CHAPTER 7

2915 Words
Zina Estella's Point of View NAGISING ako ng maaga dahil gusto kong ipagluto ang Regium. Kahit ito man lang gawin ko para pasasalamat ko sa kanila. Unang araw ko pa lang dito pinaramdam na agad nila sa akin na welcome ako sa bahay nila at sobrang ni-re-respeto nila ako. Pagdating ko sa kusina tinignan ko ang ref nila kung anong pwedeng lutuin doon. Napangiwi ako ng makita kong puro karamihan ng laman ay drink, walang pwedeng maluto. "Paano ko niyan sila ipagluluto?" mahinang tanong ko sa sarili ko. "Bakit ang aga mo?" Halos mapalundag ako sa gulat. Tinignan ko ang taong biglag nagsalit at nang makita kong si Cj iyon ay hinapas ko siya. "Huwag ka ngang bigla na lang manggulat diyan," inis na sabi ko. "Hindi naman ako nang gulat, nagtanong lang naman ako," dahilan niya. "Yun na nga bigla kang nagsasalita," sabi ko. "Okay, I'm sorry," pagsuko niya. "Bakit ba ang aga mong magising? Sabado ngayon ah." "Ipagluluto ko sana kayo kaya lang wala namang laman ang ref niyo," sagot ko. "Bakit ba walang laman ang ref ninyo? Ang laki ng bahay ninyo pero puro drinks lang laman ng ref ninyo." "Wala naman kasing marunong magluto sa amin kaya ginagawa namin ay nagpapa-deliver o kaya kumakain sa labas," sagot niya. "Hindi pwedeng ganun na lang lagi, mas maganda pa rin kung lutong bahay ang kakainin niyo," sabi ko. Hindi pwedeng puro ganun na lang ang kainin nila. "Ipagluluto ko na kayo mula ngayon, hindi na kayo kakain pa sa labas o magpapadeliver." Hangga't nandito ako ay hindi ko hahayaan na kumain pa sila sa labas o magpa-deliver man. Isa pa ito na rin ang gagawin kong kabayaran sa pagpapatira nila sa akin. Natuwa naman siya sa sinabi ko. "Maganda yan, namiss ko na din naman ang luto mo," sabi niya noon kasi lagi ko siyang pinagluluto. "Pero swempre mag grocery muna tayo," sabi ko. Natawa naman siya. "Tara, mag grocery na tayo ngayon," sabi niya. "May bukas na bang grocery niyan?" takang tanong ko. Ang aga pa kaya. "May 24 hour na grocery malapit dito, halos kasi ang mga tao dito gabi na umuuwi kaya may nagtayo ng 24 hour grocery," sagot niya. "Oh mabuti naman," sabi ko. "Wait lang magbibihis lang ako saglit." Nakapantulog pa kasi ako. Nag nod naman siya kaya pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng white t-shirt at jogging pants. Mas gusto kong magsuot ng ganito dahil komportable at mas madali akong makakagalaw. Mag go-grocery lang naman kami eh. "Tara na," sabi ko ng makalabas ako ng kwarto. "Hindi ka ba magtatakip ng mukha?" Sikat siya eh kaya malamang pagkakaguluhan siya kapag nag grocery kami. "Okay lang, maraming pumupuntang mga sikat doon kaya naman pinagbabawal nila ang guluhin ang mga sikat kapag sinuway nila ay maba-ban sila doon," sagot niya. Habang nag uusap kami ay naglakad na kami papunta sa garahe ng bahay. "Wow, edi pabor sa inyo iyon," sabi ko. "Oo pero hindi naman kami madalas mag grocery," natatawang sabi niya. Nang makarating kami ng kotse niya pinagbuksan niya ako ng pinto, nagpasalamat muna ako bago sumakay at nang maisara niya ang pintuan siya naman ang sumakay at pinaandar ang kotse. "ANONG bibilhin mo?" tanong niya ng makarating kami sa grocery. Siya ang nagtutulak din siya ng push cart. "Kahit ano," sabi ko habang tumitingi ng bibilhin. "Okay," sabi niya. Namili ako ng mga dapat naming bilhin para sa kusina nila kahit kasi seasoning wala sila. Marami na akong pinaglalagay para pangmatagalan na at isa pa si Cj naman ang mababayad. "Bakit ang dami mong gulay na nilagay?" reklamo niya. Tinigan ko siya at tinarayan. "Bakit may reklamo?" masungit na sabi ko. Alam kong ayaw niya ng gulay pero dahil ako ang magluluto hindi pwedeng hindi siya kumain ng gulay. Umiling naman siya sa sinabi ko. "Hindi ah," sabi niya at nginitian ako. "Good," sabi ko. "Ako ang magluluto kaya ako ang magde-desisyon kung anong kakainin niyo." "Okay po," sabi niy at ngumuso tapos may binubulong. Hindi ko na lang pinansin ang pagta-tantrums niya at tinuloy ang pagpili ng mga gulay. Ilang oras ang lumipas ng matapos kami, nakadalawang cart kami dahil sa dami ng pinamili namin, hindi din naman kasi ganun kalakihan ang push cart ng grocery. Nagpunta n kami ng counter at dahil maaga pa ay walang pila kaya mabilis lang na na-scan ang mga pinamili namin. "20,976 po lahat," sabi niya, napangiwi naman ako. Sumobra yata ako sa pagpili nag enjoy kasi ako sa pagpili kaya nakalimutan ko ang mga presyo, ipapabawas ko sana ng inabot ni Cj ang credit card niya. "Cj, ano ka ba masyadong marami," bulong ko sa kanya. "Okay lang yan," sabi niya. Wala naman anong magawa dahil na-i-swipe na ng cashier ang credit card ni Cj. Matapos mabalot lahat inilagay ulit sa push cart para hindi na namin buhatin. "HUWAG kang magbuhat tawagin mo na lang ang tatlo gising na niyan sila," sabi niya.  Nakauwi na kami galing sa grocery at kailangan na naming ipasok ang pinamili namin. "Kaya naman natin, 'wag na nating silang istorbohin pa," sabi ko. "No, 'wag ka ng makulit hindi ito trabaho ng mga babae kaya tawagin mo na sila para maipasok ang mga ito," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Fine," sabi at pumasok sa loob ng bahay. "Oh," sabi ni Kane ng makita ako. "Saan ka nagpunta?" "Naggrocery kami ni Cj," sabi ko. "Sabi niya tulungan niyo raw siya, ayaw niya kasing pagbuhatin ako." "Tama lang iyon babae ka kaya hindi ka dapat magbuhat," sabi ni Creed at naglakad palabas ng bahay kasama si Kane wala Axl mukhang hindi pa siya nagigising. Mayamaya pumasok na ulit sila dala dala ang mga pinamili namin at dinala sa kusina, sumunod naman ako para ayusin ang mga iyon. "Ako ng bahalang mag ayos," sabi ko. "Kami na, 'diba magluluto ka pa?" sabi ni Cj. "Oo nga pala, sige kayo na munang bahala," sabi ko at kumuha ng iluluto ko. Hotdog, ham, at itlog ang lulutuin. Sakto lang na natapos ako ng matapos sila sa pag aayos ng pinamili namin. "Kain na tayo," sabi ko ng mailagay ang mga pagkain namin sa lamesa. "Nasaan si Axl?" Wala pa kasi siya. "Nagjogging iyon pero parating na din naman siya," sabi ni Kane at umupo sa isang upuan sa dinning table. "Ah, okay," sabi ko, umupo na rin ako. "Pero Axl din pala ang tawag mo kay Axl?" tanong ni Kane. "Ah, eh, hindi ba pwede?" alangang tanong ko. "Pwede naman kaya lang baka magalit sa'yo si Axl," sabi niya. "Ahm, tinawag ko siyang Axl kagabi bago tayo matulog pero hindi naman siya nagalit sa akin," sabi ko. Flashback "Matulog na tayo," sabi ni Cj. "Mauna ka kayo iinom lang ako saglit," sabi ko. "Okay, agad kang matulog ah?" sabi ni Cj. "Okay," sabi ko at naglakad na papunta sa kusina. Nang makarating ako nakita kong paparating din si Axl. "Oh. Axl, iinom ka din?" tanong ko sa kanya, nag nod naman siya. End of Flashback "Himala at pinanayagan ka niya," sabi ni Kane. Nagkibit balikat lang ako. "Oh, speaking of the evil," sabi ni Creed habang nakatingin sa pintuan kaya napatingin ako, sakto naman na naghubad ng pag taas si Axl. "AXL!" sigaw ng tatlo. "What?" tanong ni Axl. "Baka nakakalimutan mong may babae tayong kasama," sabi ni Cj. Napatingin naman sa akin si Axl. "Oh, s**t," sabi niya at mabilis na pumunta sa kwarto niya. Napangiti naman ako. "Ayos lang naman wala namang problema sa akin," sabi ko. Lalaki naman siya kaya normal lang na maghubad ng pang itaas ang mga lalaki. Napatingin ako bigla kay Kane ng maramdaman kong tinititigan niya ako. "Bakit?" tanong ko, bigla na lang niya akong titigan. "Bakit parang wala lang sa'yo na makitang topless si Axl?" tanong niya. "Bakit, ano ba dapat i-react ko?" takang tanong ko, may kailangan ba akong i-react? Halos mapanganga naman siya sa sinabi ko. "Seriously? Hindi ka man lang namula sa nakita mong abs?" gulat na tanong niya. "So?" sabi ko, mas lalo naman siyang napanganga. Natawa naman si Cj ng makitang nakanganga si Kane pati rin si Creed. "Hindi naman kasi siya katulad ng ibang babae na kikiligin kapag nakakita ng lalaking topless," sabi niya. Tama siya, wala lang sa akin kung topless ang isang lalaki pero ibang usapan na kapag buong nakahubad na ang lalaki. Swempre makikita ko ang dapat na hindi makita. "Well, hindi na nakakapagtaka iyon," sang ayong sabi ni Kane. "Tama na ang daldal kumain na tayo," sabi ko. Lumabas na din ng kwarto si Axl. One Week Later SA LOOB  ng isang linggo nakasanayan ko na kasama ang apat. Mas lalo ko na din silang nakikilala. Sina Kane at Creed laging partner-in-crime sa kalokohan kaya lagi silang na papagalitan ni Axl. Si Axl naman tahimik lang at seryoso pero madali naman siyang makausap, ayaw din niya ng maingay lalo na kung nagsusulat siya ng lyrics. Si Cj bestfriend ko siya pero may hindi pa ako nalalaman sa kanya katulad ng tatawanan lang niya sina Kane at Creed kapag napatukan o napagalitan sila ni Axl at wala siyang pakielam kung magbangayan na ang dalawa, lagi lang siyang nakatutok sa cellphone niya at naglalaro ng candy crush. Kaya nga laging maingay sa bahay dahil sa kakulitan nila, hindi ka talaga mabo-bored. Sabado ngayon kaya wala akong pasok, hindi ako sanay na walang ginagawa —dahil nga wala na akong trabaho— kaya naman naglinis na lang ako ng buong bahay, nagdilig ako ng mga halaman at ginupinan ang mga ito. "Ella," tawag sa akin ni Cj kaya liningon ko siya. "Bakit?" tanong ko. "May fansign kami ngayon gusto mo bang sumama? Wala ka kasing makakasama," sabi niya. Napaisip naman ako, hindi pa ako nakakapunta ng fansign kaya na ku-curious ako kung anong ginagawa sa fansign. "Sige sama na lang ako," sabi ko. "Okay, magbihis ka na at aalis na tayo within 5 minutes," sabi niya. "Okay," sabi ko. Tinapos ko na agad ang paggugupit ko ng halaman pagkatapos nagpunta na ako sa kwarto, nag half bath na lang ako para mabilis akong matapos. After kong gawin lahat ay lumabas na ako. "Tapos ka na?" tanong ni Cj tumango naman ako. "Kung ganun tara na." Nagpunta na kami sa garahe, ang ginamit nilang sasakyan ay van at si Axl ang mag da-drive. Habang nasa biyahe kami ay panay lang ang pagkanta nila, gusto ko sanang sumabay kaya lang mabubuko ako. Ang gaganda talaga ng boses nila kaya walang dudang sikat sila. "Where here," anunsyo ni Axl. "Sa wakas," sabi ni Kane pagkatapos nag stretch siya. "Ang sakit na ng pwet ko kakaupo." Malayo kasi ang binyahe namin kaya talagang sasakit ang pwet kakaupo. Kahit nga ako eh. Nagsibabaan na kami, nasa underground parking kami ng mall kaya walang mga fans ang nandito pero kailangan pa ring mag ingat baka may biglang pumunta dito kaya naman nakatago ang mga mukha nila at pati ako pinagface mask baka daw kasi may makakita at ma bash ako. "Mabuti naman at nandito na kayo," sabi ng isang babae pagkatapos napatingin sa akin. "And who is she?" "Si Estelle, siya ang sinasabi namin sa'yo, Manager, yung bestfriend ko na pinatira namin sa dorm," sagot ni Cj. Manager pala nila ito. "Oh, nice to meet you, I'm Anna Lee tawagin mo na lang akong Ms. An," nakangiting sabi niya at nilahad ang kamay para makipagkamay. Nakipag handshake naman ako. "Nice to meet you rin po," sabi ko. "Ang ganda mo pala talaga gaya ng sinasabi ni Cj," sabi niya kaya medyo namula naman ako sa hiya dahil ngayon lang may nagsabi sa akin ng maganda ako. "Hmm, salamat po," sagot ko. Magsasalita pa sana si Ms. An ng may lalaking patakbong lumapit sa amin. "Ms. An may problema," hinihingal nasabi ng lalaki. "Ano?" tanong ni Ms. An. "Yung pong stylist ng Regium nagback out," sagot ng lalaki. "What? Why?" gulat na sabi ni Ms. An. "Ang company ng Granade binayaran ito ng doble para maging stylist ng Granade," sabi ng lalaki. Kilala ko ang Granade, top 3 sila sa StarMix, kalaban sila ng Regium pagdating sa popularity pero kahit anong gawin nila ay mas sikat pa rin ang Regium sa Granade. "Lahat talaga gagawin nila para mapabagsak ang Regium," Napahilot naman ng sintido si Ms. An. "Magsisimula na niyang ang fansign, saan tayo hahanap ng stylist? Wala pa namang fashion sense ang apat na ito." Totoo iyon, dati nung wala pa silang stylist ay kung ano ano na lang ang sinusuot nila, minsan hindi matching ang color ng damit nila at minsan ay baduy sila kung magsuot. Kaya lagi silang laman ng balita dahil sa mga kasotan nila. "Hmm," pagkuha ko ng atensyon niya. "Ako po pwede po akong maging stylist nila pansamantala." Kahit na laging plain t-shirt at jogging pants ang suot ko may fashion sense naman ako. "Marunong ka?" tanong niya. "Opo," sagot ko. "Good, kung ganun ikaw na ang bahala sa mga susuotin nila," sabi ni Ms. An. Third Person's Point of View "PANIGURADONG baduy na naman ang susuotin nila sa fansign nila," natatawang sabi ng isang lalaki na ang pangalan ay Lorence. Ang Leader, Main Vocalist and Lead Rapper ng Granade. "Oo nga, wala pa naman fashion sense ang mga iyon," sabi ng lalaking nagngangalan na Clark. Ang Lead Vocalist and Main Dancer ng Granade. "Mabuti na lang at mukhang pera yung stylist ng Ragnum kaya madali lang nating napa oo," sabi naman ng lalaking nagngangalang Vincent. Ang Main Rapper at Lead Dancer ng Granade. "Hihintayin ko talaga ang balita tungkol sa walang sense sa fashion ang Regium," tumatawang sabi ng lalaking nagngangalang Anthony. Ang Visual at Lead Vocalist ng Granade. Hindi na sila makapaghintay na mapahiya muli ang Regium ng dahil sa pagiging walang sense sa fashion. Zina Estella's Point of View "WOW, mas magaling ka pa sa dating stylist nila," sabi ni Ms. An ng makita ang Regium. Ngumiti naman ako. "Salamat po," sabi ko. Ang ginawa kong look sa kanila ay binase ko sa personality n meron sila. Si Axl ay Black turtle neck na tinernuhan ko ng brown jacket hinayaan ko lang na nakabukas ang zipper ng jacket, black pants at black shoes. Kay Cj naman, white t-shirt with stripes, dark blue jacket and hoodie hinayaan ko lang din na nakabukas ang zipper ng jacket, blue tight jeans and white rubber shoes, pinagsuot ko din siya ng clear eyeglass yung bilog ang style. Kay Kane naman, black sweater jacket tinak-in ko sa white pants niya na wide ang ibaba then white rubber shoes. At kay Creed naman, white polo shirt na pinatungan ko ng grey sweater jacket hinayaan ko lang na di naka tack in ang polo shirt, black pants and white rubber shoes. "May trabaho ka ba iha?" biglang tanong ni Mr. An. "Wala po," sagot ko, ayaw naman kasi ni Cj na mag trabaho ako. "Good, gusto kong kunin kitang personal assistant at stylist nila, alam kong hindi ka makukuha ng company ng Granade dahil kaibigan ka ng Regium," sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Maganda din ang offer niya, pero baka hindi pumayag si Cj. "Kunin mo na," sabi ni Cj kaya napatingin ako sa kanya. "Talaga?" sabi ko. "Hindi ka magagalit kasi nagta-trabaho ako?" "Sa amin ka naman magta-trabaho, hindi ka namin pahihirapan sa trabaho mo," sabi niya. "Okay," sabi ko at tumingin kay Ms. An. "Sige po pumapayag akong maging personal assistant ng Regium." At least ngayon may trabaho na ako para makapag ipon ako for the future. Kung sakaling magkaroon ako ng anak may ipapamana ako sa kanya. Third Person's Point of View HANGANG HANGA ang mga tao ng makita ang suot na damit ng Regium. Ibang iba sa dating fashion nila mas bagay sa kanila lalo na iba't iba ang personality nila. Pansin na pansin nila na ang binagay ng stylist nila ay bagay sa personality nila. Habang sa kabilang banda naman galit na galit ang Granade dahil hindi ito ang inaasahan nila. "Paano sila nakahanap ng stylist ang Regium?" galit na sabi ng boss ng Granade. "Hindi nga namin alam," sabi ni Lorence. "Imposibleng makahanap ng bagong stylist ang Ragnum dahil ilang minuto na lang bago mag umpisa ang fansign nila." "Tsk, bakit ba ang swerte ng Regium na iyon?" inis na sabi ni Clark. Zina Estella's Point of View "Ang daming humahanga sa'yo dahil ang ganda ng style na pinasuot mo sa amin," sabi ni Kane. Nasa van na kami ngayon pauwi ng bahay. Natutuwa ako dahil nagustuhan nila ang ginawa ko kinakabahan nga ako kanina kasi baka hindi magustuhan ng mga fans nila ang ginawa ko sa idols nila. "Magaling ka pala pagdating sa fashion," sabi ni Creed. "Mahilig lang talaga akong mag match ng mga damit," sagot ako. "Mabuti na lang talaga at nandiyan ka kung wala ka baka mapahiya na naman kami," sabi ni Kane. "Hindi niyo ba kayang mag match ng damit?" tanong ko. "Naku, kahinaan namin yan tsaka mas gusto naming sumayaw at kumanta kesa sa magbihis ng kung ano ano," sabi ni Creed. "Mabuti na lang pala hindi kami na laos noon ng dahil sa fashion namin pero laman kami lagi ng balita at pinagtatawanan ang mga damit namin," sabi ni Kane. "Gwapo kasi ako kaya hindi tayo na laos," sagot ni Kane. At ayan naman sila nagbangayan na naman sila at as usual pinagbabatukan sila ni Axl at si Cj ay tumatawa lang kaya naman napailing na lang ako dahil sa kakulitan nila. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD