Chae's POV Sa wakas at nagkaboyfriend na rin ang bestfriend kong si Trinity. Yung nagligtas pa sa kanya na si Jaden ang naging boyfriend niya. Botong boto talaga ako don kaysa sa Daniel na 'yon. Nung time kasi na hinatid niya si Trinity sa room nito ay parang naiinis pa siya nang dumating kami nila Bonnie. Mabuti nalang talaga at kay Jaden napunta si Trinity. Dahil birthday ko ngayon ay inimbitahan ko ang mga kaibigan ko including Trinity at pati na rin ang 13 Guys dito sa bahay namin. Simpleng inuman, kwentuhan at kainan lang naman ang mangyayari dito. Katulong ko ang boyfriend kong si Leo sa pag-aayos at paghahanda ng pagkain habang sina Bonnie at Micca naman ay magkatulong na nililinis ang bahay ko. Wala pa si Jerome dahil may inaasikaso lang daw ito pero hahabol naman daw siya. Si Le

