“Sigurado ka na ba?” usisa ni Jo Ash sa kaibigan na abala sa pag-iimpake ng mga gamit. Nagpasama si Tantan sa kaniya para mag-ligpit ng mga gamit sa apartment. “Oo naman. Huwag kang mag-alala, babalik din ako. Hindi nga lang sure kung kailan,” sagot nito sa kaibigan. Hindi alam ni Tantan kung paano magmo-move on kung lagi niyang nakikita ang dalaga. Ang tanging solusyon na naisip niya ay iwasan ito. Pagpunta niya sa apartment kanina ay nakita niyang paalis ang kotse ni Greg kasama si Hazel kaya naman malaya siyang nakakikilos. Wala siyang balak na guluhin ang dalawa at ayaw ri naman niyang makasira. Palalayain na niya dalaga. Ayaw niyang mahirapan pa ito nang dahil sa kaniya. Sa simula’t simula pa lang naman ay kaibigan lang ang turing nito sa kaniya. Siya lang itong nagbigay ng kulay d

