Jerome's POV Napatawa ako sa reaksyon ng Jaden na 'yon nung sinabi kong ako ang first kiss ni Trinity e, hindi naman totoo ang lahat ng mga pinagsasabi ko kanina. Sinusubukan ko lang kung may gusto siya kay Trinity at nakumpirma ko na oo. May gusto pa rin ako kay Trinity hanggang ngayon pero hindi naman niya ako gusto kaya nakukuntento na lang ako sa pagkakaibigan na meron kami. Kahit kaibigan lang niya ako ay poprotektahan at aalagaan ko siya. Ayoko na magkasira kami nang dahil lang sa mahal ko siya. "Tol, sino yung lalakeng kausap mo kanina? Mukhang maangas e." Tanong ni Charles. Isa sa mga kaibigan at kateam mate ko sa basketball. "Kaibigan ni Trinity." Sagot ko na lang. Ayoko na magkwento sa kanila na isa ang Jaden na iyon sa pagpipilian ni Trinity na magiging fiancé niya. "Oh? Di'

