Mabilis akong tumakbo papasok ng kwarto ko nang makita iyong lalaki. Iba na ang suot nito at mukhang napakalamig ng ekspresiyon ng mukha nito kahit abala sa pagsasalita iyong babae. Girlfriend kaya niya? Ah teka, baka asawa na. "Allie, kamusta?" tanong ni Oliver na kalalabas lang ng c.r at bagong ligo. Napalunok ako dahil naka-topless lang ito. ALLIE!! "Ah, ok lang. I…I have to stay with him," nakayuko kong sabi. Bumuntong-hininga si Oliver bago umupo sa kama at kumuha ng damit sa dala nitong bag. "Inaasahan ko na yang sagot mo pero di pa rin pala talaga maiiwasang mabwisit ako sa mga desisyon mo. Pwedeng-pwede ka nang umalis Allie." "Maniwala ka man o hindi, pero mananatili lang ako hanggang sa makalakad na ulit siya. At pag may lakas na siya ng loob na ipaglaban ang totoo niyang na

