Maaga akong nagising kinabukasan para intidihin si Jaze. Tulog pa si Dan at di ko na ito ginising dahil hindi pa naman ito sanay sa ganitong buhay. Alam ko kung gaano ka-easy-go-lucky ang buhay ni Dan, kaya matatagalan bago pa ito makapag-adjust ng tuluyan. "Good morning, magbabanyo ka ba?" tanong ko kay Jaze na alam ko namang gising na rin sa oras na iyon. Naglakad ako papunta s bintana at hinawi ang kurtina para naman pumasok ang masarap na hangin ng umaga na magnda raw sa kalusugan. Napansin ko na malamig ang umaga ngayon, may halong lamig ang simoy ng hangin na dumapo sa aking balat. Masarap sa pakiramdam ang umaga na ito, kaya habang nakatitig ako sa labas ng bintana, bigla kong naalala ang mga pangarap at mga plano na pinlano ko para sa aking sarili at para kay Jaze. "Si Dan?" ta

