Zina Estella's Point of View
KAHIT NA ANTOK pa rin ako ay kailangan kong bumangon dahil may pasok pa kami. Mag fa-five na din ako akong nakauwi kanina kaya kulang na kulang ako sa tulog. 8am ang pasok ko pero nagising ako ng 7am para makapagluto ako ng almusal ko at ng babaunin ko sa school.
Nakasanayan ko na din ang ganito na lagi akong puyat, wala naman akong magawa kailangan ko ng pera para mabuhay ako. Mabuti na lang at mahahaba ang mga break namin, natutulog ako kapag ganung mga oras, minsan sa library, minsan sa rooftop pero kapag hindi ko na kayang pigilan ang antok sa room ako natutulog.
Matapos kong makapagluto at kumain ay naligo na ako binilisan kong maligo dahil malapit ng mag time. Mabuti na lang malapit lang ang apartment ko sa school kaya hindi ako sobrang ma-le-late. Agad akong nagbihis pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang bag ko at nilagay ang lunch bag ko sa loob ng bag pagkatapos lumabas na ng apartment. Sinuguro ko munang naka lock iyon bago ako umalis.
Lakad takbo ang ginawa ko para hindi ako ma late sa school. Mahirap ng ma late, scholar lang ako sa school, ayokong mag ka record dahil lang sa late ako. Pinapangalagaan ko ang scholarship ko dahil ito na lang ang pag asa ko para makapagtapos ako. Kapag nagka record ako sa school baka bawiin nila sa akin ang scholarship ko.
Mayamaya nakarating na rin ako sa school, mabuti na lang hindi ako sobrang late may ilang minuto pa ako bago magsimula ang klase. Marami pa din namang students ang nakakalat sa hallway ng school. Wala rin naman silang pakielam kung ma-late sila dahil wala naman silang pinanghahawakan na importanteng bagay dahil mayaman sila, hindi gaya ko na scholar lang kaya kailangan kong panatilihing malinis ang record ko.
"Hindi pa rin nag a-upload ng new song si Zie diba?"
"Oo"
"Tagal na rin mula ng mag upload siya, sana mag upload na siya dahil gusto kong madagdagan ang songs ko sa kanya."
"Oo nga, hindi nakakawalang pakinggan, ang sarap sa tenga"
"Tama ka, kahit di pa natin alam ang itchura niya marami na siyang fans."
"Kahit ano pang maging itchura niya okay lang dahil hindi naman natin siya inidolo sa mukha niya eh kundi sa boses niya."
"Tama ka, siya yung nagpatunay na hindi kailangan ng mukha para maidolo ng marami."
Kahit saan talaga naririnig ko ang pangalang Zie. Sikat na singer kasi si Zie sa StarMix, pero ni minsan ay hindi pa nila nakikita ang mukha niya dahil lagi itong nakamaskara kapag nag a-upload ng video pero kahit na nakatago ang mukha niya ay marami pa ring mga taong humahanga sa kanya. Wala silang pakielam kung ano man ang maging itchura nito dahil mahalaga sa kanila ay ang maganda nitong boses pero mababago ba ang pananaw nila kapag nalaman nila na ang hinahangaan nilang si Zie ay ang nag iisang scholar ng LIS.
Yes, ako at si Zie ay iisa pero walang nakakaalam kahit na sino, well meron pa lang isa, ang bestfriend ko. Alam niya na ako si Zie dahil siya ang dahilan kung bakit nakilala ako bilang si Zie.
FLASHBACK
"Ella," tawag sa akin ng bestfriend ko sa akin. Nickname niya sa akin ang Ella at gusto niya siya lang ang tatawag sa akin ng ganun. "Maganda naman ang boses mo bakit hindi mo kaya ipakita sa iba iyan?"
"H-Ha?" utal na tanong ko, nagulat ako sa sinabi niya eh.
"Sayang naman kasi ang talent mo kung itatago mo lang yan." sabi niya.
"P-Pero takot akong humarap sa maraming tao eh." sabi ko.
May stage fright ako, ayoko na maraming tao ang nakatingin sa akin. Ayokong nasa akin ang lahat ng atensyon nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakatingin na sila sa akin para sa akin kasi feeling ko ay hinihintay nila na may magawa akong mali tapos pagtatawanan nila ako kahit hindi naman.
"Hindi ka naman haharap sa kanila, alam mo naman siguro ang StarMix diba." sabi niya.
"Oo alam ko," sabi ko, "Pero makikilala nila ako tapos pagtitinginan nila ako,"
"Sayang naman kasi kung hindi mo ipaparinig sa kanila." sabi niya at makikita mo ang panghihinayang sa mukha niya.
"Edi irecord na lang natin ang boses ko tapos iparinig natin." suggest ko.
"Pero hindi pwede sa StarMix na boses lang ang nandoon dapat video ang nakalagay." sabi niya.
"Edi lagyan na lang natin ng lyrics." sabi ko.
"Ang pangit naman ng ganun." reklamo niya.
"Papakinggan lang naman nila diba?" sabi ko.
"Mas marami kasing makikinig ka pag nakita nilang maganda ang kumakanta." sabi niya.
"Edi wag na lang," sabi ko.
"Ha, bakit naman?" gulat na sabi niya.
"Kung yan din naman ang magiging basihan nila para lang pakinggan nila ang isang musika ay wag na lang." sabi ko.
Ayoko ang ganun, gusto ko na pakinggan nila ang music sa taos sa puso nila at talagang gusto nila hindi yung papakinggan lang nila dahil maganda o gwapo ang kumakanta. Edi kung pangit ang kumakanta ay hindi na nila papakinggan ito ganun?
"Hindi naman sa ganun, pampahatak lang naman yun para maraming makarinig." dahilan niya.
"Maraming paraan para marinig nila kahit pa isang tao lang ang makinig basta taos sa puso niya ay okay lang kesa naman sa marami ngang nanunuod pero hindi naman dahil sa boses niya kundi dahil sa mukha ng kumakanta." sabi ko.
"Bonus lang naman ang mukha eh, magugustuhan din nila ang kanta." sabi niya.
"Ayoko," sabi ko. "Tsaka takot akong may makakilala sa akin."
Napabuntong hininga naman siya. "Hindi lang ang boses mo ang sayang pati na din ang mga sinulat mong songs." Nanlaki ang mata ko ng tumingin sa kanya dahil sa narinig ko.
"Paano mo nalaman iyon?" gulat na tanong ko dahil wala akong sino man ang napapagsabihan ng mga sinusulat kong kanta dahil nahihiya ako baka kasi hindi maganda.
"Hehehe," alangang tawa niya. "Nung gabi kasi na nauhaw ako tapos napadaan ako sa kwarto mo at nakabukas ng konti ang pinto mo, hindi ko naman sana papansinin iyon pero napahinto ako at narinig ko na kumakanta ka, alam kong maganda ang boses mo pero hindi ko alam na kaya mo ring gumawa ng kanta at ang ganda ng mga ginawa mo. Hindi ko na tinuloy ang pag inom ang ginawa ko na lang ay umupo sa tabi ng kwarto mo at pinakinggan ang mga kanta mo." mahabang paliwanag niya.
Bigla naman akong napatakip ang mukha sa sinabi niya at feeling ko na mumula ako dahil ang init ng pisngi ko. Wala akong pakielam nun kung kanta lang ako ng kanta kasi alam ko nakasarado ang pinto at soundproof ang kwarto ko sa bahay nila. Nakatira kasi ako sa bahay nila at mahabang paliwanagan kung bakit ako nakatira doon, sa susunod ko na lang i-ki-kwento.
Narinig kong tumawa siya. "Wag ka ng mahiya, ang ganda kaya ng mga kantang sinulat mo ang gandang pakinggan hindi masakit sa tenga pero masakit lang sa dibdib," sabi niya. "Wala ka pa naman nagiging boyfriend pero parang broken hearted ka sa mga kantang sinusulat mo." Napangiti lang ako sa sinabi niya.
"Sa mga nababasa at napapanood ko lang," sagot ko.
"Kung ganyan na napanood at nabasa mo lang ang sakit na sa dibdib paano pa kaya kapag talagang naranasan mo na baka tagos na yan sa puso." sabi niya. "Ilabas mo yan sa publiko panigurado papatok yan."
"Pero hindi ba nila pagtatawanan?" tanong ko.
"Bakit naman nila pagtatawanan ang napakagandang kanta?" tanong niya. "Tanga na lang sila kung pagtatawanan nila ang napakagandang kanta."
Napabuntong hininga ako. "Pero ayokong makilala ako, ayokong guluhin nila ako, ayokong umingay ang tahimik kung buhay."
"Ang lalim naman ng salitang ginamit mo, saan mo natutunan yan?" tanong niya.
"Swempre pinag aralan ko may problema?" mataray na sabi ko, mabilis naman siyang umiling sa sinabi ko. Takot yan sa akin eh.
Napansin kong parang may naisip siya dahil may nakita siyang isang bagay at hindi ko alam kung ano yung nakita niya. "Diba ayaw mong makilala ka diba?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Dahil ayoko din na i-record lang ang boses mo ang gawin mo na lang ay magsuot ka na lang ng mask." sabi niya.
"Mask?" takang tanong ko.
"Oo para makita pa rin nila kung sino ang kumakanta yun nga lang hindi nila makikilala." sabi niya.
"Ano namang klaseng mask?" tanong ko, ang dami kayang ibang klase ng mask.
"Yung masquerade mask para makakanta ka ng maayos, ang pangit naman kung yung face mask mahihirapan kang kumanta at papangit ang boses mo." sagot niya.
Napa-isip naman ako sa sinabi niya. May point siya, walang makakakilala sa akin kapag nagsuot ako ng mask. Sinasabi ko na ayaw ko pero ang totoo ay gusto ko na iparinig sa marami ang mga ginawang kanta ko kaya lang natatakot ako na magulo ang buhay ko, na hindi ko na magagawa ang dati kong ginagawa. Oo gusto kong iparinig sa lahat ang mga kanta ko pero ayokong makilala, natatakot kasi ako.
"Ano, okay ba ang suggestion ko?" tanong niya.
"Well, maganda nga yun," sagot ko. "Kung walang makakakilala sa akin sa ganun ay okay lang."
"Yun!" masayang sabi niya. "So, gagawan na kita ng account sa StarMix ha?" Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Pero dapat hindi ang pangalan ko ang nakalagay sa account ha? Naka mask nga ako alam naman nila ang pangalan ko." sabi ko.
"Oo nga no?" sang ayon niya. "Ano kaya? Zina Estella Alvarez ang totoong pangalan mo, hmmm kung Stell? Walang E sa una."
"Masyado naman malapit sa pangalan ko eh." sabi ko.
"Marami namang ganung pangalan, wala namang mag aakala na ikaw yun." sabi niya.
"Kahit na dapat hindi halata." reklamo ko.
"Okay fine," sabi niya at nagbuntong hininga. "Pero dapat malapit pa din sa pangalan mo. Zina, Ina, Zi," napahito siya sa pagbaggit at parang may naisip na idea. "Zi na lang kaya? Tapos lagyan na lang natin ng 'E' sa dulo para magandang tignan."
Zie? Oo nga maganda nga yun.
"Maganda nga ang Zie." sang ayon ko.
"So yun na lang ang ilalagay ko sa account na gagawin ko." sabi niya.
Nakagawa na siya ng account at after nun ay nagrecord na kami ng first video ko sa StarMix pero ayaw niya yung parang nirecord sa studio gusto niya ay parang natural lang kaya sinuggest niya na mag guitar ako habang kumakanta kaya yun ang shinoot namin and after naming ma shoot ay ina-upload niya.
3 days pa lang ng ma upload ko ang first video ko ay nagulat ako ng sobrang nag boost ang videong iyon. Ang dami ng views, like at cooment, meron ding nag share ng video ko. Sobra akong natuwa sa mga comment nila na kahit baguhan pa lang ako sa StarMix ay marami ng nanuod at nakinig sa kanta ko hanggang hindi ko na lang namalayan na sobra na akong nakilala as Zie.
END OF FLASHBACK
HINDI talaga ako makapaniwala noon na mangyayari iyon, hindi ako nag expect ng ganun. Alam kong maraming mga taong meron ng StarMix pero napakaimposibleng mangyaring magboost ng ganun ang video ko hanggang sa nalaman ko ang dahilan. Si Axl ang unang nakadiscover ng video ko pagkatapos nun ay shinare niya sa account niya, maraming na curious kung bakit shinare ni Axl ang video ko at nakalagay pa sa caption niya ay 'This is the first time na humanga ako ng ganito. Her voice is like an angel.'
Talagang maku-curious sila doon sa sinabi nila. Ang sabi kasi nila ay mahirap i-please si Axl ni minsan wala siyang hinangaan na kahit na sino sa StarMix tanging sa akin lang siya naging ganun at isa pa first time niyang magshare ng isang video, dahil sa curiosity nila ay tinignan nila ang account ko at pinanuot ang video ko at pati sila ay humanga at shinare na din nila ang video ko.
Nalaman ko lang yan sa mga fans ni Axl dahil nag po-post sila about sa video ko na shinare ni Axl. Sabi nila out of curiosity lang nung una kaya nila pinuntahan ang account ko ay para sana ipa banned ang account ko dahil naiingit sila sa akin dahil hinangaan ako ng inidolo nila pero ng mapanood nila ang video ko ay nawala ang inggit sa kanila dahil tama talaga na hanggan ako ni Axl dahil sa ganda ng boses ko. Sobrang pulang pula ang mukha ko sa mga nababasa ko hindi ako sanay na may nagsasabi sa akin ng ganun.
Hindi ko pa kasi nararanasan ang ma-appreciate ako ng mga tao maliban sa bestfriend ko at ng pamilya niya.
Nang makarating ako sa room namin, ako pa lang ang nandito dahil ang iba kong mga classmate ay paniguradong nagtatambay pa sa labas at nakikipag kwentuhan. Mas ayos na sa akin ito dahil natatahimik ang buhay ko kahit ilang saglit lang, nakakapag review ako ng maayos na walang nanaggugulo sa akin.
Ilang minuto pa ay nagsi datingan na ang mga classmate ko kaya itinabi ko na ang notebook ko baka kasi pagdiskitahan na naman. Dati kasi habang nagre-review ako kinuha na lang nila sa akin bigla ang notebook ko pagkatapos nun pinagpapasahan pasahan nila habang hinahabol ko ito.
Sinadya talaga nila iyon para paglaruan ako. Nakiusap ako na ibigay nila pero hindi nila binigay at nung dumating ang prof namin ay bigla na lang nilang tinapos sa labas ng bintana, pagtingin ko doon, nanlumo ako na basa ang sahig.
After that incident, kapag dumadating sila ay agad ko ng tinatago ang notebook ko dahil ayokong maulit iyong ginawa nila sa dati kong notebook.
"OKAY CLASS, review niyo ang susunod nating lesson dahil bukas ay magtatanong ako sa inyo," sabi ng prof namin. Gusto kong matawa sa sinabi niya, alam naman niya na walang mag re-review maliban sa akin pero pinapagawa pa rin niya. Isa din naman siya sa mga prof na nababayaran para ipasa ang mga students niya. "Okay, see you tomorrow guys. Enjoy you're lunch." Nagsitayo na ang mga kaklase ko habang ako ay hinihintay silang lumabas dahil ayoko silang sabayan.
Nang mawala na lahat ng kaklase ko ay lumabas na ako at pumunta ng garden dahil doon ako kumakain. Pagkarating ko sa garden nilapag ko ang bag ko sa table na lagi kong kinakainan tapos inilabas ko ang lunch ko sa bag. Malaki ang bag na dala ko dahil doon ko nilalagay ang lunch ko baka kasi kunin nila kapag nakahiwalay gaya ng dati, nakalagay kasi sa ilalim ng upuan ko ang lunch bag ko hindi ko alam nun na kinuha pala nila ang lunch bag ko sa ilalim at tinapon sa basurahan kaya nung lunch hindi ako nakakain, sobrang gutom na gutom ako nun, hilong hilo din ako nung afternoon lesson namin, dinadasal ko na lang na sana mapabilis ang oras.
Pag uwi ko ng bahay para akong isang linggong hindi kumain kung lumamon ako, naubos ko ang sinaing kong kanin na para sa tatlong tao. Ganun ako ka gutom na ka gutom, sakto kasing hindi ako nakapag breakfast dahil male-late na ako kaya naisip ko sa school na lang ako kakain kaya dinamihan ko ang dalang lunch ko nun pero yun ang nangyari. After nun kahit kulang sa budget bumili ako ng malaking bag para doon ilagay ang lunch bag ko para wala ng kumuha ng lunch ko. Wala rin kasi akong perang dala kaya hindi ako makabili kahit tinapay o tubig man lang dahil alam ko na may dala akong pagkain.
Mabilis lang akong kumain dahil may gagawin pa ako. Kailangan kong magsulat ng new song para makapag upload ako sa StarMix dahil matagal tagal na din ako mula ng mag upload ako ng video. Naiinip na ding ng sobra ang mga fans ko dahil matagal akong nawala. Hindi naman kasi ako masyadong active sa StarMix dahil busy din ako sa school work pero mas matagal na kasi itong pagkawala ko. Nawalan kasi ako idea kung ano ang isusulat kong kanta dahil stress ako nitong nakaraang araw dahil ang daming project ang ginawa ko at hindi ko lahat yun project, project iyon ng mga kaklase ko pinagawa nila sa akin.
Hindi ko sila matanggihan dahil ginugulo nila ako hindi ako makaalis sa classroom dahil hinaharangan nila ako kaya naman napilitan na akong kunin ang mga project nila. Ang dami kong ginawang project kaya sobra akong na stress at napuyat isama pa ang pumapasok ako sa trabaho kaya nadagdagan ang sakit sa ulo ko.
Matapos kong kumain iniligpit ko muna ang mga pinagkainan ko pagkatapos naglabas ako ng notebook at ang laptop ko. Magre-research ako ng pwede kong gawan ng idea para makasulat ako ng songs. Sumali ako sa mga confensions group kung saan kinukwento ng mga member doon ang kanilang naranasan sa love, sa friendship, sa family o kahit ano pa. Doon ako kumukuha ng mga gusto kong isulat dahil wala naman akong karanasan sa love pati din sa friendship, sa family naman... well, ayokong pag usapan iyon basta naka focus ako sa love dahil yan ang gusto ng mga nakikinig sa music ko lalo na yung mga heartbroken songs.
Ilang oras akong nagbasa ng mga confession, nakapag isip din ako ng lyrics na isusulat ako gamit gamit ko din ang piano app na inistall ko sa laptop para makuha ko ang tonong gusto. Kinakanta ko din sa isip ang lyrics na sinusulat ko, hindi ko pwedeng kantahin iyon dahil baka may makarinig, mahirap na baka hindi ko alam may nakikinig na pala. Nakasuot din naman ako ng earphone doon ko pinapakinggan ang tonong ginagawa ko sa piano. Ilang oras din akong nagtagal sa paggawa at sa wakas na tapos na din ang ginawa ko.
"Gagawin ko na lang ito mamaya sa apartment." sabi ko sa sarili ko.
Ipinasok ko na ang notebook ko sa bag at binulsa ang cellphone ko pagkatapos tinignan ko ang wrist watch ko. Mabuti na lang may 30 minutes pa ako bago ang afternoon class namin. Maghihintay na lang ako sa classroom ng oras para hindi ako nagmamadali kapag sobrang lapit na ng oras.
Niligpit ko na ang laptop at notebook ko, nilagay ko na ito sa bag ko pagkatapos tumayo na ako para magpunta sa room namin.
To be continued...