Trinity's POV Breaktime namin ngayon at nandito ako sa canteen kasama sila Chae, Bonnie at Micca. After nung birthday ni Chae ay pinukol na ako ng tanong ng mga babaeng 'to sa mga nalaman nila kagabi. Kesyo tama daw sila ng hinala na gusto ako ng ibang 13 guys. Parang kapatid na nga ang turing ko sa kanila e. Tinanong rin nila ako kung bakit ko tinanong kung bully ba si Jerome. Ang dami kasing taga YGA ang nagsasabi sa akin na nakikita daw nila si Jerome na may pinagtitripan o pinapahirapang tao. Hindi naman ako naniniwala dahil sa tagal na naming magbestfriend ay napakabait niya pati na rin sa iba. Nacurious lang siguro ako kaya natanong ko ang bagay na iyon at naniniwala rin ako sa sinabi niya na hindi 'yon totoo. Nung gabi rin na nauna kaming umuwi ni Jaden ay sinabi nito sa akin na na

