"PEPEEEPPP!!!" Napasapo na lang ako sa ulo. Mula sa condo ay nagkatuwaan na ako nitong lalaking magnanakaw na nakasunod sakin sakay ng motor nito at bumubusina ng bumubusina maya't-maya. Nang mag-stoplight, malaki ang ngiti nitong tumigil sa tabi ng sasakyan ko. Sa iyamot ay sinara ko ang bintana ng kotse nang di ko makita. Sa wakas ay nakarating na rin sa restaurant, at inaashan ko na ang tinginan ng mga empleyado namin. Si Noel, kita ko agad na umiiyak. Simula nang magkagulo, alam kong naging mabigat ang lahat para rito dahil sa ito ang sous-chef rito. Siya lang ang magtitake-over pag wala si Jaze. "Mam Allie," salubong ni Noel sakin. Ngumiti naman ako bago ako nagsalita, "Hi, Noel. Kamusta?" "Mam, wag niyo ho akong ganyanin. Alam ko naman hong mahirap ang lahat para sainyo. Alam

