Mason's POV Hinahanap ko ang gitara ko at naalala ko na naiwan ko pala 'yon kanina sa terrace nung tumutugtog ako kaya dali-dali akong umakyat papunta don. Papasok na sana ako sa loob nang makita ko si Jun na hinila si Trinity palapit sa kanya at saka niya ito hinalikan. Nagulat ako sa nakita ko kaya bumaba nalang ako sa terrace ng tahimik. Nagpunta ako sa kwarto namin at naabutan ko sina Arthur at Kevin na naglalaro ng chess sa kama ni Arthur. Napaupo ako sa kama ko ng tahimik at iniisip ang nangyari kanina. Bakit hinalikan ni Jun si Trinity? May gusto na ba siya kay Trinity? "Mason, okay ka lang ba?" Puna sa akin ni Arthur. I nodded. "Oo, okay lang ako." Sinuri niya muna ako akong mabuti bago siya nagpatuloy sa pagchechess nila ni Kevin na nagdududa ring nakatingin sa akin. Kailanga

