CHAPTER 6

2540 Words
Zina Estella's Point of View NAKAKATUWA lang na nakikipag kwentuhan ako sa sikat na sikat na grupo, kung malaman ito ng iba baka katayin na nila ako ng buhay dahil sa inggit. Hanggang tingin lang kasi ang nagagawa nila bawal silang lapitan maliban na lang kung ang Regium mismo ang lumapit sa kanila. Paniguradong mabubully ako ng todo kapag nalaman nila na kasama ko ang Regium ngayon. "Ella, wag mo na akong iwasan okay?" sabi ni CJ. "Pero kasi..." sabi ko. "Wala ng pero pero, 'wag mong isipin kung ano ang magiging tingin nila kapag nalaman nilang bestfriend kita, wala akong paki kung i-bash man nila ako o ano man, ang mahalaga sa akin ay hindi mo ako iniiwasan," sabi niya kita ko sa mata niya ang senseridad ng sinasabi niya. "Kaya please wag mo na ulit akong iiwasan maliwanag ba?" Napatango na lang ako dahil wala na akong choice baka magalit siya sa akin. "And sama ka mamaya sa akin, miss na miss ka na ni mommy, gusto kong malaman niya na nakita na kita." Bigla kong naisip si mommy, yes mommy din ang tawag ko sa mommy niya dahil yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Nagagalit siya kapag tita ang tawag ko sa kanya. "K-Kumusta na pala si mommy?" tanong ko. "She's okay, nalungkot lang ng hindi ka na niya ma contact." sagot niya. Naguilty naman ako, si Cj lang naman ang gusto kong iwasan pero pati si mommy nadamay. Kasi naman baka malaman ni Cj kung nasaan ako kung sasabihin ko kay mommy kung nasaan ako pero wala din ang pag iiwas ko dahil nahanap din niya ako. "Mommy din ang tawag mo kay tita Andrea?" takang tanong ni Kane. "Oo," sabi ko. "Gusto kasi niya na mommy ang itawag ko sa kanya eh." "Anak na din kasi ang turing niya kay Ella," dagdag ni Cj. "Gusto niya ngang ampunin si Ella kaya lang may magulang siya kaya hindi niya magawa." sagot naman ni Cj. Napatahimik na lang ako sa sinabi niya. Gusto ko ding maging magulang ang magulang ni Cj kasi... ayoko munang isipin iyon nalulungkot lang ako. "Oh, I see." sabi ni Kane at tumango tango. "Akala ko dahil gusto niyang maging daughter-in-law ang bestfriend mo." Parehas kaming nanlaki ang mata ni Cj sa sinabi niya. "G*go, kapatid lang ang turing ko kay Ella." tumango naman ako para sumang ayon sa sinabi niya pero teka... "Hindi sumagi sa isip ko na mahalin ko siya higit pa sa kapatid." Tama siya, malabong mangyari ang ganun pero teka talaga. "Cj," sabi ko tumingin naman siya sa akin. "Ano ba yung sinabi mo nung una?" Nakita kong namutla siya sa tanong ko. Alam niya na ayaw na ayaw kong nagmumura masakit sa tenga. Pinagdikit naman niya ang dalawang palad niya at nilagay sa harap ng nakayukong ulo niya. "I'm sorry, hindi ko na uulitin." Nakita kong nagtaka naman ang tatlo. "Bakit parang takot ka Croix?" takang tanong ni Creed. "Nagmura kasi ako," sagot ni Cj. "Ayaw niya ang nagmumura." "Eh bakit parang takot ka?" tanong ni Kane. May binulong siya sa dalawa kaya hindi ko marinig pero nakita kong mapangiwi sila at napatingin sa akin. "Bakit?" takang tanong ko bakit nila ako tinitignan? "Wala." sabay na sabi ni Cj at ngumiti. "Okay." sabi ko at hindi ko na pinansin. Nagkwentuhan pa rin kami pero bigla akong napatingin kay Axl kasi kanina pa siya tahimik. Hindi ko inaasahan na nakatingin din siya sa akin kaya nagulat ako at mabilis na inalis ang tingin sa kanya pero nahagip sa peripheral vision ko na ngumisi siya kaya napasilip ako muli sa kanya pero nakita kong nasa ibang derekyon na ang tingin niya. Mukhang namamalikmata lang ako sa nakita ko, imposibleng ngumisi siya dahil kilala siya hindi pala ngiti. "Saan ka nga pala nakatira ngayon?" tanong ni Cj. "At paano ka nakakakuha ng makakain mo?" Sunod na tanong niya. "May inuupahan akong apartment na malapit dito," sagot ko. "May trabaho naman ako kaya nakakabili ako ng pangangailangan ko." "Saan?" tanong niya kaya sinabi ko ang pangalan ng pinagta-trabahuan ko. "Doon ka nagta-trabaho at hindi ko din alam?" gulat na sabi niya. Diba sabi ko nga sila ang naging dahilan kung bakit nakilala ang pinagta-trabahuan ko. Tambayan kasi nila iyon doon sila kumakain para walang masyadong tao kaya lang hindi na sila masyadong nakakapunta dahil nalaman ng mga fans na doon sila tumatambay. "Hindi mo kasi ako naaabutan." sagot ko. "Anong oras ka ba pumapasok?" tanong niya. "6pm to 2am" sagot ko. "What!" sigaw niya. "Madaling araw ka na umuuwi?" Tumango naman ako. "Fu---," Hindi niya natuloy ang sasabihin niya. "My God, Ella. Ganung oras ka umuuwi tapos papasok ka ng school? Natutulog ka pa ba?" Alam kong galit na siya kahit kinakalma niya ang sarili niya. "Delekado na para sayo ang umiwi ng madaling araw lalo na at babae ka tapos nakukulangan ka pa sa tulog. Pinapatay mo ba ang sarili mo?" Napayuko na lang ako dahil alam kong galit na siya. "Pumayag kami nung sinabi mong gusto mong maging independent pero hindi naman namin gusto na pabayaan mo ang sarili mo. Ano na lang magiging reaction ni mommy 'pag nalaman niya iyan?" "I'm sorry." mahinang sabi ko. "Prinsesa ang tingin namin sayo ng nasa poder ka namin pero ng mawala ka doon heto ka't binubully tapos pinapabayaan mo ang sarili mo at nilalagay mo pa sa kapahamakan ang sarili mo," sabi niya. "Ella naman, kung ganito din naman pala gagawin mo sa sarili mo edi sana hindi ka na lang namin hinayaan na mamuhay ng sarili." Napaiyak na ako sa sinabi niya kasi tama siya, ang sarap sarap ng buhay ko ng nasa kanila ako pero heto ako ngayon hirap na hirap sa buhay. Nahihiya na kasi ako sa kanila kaya naisipan kong bumukod. Pinag aral, pinakain at binihisan nila ako kahit hindi nila ako lubos na kilala at sobrang hiyang hiya na ako kung pati ang pag aaral ko ng collage ay sasagutin pa nila. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. "Shhh," pagtatahan niya. "Hindi ko sinasabi ito dahil pinapagalitan kita, sinasabi ko ito dahil nag aalala ako kahit si mommy ganito ang sasabihin kapag nalaman niya." "Sorry for disappointing you," sabi ko at niyakap din siya. "Akala ko kaya kong mabuhay mag isa dahil sarili ko lang naman binubuhay ko pero hindi pala." Kinalas niya ang yakap at hinarap ako. "Bakit pa kasi umalis ka sa bahay?" "Nahihiya na kasi ako sa inyo, ayoko naman na pati pag aaral ko ng collage sagutin ninyo." sagot ko. "Hindi mo kailangang mahiya," sabi niya. "Sabi ko nga kanina anak na ang turing sayo ni mommy at kapatid na ang turing ko sayo kaya hindi ka na iba sa amin. Kung ano man ang ginagawa namin ay dahil part ka ng pamilya namin." "Pero hindi niyo naman ako lubos na kilala paano kung pagsamantalahan ko kayo? Paano kung nakawan ko kayo?" sabi ko. "Kasi alam namin na hindi mo gagawin kasi kung gagawin mo nga iyon bakit hindi mo ginawa nung may pagkakataon ka? Bakit mo tinggihan ang perang binibigay ni mommy? Kung hindi ka lang pinilit hindi mo tatanggapin ang pera." sabi niya. Tama siya sa lahat ng sinabi niya. "Ella, kami ang nagkusa na ibigay sayo ang mga bagay na binibigay namin kaya hindi mo kailangang mahiya." Hindi ako makasagot sa sinabi niya. "May isa pa akong tanong," sabi ni Cj. "May kasama ka ba sa apartment mo?" "Wala ako lang mag isa." sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya at napailing. "Ngayong alam ko na kung anong buhay mo hindi ko na hahayan pa na mag isa ka." sabi niya. "OH, MY PRINCESS," naluluhang sabi ni Mommy ng makita ako. Agad naman niya akong niyakap. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? Sabi mo bubukod ka lang pero bakit hindi ka na nagparamdam sa amin?" "I'm sorry, Mommy." naiiyak na sabi ko at niyakap din siya pa balik. "Don't be sorry, my princess wala ka namang kasalanaN." sabi ni Mommy pagkatapos kumalas siya sa hakap at tinignan ako. "Pumayat ka." sabi niya ng makita ang katawan ko. "Anong ginawa mo sa sarili mo at ganito ang pinayat mo? Kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw?" Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Cj. Kinwento niya lahat ng sinabi ko kay mommy, hindi ko naman siya magawang awatin dahil hindi naman yan magpapaawat. "Oh God." gulat na sabi ni Mommy sa nalaman. "Kung ganun pala ang mangyayari sayo sana hindi na lang kita pinayagang bumukod." "Bakit ba kasi naisipan mo pang magbukod?" tanong ni Daddy na tahimik lang sa tabi. "Nahihiya na po kasi ako sa inyo, pinagkain, binihisan at pinag aral niyo po ako. Ayoko naman po na pati sa pang college ko suportahan niyo." sagot ko. "Bakit ka mahihiya? Kami ang nagkusang ibigay sa 'yo yun." sabi ni Daddy. "Iyan din ang sinabi ko sa kanya, Dad." sabi ni Cj. Napabuntong hininga si Daddy. "Wala na tayong magagawa, past is past. Ang mahala nandito na sa poder natin si Ella at hindi ko na hahayaan pa na umalis siya sa poder natin." "Pero Daddy malayo po ang mansion sa school ko at doon sa pinagta-trabahuan ko." sabi ko. Dalawang oras pa bago makarating sa school baka ma-late lang ako. "Oo nga pala, about diyan sa trabaho mo." sabi ni Daddy. "Magresign ka na doon, hindi ka na magta-trabaho dahil pinababayaan mo lang ang sarili mo." "Pero nakakahiya po kay Miss Angel, kaka hired niya lang po ng bago niyang employee." dahilan ko. "Kilala ko ang may ari ng convenient store na pinagta-tabahuan mo. Ako ng bahalang makipag usap sa kanya." sabi ni Mommy. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong magagawa dahil pinagtutulungan na nila ako. Alam kong dahil sa nangyari mas magiging mahigpit sila sa akin. "Doon naman sa problema mo sa pagpasok sa school, pwede kang tumira sa dorm namin. Kahit puro lalaki kami doon, ma-respeto naman ang mga kaibigan ko." sabi ni Cj sa akin. "Bibigyan ka namin ng sariling kwarto at ipapa soundproof ko iyon para magawa mo ang gusto mo." Alam ko na ang ibig sabihin niya doon. "Tama, mas magandang doon ka sa dorm nina Cj tumira at least doon alam kong safe ka, hindi katulad doon sa apartment mo." sabi ni Daddy. "Okay po." sagot ko. Kaya ng matapos kaming mag usap ay pumunta kami ng apartment ko para kunin ang mga gamit ko. Fully furnished naman ang nirerentahan ko kaya damit lang ang kinuha namin. Wala akong binili na kahit anong appliances dahil kumpleto na lahat. "Okay na ba lahat?" tanong ni Cj ng maisara ko ang maleta ko. "Oo, naimpake ko na ang lahat." sabi ko. "Good," sabi niya pagkatapos kinuha niya ang maleta sa akin. "Mauna muna ako sa kotse." Ibabalik ko muna kasi ang susi ng apartment sa landlady ko kaya hindi agad ako makakasunod. "Manang heto na po ang susi." sabi ko sa landlady ng makalapit ako. "Aalis ka na ba talaga?" tanong niya sakin, alam kong nalulungkot siya naalis na ako. Nanay-nanayan ko kasi siya habang nandito sa ako apartment. "Opo pero 'wag po kayong mag alala dadalaw-dalawin ko naman po kayo dito." sabi ko. "Aasahan ko yan," sabi niya. "Mamimiss kitang bata ka." "Mamimiss ko din po kayo manang." sabi ko at niyakap siya. "Osiya baka naghihintay na yung gwapong binatang kasama mo." sabi niya. "Boyfriend mo ba yun?" "Hindi po kapatid ko po," sabi ko. Mas magandang yan ang sabihin ko dahil paniguradong hindi maniniwala si manang kung best friend lang ang sasabihin ko. "Sige po manang mauna na ako." "Sige, mag iingat ka ha?" sabi niya. "Opo." sabi ko. Nanlakad na ako papuntang kotse pero bago ako pumasok kinawayan ko si manang, kinawayan din naman niya ako pabalik. "Mukhang close kayo ah." sabi ni Cj ng makasakay ako. "Oo, siya ang naging nanay-nanayan ko doon sa apartment." sagot ko habang nagsi-seat belt. "Mabuti naman pala at may ka close ka habang naka stay ka doon." sabi niya at pinaandar ang kotse. "Yeah, wala akong naging kapit-bahay na chismosa." Nagtawanan naman kami sa sinabi ko. Ilang minuto lang ang biyanahe namin, nakarating din kami sa dorm na tinutuluyan nila pero hindi yata dapat tawagin itong dorm dahil mas mukha itong mansion tapos walang masyadong kabahayaan ang makikita dito. Safe na safe sila dito. "Hindi naman ito dorm eh, mansion na ito." sabi ko. "Oo nga tinatawag lang naming dorm ito para hindi maisip ng paparazzi na dito kami nakatira." sabi niya. Sabagay tama siya, hindi naman maiisip ng mga paparazzi na nakatira sila sa isang mansion dahil lagi nilang sinasabi na nagdo-dorm sila. "Tara pasok na tayo at makapagpahinga ka na." sabi niya, nag nod naman ako. Nauna siyang pumasok sa loob at sumanod lang ako. Mas namangha ako ng makapasok kami sa gate. Ang ganda ng garden nila, mukhang naaalagaan lagi ang mga halaman dahil green na green ang kulay ng mga dahon ng mga halaman. "Sinong nag aalaga ng garden?" tanong ko. "Kami kami lang din, kung sino ang nakatoka siya ang magdidilig sa halaman." sagot niya. "So, kayo lang ang nagpapanatiling malinis dito?" tanong ko. "Oo, ayaw naming may makaalam kung saan kami na katira kaya wala kaming kinuhang maid," sabi niya. "Pwedeng ibenta ng maid na iyon ang information sa mga paparazzi." Tama siya, ang ganda pa naman ng lugar dito. Sayang kung aalis sila dito dahil lang sa nabisto sila. Nakarating na kami sa main door ng mansion. Medyo malayo kasi ang gate sa pinaka main door. Hindi na din kasi pinasok ni Cj sa loob dahil may pupuntahan siya kaya naglakad kami papasok. "Welcome to our house." sabi ni Cj at buksan niya ang pintuan. Nagulat ako ng may pumutok pero galing pala iyon sa isang confetti. Nakita kong nandoon ang tatlong kaibigan ni Cj. "Welcome to our house." sigaw nina Kane at Creed habang tahimik lang si Axl. "Thank you," sabi ko. "Talagang pinaghandaan niyo ang pagpunta ko." "Swempre, special ka eh," sabi ni Zane. "At least may bagong mukha akong makikita hindi iyon sila sila na lang nakikita ko." "Ayaw ka din namin makita." sabay na sabi nina Cj at Creed. Natawa naman ako ng mag pout si Kane sa sinabi ng dalawa. "Pasok ko muna ito sa kwarto ni Ella. Kayo na munang bahala sa kanya." paalam ni Cj at nagpunta sa magiging kwarto ko, dala dala ang maleta ko. "Tara, Ella maupo ka muna dito." sabi ni Creed sa akin. "Pasensya na pero pwede bang Estella na lang itawag niyo sa akin? Hindi kasi ako sanay na may ibang tao na tumatawag sa akin ng Ella." sabi ko. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya kaya lang nakakailang kasi kung tatawagin nila akong Ella. "Sure, no problem." sabi nila. Matapos naming mag kwentuhan hinatid nila ako sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng kwartong binigay nila sa akin. "Pina-renovate na           min ito para may matulugan ka," sagot ni Cj. "Naku, dapat di niyo na lang ginawa, okay naman ako sa simpleng kwarto lang," sagot ko. "Hindi naman okay sa akin iyon," sabi ni Cj, hindi na lang ako nagsalita dahil wala naman akong magagagawa kung makikipagtalo pa ako sa kanya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD