Zina Estella's Point of View
MAAGA kaming umuwi sa school kaya naman may oras pa ako para magpahinga bago ako pumunta ng trabaho kaya makakapagsulat pa ako ng song, after kong maisulat ang kanta ko kaya pumunta ako sa record studio ko, soundproof ang room na iyon at ako lang may gawa.
Ayoko naman may makarinig sa akin na kapit bahay baka abangan ako sa labas para malaman kung sino ang narinig niya baka mamaya marami ng taong pumunta sa apartment ko. Mabuti na lang talaga at tinago ko ang itchura ko kung hindi baka hindi ako makapag aral ng maayos.
Hindi ko kasi akalain na sobrang magiging sikat ako bilang si Zie sa StarMix. Ang dami na ngang mga Entertainment Company ang nagme-message sa akin kung pwede ba nila akong maging trainee pero swempre tinanggihan ko silang lahat dahil ayaw kong magpakilala. Marami ng nagsulputang mga Entertainment Company mula ng maging partner ang pilipinas at south korea kaya naimplowensyahan na talaga ang pilipinas.
Normal na dito sa pilipinas ang magsuot ng mga damit na sinusuot ng mga korean. Hindi na katulad ng dati na kapag nagsuot ka ng mga ganung damit ay pagtitinginan ka at pagtatawanan dahil sa suot mo pero ngayon ay hindi na. Dahil sa implowensya ng mga koreans marami ng mga kabataan ang nangangarap na maging idol kaya naman ginagamit nila ang StarMix para makilala sila at makapasok sa isang Entertainment Company.
Matapos kong mag video para sa StarMix ay agad ko naman itong pinost at ilang minuto pa lang ng maipost ko ay marami na agad ang nanuod. Mukhang inaabangan talaga nila ang pag post ko ng video. May mga comment na akong nakita kaya binasa ko muna, natawa naman ako sa mga comment na nakita ko.
'Diba sabi mo Zie wala ka pang experience sa love? Pero bakit ba ang sakit sakit ng mga kanta mo ha? Nakakasakit ka alam mo iyon? Ang sakit sakit ng heart ko, hindi naman ako broken hearted pero daig ko pa ang broken hearted kapag naririnig ko ang kanta mo'
'Bakit ka ba nananakit Zie? Anong kasalanan namin sayo?'
'NBSB ako pero feeling ko broken hearted ako. I hate you Zie pero Love pa rin kita.'
Para akong baliw na tumatawang mag isa dito sa mga nababasa ko. Kaya lang naman ako nagsusulat ng mga sad song dahil alam kong maraming nakakarelate pero hindi naman ako madalas mag sulat ng mga sad song meron din naman ng mga happy at meron din na hindi related sa love sadyang mas natatamaan sila kapag mag po-post ako ng sad songs.
Matapos kong magbasa ng mga comments pinatay ko na ang laptop ko, na niregalo pa lang sa akin ng best friend ko, para makapag ayos na ako para makapasok sa trabaho. Matapos kong magligpit agad naman akong kumuha ng tuwalya at pumasok na ng cr para maligo after kong maligo nagbihis na ako. Hindi na ako nagdala ng baon ko dahil may libreng pagkain naman doon.
Nakahanap na din pala si ms. Angel ng kapalit ni Jenna kaya naman sinabihan ako ni ms. Angel na turuan siya sa gagawin niya. Papapasukin niya muna ito ng maaga para hindi ako ma late ng uwi. Siniguro niya din na hindi na kagaya ni Jenna ang magiging kapalit niya pero kung maging ganun man ang ugali nito ay pwede daw namin siyang sisantihin ng hiindi na sinasabi kay ms. Angel.
Kami kasi ni Ate Rica ang pinakamatagal na empleyado niya at si Jenna at mag-iisang taon pa lang kaya inis na inis si ms. Angel dahil kami ang senior dito pero kung makaasta si Jenna parang ang tagal tagal na niya dito. Kaya ngayon para hindi na maulit binibigyan na kami ni Ate Rica ng autority, may tiwala naman sa aming dalawa si ms. Angel.
"Hi, Ate Rica," bati ko ng makarating ako sa convenient store.
"Hi," sabi niya habang nagsusulat ng i-e-endors niya sa akin. Wala naman kasing customer. "Wala na si Jenna kaya hindi ka na niyang male-late sa pag uwi."
"Oo nga po eh," sabi ko at nilagay sa tabi ni Ate Rica ang bag ko. "Pero hindi ko pa rin maiwasang maawa kay Jenna kasi may anak siyang binubuhay."
"Tama ka pero dapat lang sa kanya iyon kasi sumosobra na siya," sagot niya. "Ikaw na aawa ka sa kanya pero siya hindi naman naaawa sa iyo, napupuyat ka ng dahil sa kanya."
"Ayos lang-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Ayan ka na naman sa ayos lang ako, kaya ka naaabuso dahil diyan," sabi niya. "Masyado ka kasing mabait, kahit minsan lang sana ay wag kang masyadong mabait para hindi ka naaabuso."
Nginitian ko naman siya. "Ganito talaga ako ate eh, hindi ko na mababago pa." sagot ko.
Napabuntong hininga naman siya at napailing. "Well, iyan ka na eh, hindi naman kita mababago pa," sabi niya. "Anyways, heto na ang sales natin." Inabot niya sa akin ang notebook. "Sige alis na ako, mag ingat ka dito ha?"
"Opo," sabi ko.
Pagkaalis ni Ate Rica dahil walang tao naglinis muna ako saglit at nilagyan ng laman ang dapat lagyan ng laman sa shelf pagkatapos nun kumuha ako ng notebook isusulat ko ang dapat malaman ng bagong kapalitan ko. Tuturuan ko naman siya kaya lang baka makalimutan niya ang mga tinuro ko kaya mas maganda ng isulat ko sa notebook para basahin na lang niya kung sakaling makalimutan niya.
After kong magsulat ay may customer ng pumasok kaya tinabi ko na ang notebook at inasikaso ang customer.
"HELLO PO, ako po yung bago." sabi ng isang babaeng morena, mahaba ang buhok at medyo may kaliitan. Sa tingin ko ay mas bata siya sa akin. "Linnette po ang pangalan ko at 19 years old na po ako." Mukhang masiyahin at madaldal ito, magkakasundo sila ni Ate Rica dahil madaldal din naman si ate.
"Hello," bati ko din sa kanya. "Ako naman si Zina Estella, Ate Estella na lang tawag mo sa akin." Walang masyadong tumatawag sa akin ng ate kaya tuwang tuwa ako na sa wakas ay may tatawag na sa aking ate. Mas bata sa akin si Jenna pero never niya akong tinawag na ate lalo na si Ate Rica, 28 years old na ito.
"Okay po Ate Estella." sagot niya.
"Pero wag mo na akong i-po at opo, okay ng tawagin mo akong Ate." sabi ko. Parang ang layo na ng idad ko sa kanya kapag pino-po niya ako eh.
Itinuro ko kay Linnette ang dapat niyang gawin. Nagsulat na din naman ako kanina ng note para masundan niya pero mas maganda pa rin kung actual kong ituturo sa kanya, guide lang niya ang note na sinulat ko kung sakaling makalimutan niya.
"Naiintindihan mo ba lahat?" tanong ko.
"Oo, Ate Estella," sagot niya. "Maraming salamat."
"Wala yun, basta kapag may nakalimutan ka basahin mo lang ang note na sinulat ko para hindi ka malito, okay?" sabi ko.
"Okay." sabi niya.
Nang masigiro ko na okay na siya, doon na ako umalis. Medyo lumagpas na ako sa out ko dahil natagalan ako sa pagpapaliwanag sa kanya pero ayos lang ang mahalaga ay maintindihan niya.
LUNCH break namin, as usual ay nasa garden na naman ako para kumain dahil dito lang talaga ang safe zone ko at dito ako nakakain ng matiwasay.
"Nakita din kita," napatingala ako sa nagsalita habang kumakain ako at halos nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.
"CJ," sabi ko at napatayo ako.
"Ang tagal kitang hinanap dito ka lang pa nag aaral." sabi niya at lumapit sa akin. Sobrang laki ng school kaya normal lang na hindi kami magkakitaan at isa pa ay iniiwasan kong magkita kami kaya hindi niya ako mahanap. "Bakit mo ba ako iniiwasan ha, Ella." sabi niya.
Muntik na akong mapaiyak ng banggitin niya ang palayaw niya sa akin. Namiss ko din na tawagin niya ako sa binigay niyang palayaw at namiss ko din siya pero kailangan ko siyang iwasan kasi sikat siya eh ayoko naman na malaman ng school na isang scholar ang bestfriend niya and yes, Croix Jayson Perez, member of Regium ay bestfriend ko, siya yung naging dahilan kung bakit ako nakilala as Zie.
Croix Jayson's Point of View
"FINALLY natapos na rin ang guesting natin," sabi ni Kane. "Makakapasok na din tayo ng maayos sa school, nakakamiss ding pumasok sa school."
"Tama ka, ilang buwan din tayong naging busy dahil sunod sunod ang mga guesting natin at finally na bigyan din tayo ng break." sagot ko.
Ang tagal din kasi naming nawala sa LIS dahil sa mga sunod sunod na guesting namin kaya hindi na kami nakakapasok ng maayos sa school. Kahit naman mga sikat na kami ay priority pa rin namin ang pag aaral dahil hindi panghabang buhay na magiging sikat pa kami dahil may time na baka malaos kami, saan kami pupulutin pagkatapos nun kaya maganda pa rin na makakapagtapos kami ng pag aaral para balang araw kung malaos kami ay makapagpatayo kami ng mga dream business naming apat.
"Wala na tayong iisipin na mga fans na manggugulo sa atin." sabi ko.
Marami din kaming fans dito sa LIS pero bawal nila kaming lapitan at guluhin sa pag aaral namin pwede silang maging fangirl o fanboy basta ay hindi nila kami nagugulo. Bawal ang magpapicture at bawal ang mga stolen shoots kapag nahuli nilang ginawa nila iyon ay pwede silang masuspend. Kaya maraming mga sikat ang pumapasok dito dahil ang privacy nila ay safe, walang nakakapasok dito na outsider dahil sobrang secured dito.
"Lunch time na, punta tayong canteen?" yaya ni Creed.
"Ayoko sa canteen maingay," sagot ni Axl.
Nagsalita na si leader kaya hindi kami kakain sa canteen, pagkasi sinabi niya na ayaw niya hindi namin siya mapipilit kahit pa gaano namin siya kulitin.
"Bili na lang tayo ng makakain tapos sa garden tayo," suggest ko. "Maganda ang view doon at walang pumupunta doon."
"Sige doon na lang ayoko sa rooftop nakakapagod ang akyat baba." reklamo ni Kane.
Bumili na kami ng pagkain namin sa canteen pagkatapos nun ay agad din kaming umalis doon at pumunta ng garden.
"Akala ko ba walang pumupunta dito?" tanong ni Creed.
"Wala naman talaga." sagot ko.
"Eh ano yun." sabi niya at may tinuro kaya napatingin ako doon.
Natulala naman ako ng mamukhaan ko ang taong kumakain dito sa garden. Mabilis ko siyang pinuntahan, nagtanong sila kung saan ako pupunta pero hindi ko sila pinansin ang gusto ko malapitan ko agad siya.
"Nakita din kita." sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nanlaki ang mata niya ng makita niya ako.
"CJ." banggit niya sa palayaw ko at halos gusto ko ng tumakbo palapit sa kanya para mayakapa siya dahil sobra ko siyang namiss pero hindi ko muna kailangan magpadalos dalos kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin.
"Ang tagal kitang hinanap dito ka lang pa nag aaral." sabi ko. Kahit saan ko pala siya halughugin hindi ko siya mahahanap dahil nasa malapit lang pala siya at sobrang lapit niya sa akin. Alam kong malaki ang school pero imposibleng hindi ko siya makita maliban na lang kung iniiwasan niyang magkita kami. "Bakit mo ba ako iniiwasan ha, Ella." Napayuko lang siya at hindi nagsalita. "Kung saan saan kita hinanap dito lang pala kita makikita. Bakit parang pinagtataguan mo ako? Pati cellphone number mo hindi ko na ma contact doon ko na lang naisip na baka nagpalit ka na ng bago mong sim. Kahit social media wala ka. Bakit Ella. Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba ako? Galit ka ba sa akin."
"No," sabi niya at sunod sunod na umiling. "H-Hindi naman ako galit sayo."
"Then why," naluluhang tanong ko. "Bakit parang iniiwasan mo ako? Siguradong alam mo na dito ako nag aaral dahil bukang bibig kami ng mga student pero bakit hindi ka nagpapakita sa akin? Hindi mo lang ako sinabihan na nandito ka lang?"
Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan eh. Alam kong gusto niyang maging independent kaya siya umalis sa bahay namin ng mag 18 siya pumayag naman kami pero bakit kailangan niya pa akong iwasan at pati si mommy ay hindi siya ma-contact. Hindi man lang siya nagpaparamdam sa amin, kung nasaan na siya, kung ano ba ang kalagayan niya. Nag aalala na kami sa kanya lalo na si mommy dahil anak na din ang turing niya sa kanya pero bakit parang nilalayo niya ang sarili niya sa amin?
"Ella give me an answer para naman hindi ako nanghuhula ng mga dahilan mo kung bakit iniwan mo ako, si mommy." sabi ko. "Hindi mo ba kami na mimiss? Si mommy hindi mo ba namiss? Kasi siya miss na miss ka niya lagi niyang tinatanong kung nasaan ka. Kung okay ka lang? Kung kumakain ka ba ng tama? o Kung may nag aalaga ba sayo kapag nagkakasakit ka." Napaiyak na ako sa sinabi ko, bakla man kung bakla wala akong paki. Sobra akong nag alala sa kanya, hindi ko lang siya tinuring na bestfriend eh tinuring ko na din siyang nakakabatang kapatid.
Nakita kong napaiyak na din siya sa sinabi ko. "I'm sorry, I'm sorry." bulong niya pero tama lang para marinig ko. "Ayoko lang kasi...." Napahinto siya at humikbi. "Ayoko lang kasi na masira ko ang image mo as an idol eh. Ayokong may mambash sayo dahil lang nalaman nila na bestfriend mo ako."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What? Eh ano naman kung malaman nila na bestfriend kita?"
"Kasi mahirap ako, baka sabihin nila nakikipagkaibigan ka sa mahirap na gaya ko." sagot niya.
Hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya. "Ano naman kung mahirap ka? Kailangan bang may status ang isang tao para maging bestfriend ko?"
"Hindi naman sa ganun kaya lang kasi sikat ka baka mabash ka dahil sa akin." sabi niya.
"Bakit naman nila ako ibabash dahil lang nalaman nila na bestfriend kita?" sabi ko. Saan ba niya nakuha ang idiyang iyan para isipin niya ang ganitong bagay?
"Kasi nga mahirapa ako at scholar lang, hindi bagay sa sikat na gaya mo." sagot niya.
"F*ck that!" inis na sabi ko at nilapitan siya. "Saan mo ba napulot ang ideang ganyan ha at ganyan ka mag isip? Masama ba sa mga sikat na kumaibigan ng mahihirap?"
"May nagsabi kasi sa akin na hindi bagay sa mga mamayaman na gaya niyo ang mahirap na gaya ko." sagot niya.
Parang biglang sumabog ang kanina ko pa pinipigilan ko na galit. "Sino ang nagsabi niyan? Ituro mo sakin." Nanlaki naman ang mata niya mukhang na realize niya na hindi niya dapat sinabi iyon. Kilala ko ang ugali niya kaya madali lang siyang basahin, sobrang bait niya na kahit na niallait na siya hindi siya lalaban.
"H-Hindi naman taga dito yun kaya wala dito." utal na sabi niya, hindi siya marunong magsinungaling kaya halatang nagsisinungaling siya.
Napabuntong hininga ako. "Aminin mo sa akin, binubully ka ba dito?" Hindi imposibleng mangyari yun. Kilala ko ang mga estudyante dito matapobre sila at ayaw na ayaw nila sa mahirap kaya naman hindi malabong bulihin nila si Ella. Hindi siya nagsalita, iniwas niya lang ang tingin niya. "Zina Estella," nakita kong nag stiff siya dahil alam niya na kapag binanggit ko ang full name niya ay galit na ako. "Sabihin mo sa akin binubully ka ba?"
"Oo." pabulong na sabi niya. Napapikit naman ako sa para pigilan ang galit ko.
"Sino?" tanong ko pero nanahimik na naman siya. "Isa, Zina."
"P-Promise mo muna na hindi mo siya susugurin," mabilis na sabi niya habang nakapikit. Tsk, ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Napakabait pa rin niya kahit ang dami ng kasalan sa kanya ay papatawarin pa rin niya.
"Fine," sagot ko kahit labag sa loob ko. "Sabihin mo lang kung sino."
"Si Athena." sagot niya.
"Who's Athena?" tanong ko dahil ang daming may pangalan na Athena.
"Athena Velasquez." sagot niya.
"The queen bee?" paninigurado ko, tumango naman siya. Kilala ko iyon dahil lagi siyang nauuna kapag dumarating kami at sobra siyang magpapansin kay Axl. Mahinhin ang dating niya pero nakikita ko pa rin na may tinatago siyang ugali at tama ako dahil binubully niya si Ella.
"Basta yung promise mo baka kapag nalaman niyang alam mo na binubully niya ako lalo niya akong bulihin." sabi niya.
Napabuntong hinga ulit ako at ginulo ang buhok niya. "Oo promise." Ayoko din na lalo siyang mabully dahil sa akin. "So, kaya ka ba dito kumakain kasi nabubully ka?"
"Oo at maingay din kasi sa canteen kaya hindi ako kumakain tsaka nagbabaon ako baka pagtinginan nila ako dahil ako lang ang nagbabaon." sagot niya.
"Bakit, hindi ka ba nagdadala ng pera?" tanong ko.
"Hindi ko din naman afford kahit magdala ako ng pera." sagot niya.
Tama nga naman siya, sobrang mahal ng bilhin sa canteen parang nasa restaurant ka na din.
"So, siya yung sinasabi mong bestfriend mo na hinahanap mo?" tinignan ko si Kane ng magsalita siya.
"Oo," sabi ko. "Akala ko nasa malayo siya kaya hindi ko mahanap pero nandito lang pala siya."
"Akalain mong napakalapit na pala niya hindi mo pa mahanap." natatawang sabi ni Creed.
"Oo nga eh tinataguan kasi niya ako." sabi ko at ginulo ulit ang buhok ni Ella.
"Pakilala mo naman kami sa kanya." sabi ni Kane.
"Ah yeah," sang ayon ko. "This is Zina Estella Alvarez, and Ella this is Kane Bautista, Creed Adriel Garcia and Axl Luther Villanueva." pakilala ko sa kanila.
"Hello, Ella." sabi ni Kane.
"Call her Zina or Estella ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Ella." saway ko sa kanya, ayokong may ibang tumatawag sa kanya ng Ella, ako lang dapat.
"Ang sungit naman nito," reklamo ni Kane. "Edi Estella kasi."
"Hi Estella," sabi ni Creed.
"H-Hello sa inyo." nahihiyang sabi ni Ella at nagtago sa likod ko kaya natawa kami sa kanya.
"Mahiyain talaga siya pero kapag nakilala na kayo magiging makulit na yan." paliwanag ko sa kanila, ganyan na ganyan siya sa akin ng ipakilala siya ni mommy sa akin.
"'Wag kang mahiya sa amin hindi naman kami nangangain ng tao," biro ni Kane pero hindi pa rin lumabas sa likod ko si Ella.
"Hayaan niyo muna masasanay din yan, kapag nakilala na niya kayo dadaldalan na niyan kayo," sabi ko.
To be continued...