Zina Estella's Point of View "GRABE naman pala iyon, binabayaran pala ang mga prof," sabi ni Anna. Hindi muna kami umuwi, pumunta muna kami sa isang kainan upang magpalipas daw ng oras. Ayaw muna kasi nilang umuwi at dinamay na rin nila ako dahil gusto nila akong sumama at swempre kasama ko rin ang Regium dahil hindi ako iiwan ng mga ito na ako lang mag isa, ayaw nilang mag commute ako. "Sa totoo lang, alam ko iyon," pag amin ko. "At na-gi-guilty ako dahil di ko sinabi." "Paano mo nalaman?" tanong ni Ate Mikaila. "Hindi ko sinadya na makita na binabayaran ng magulang ni Hannah, yung dating alipores ni Athena yung prof nila." sabi ko. "Pero hindi ko akalain na lahat sila maliban kay prof Louis ay binabayaran nila." "Bakit 'di ka nagsumbong?" tanong ni Cj. "Kasi wala akong ebidensya b

