Zina Estella's Point of View "SA WAKAS nakarating na rin tayo," sabi ni Victor ng makarating kami sa beach. Nag taxi lang kami papunta rito dahil madami kami limang taxi ang sinakyan namin. "Tara punta na tayo sa beach house ni Luther para makapagpahinga na tayo," sabi ni Ate Mikaila. Lahat sila nagbuhat ng mga gamit namin, oo sila lang dahil hindi naman ako hinayaang mabuhat ng apat. Hinayaan ko na lang sila dahil pag dating sa ganyan ay hindi ako mananalo sa kanila. Pagkadating namin sa beach house nina Axl napamangha kami dahil ang laki ng beach house nila. Hindi ito ang inaasahan ko eh, akala ko parang mansion lang ito sa tabi ng dagat pero yun pala parang resort na ang dating niya dahil pagpasok mo sa may private pool at tatlo ang mansion na nandoon hindi pa kasama doon ang iba pan

