapad naman ang pagkakangiti niya at tumango sa binata. Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit wala na itong sinabi pa. Wala man lang comment kung masarap ba o ano ang lasa ng luto niya. Nakababa na sa ground floor ang elevator ay hindi na ito muling umimik. Para siyang ewan na sumusunod lang dito kung saan ito pupunta. Nang makalabas na sila sa elevator ay saka ito nagsalitang muli.
“I like the food,” palakpak ang taingang napatingin siya rito na puno ng excitement sa narinig.
“I like you too, Sir!” nakangiting sabi niya ngunit ilang segundo lang ay binawi niya ang sinabi nang ma-realized ang sinabi.
“I mean I like it too. I love veggies and buttered garlic shrimp,” sabi pa ni Hazel. Napakagat pa sa ibabang labi habang tinatantiya ang reaction nito. Ngunit katulad pa rin ng dati—deadma lang.
Sumingkit ang mga mata niya na sinundan lang ito sa parking kung saan naroon ang kotse nito. Naghihimutok siya sa kamanhidan ng lalaki. Kaunti na lang ay ipamumukha niya rito kung gaano kalaki ang pagbabaliwala nito sa beauty niya.
“Tseh! Manhid!” napag-iwanan siya nito sa laki ng mga hakbang ni Greg kaya naman parang tangang inaakto niya ang mga daliri at pilit na pinagkakasya ang hugis nito upang kunwari ay tirisin. Pipiratin na sana niya nang pakunwari nang makita siya nito. Agad naman siyang nanakbo at lumapit dito.
“What are you doing?” Seryoso pa rin ito na nagtanong.
“W-wala, Sir…” pagsisinungaling niya pero sa totoo ay gusto niyang tirisin ito sa pagkamanhid at ganoon din ay sa mga kilos nito na para bang walang ka-ide-ideya sa nararamdaman niya. Nang makarating sa kotse ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Greg.
“Careful.” Natahimik lalo ang mundo ni Hazel na para bang dumaan ang katahimikan nang dahil sa ginawa nito. Tila may kilabot ng kuryenteng gumapang sa katawan niya nang hawakan nito ang ulunan niya upang hindi siya mauntog sa kotse.
“Salamat, Sir.” Halos manlambot pa ang tuhod niya. Iba pala ang pakiramdam na maalagaan ng isang Gregor Laxamana. Nawala ang pagiging madaldal niya. At kung dati ay nagagawa niyang magpa-cute, ngayon ay nabahag ang buntot niya. Hindi rin naman ito ganoon dati sa kaniya.
Nang makasakay siya ay dumiretso na ito sa driver’s seat, “Seatbelt.”
Napasinghap si Hazel nang ito ang magsuot ng seatbelt sa kaniya. Tila ba natuod ang katawan niya at pansamantalang hindi gumalaw ang puso niya. Langhap niya ang pabango nito na animo’y dinadala siya sa dagat. Nang matapos siya nitong suotan ng seatbelt na ikina-weird ng situation ay nagsuot na rin ito ng sariling seatbelt.
“Anong eksena ‘to, ampalaya ko? Baka hindi ako makapagpigil e mahalikan kita,” bulong ng isip ni Hazel na muli na namang natuod nang mapansin niyang nakatingin si Greg sa kaniya.
“Are you okay?” tanong nito. Tumango naman siya dahil tila umurong na nga nang tuluyan ang dila niya at walang lumalabas na boses.
Nagsimula itong magmaneho habang hindi naman siya mapakali sa upuan niya. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa inaakto ng boss niya o sadyang masama ang pakiramdam niya.
“This is a treat for being a hardworking secretary,” sambit ni Greg.
“Sir?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga rito. Hindi ba e dapat matuwa siya dahil nakuha na niya ang nais niya? Ngunit bakit parang nabawasan ang excitement? Hindi maiwasan ni Hazel ang mag-isip.
“Have you visited the doctor I recommend to you?” usisa ni Greg. Baka nga may hearing problem na talaga si Hazel.
“You look unease. Is there a problem?” Sunod-sunod na iling ang isinagot niya sa binata.
“Nothing, Sir. H-hindi lang ako sanay na hindi ka nagsusungit,” direktang sabi niya rito.
“Huh?” tila nabingi si Greg sa narinig. Hindi niya ine-expect ang sagot ng dalaga sa kaniya.
“Joke lang, Sir. Thanks sa treat mo pero hindi naman po kailangan,” nagulat siya nang bigla itong nag-signal na mag-U-U-turn.
“Madali naman akong kausap,” sabi pa ni Greg.
“Nako, Sir. Joke lang. Kayo naman, hindi mabiro. Kailangan po ito para sa good relationship natin. I mean boss and secretary relationship.” sagot ng dalaga. Agad na inalis ni Hazel ang signal. Nagpatuloy sila sa pagpunta sa resto.
“Welcome to Two W Resto, I’m Bambi at your service. This way, Ma’am, Sir,” sabi ng babaeng sumalubong sa kanila.
“Table for two, Mr. Laxaman’s reservation.” Itinuro ng babae ang table na naka-reservd para sa kanila. Gusto niyang sisihin ang sarili niya kung bakit awkward ang pakiramdam niya ganoong gustong-gusto niya ang boss niya. Ngunit hindi siya mapalagay. Hindi ba siya masaya?
Iiling-iling na inalis ni Hazel ang thoughts niya tungkol sa ikinikilos ng boss niya. Dapat ay masaya siya, Sinusuwerte na siya at tagumpay ang pagpapapansin niya. Ngunit hindi pa lubusan dahil maganda lang ang pakikitungo nito ay hindi siya gusto katulad ng nararamdaman niya para ditoZ.
“You’re here!” sabay na napalingon sina Hazel at Greg sa nagsalita.
“Win,” sambit ni Greg sabay tayo at beso kay Winona. Nagdadabog naman ang puso ni Hazel kung bakit sa dinami-rami ng restaurant ay roon pa napadpad si Winona.
“Kapag minamalas ka nga naman,” bulong niya.
“And you’re Hazel, right?” Walang nagawa si Hazel kung hindi ay ngitian si Winona. Hindi naman niya puwedeng bastusin at ismiran ang babaeng ito.
“Yes po,” sambit ni Hazel bilang pagtugon sa pagkukumpirma nito sa pangalan niya.
“Please to meet you. I heard so much about you,” sabi ni Winona na nginitian niya lang. Wala naman siyang naisip na i-respond dito. Ayaw na niyang usisain ang kung ano man ang ikinuwento ni Greg dito. Nasisigurado niyang tungkol lang ito sa pagiging sekretarya niya.
“Join us, Win,” alok ni Greg sa babaeng dumating.
“Sure,” sambit naman nito na lalong nagpa-dismaya sa kaniya.
“Puwede namang tumanggi,” bulong muli ni Hazel sa sarili. Nagngingitngit na ang damdamin niya dahil sa pagdating nito at lalo pang nadismaya na hindi man lang tumanggi sa alok ng boss niya.
“Finally, nakilala rin kita personally,” sabi ni Winona sa kaniya.
“Bakit? Selos ka?” Nauuna pang sumagot ang isip niya sa kaniya. Ito ba ang nagseselos o siya. Kailan pa nagkaroon ng karapatan ang sarili niya na magselos?
“Thanks, pleased to meet you too,” sagot ni Hazel dito.
Matapos nilang magpakilala sa isa’t isa ay eksaktong dumating ang pagkain nila.