CHAPTER 8

3101 Words
Zina Estella's Point of View KINABUKASAN nasa sala kami ngayon at nanunuod ng balita, pinapanood namin ang balita tungkol sa kanila. "Ang gwapo ko talaga sa damit na pinili ni Estella," sabi ni Creed. "Anong ikaw, ako kaya," reklamo ni Kane. "Osige para magkaalaman kung sinong gwapo tanungin natin si Estella," sabi ni Creed pagkatapos tumingin sa akin. "Estella sinong mas gwapo sa amin?" tanong niya sa akin. "Parehas," sagot ko. Gwapo naman sila parehas eh. "Hindi pwedeng parehas dapat isa lang," reklamo ni Kane. "Ganito na lang, sa amin apat sinong mas gwapo? Dapat isa lang." Napaisip naman ako, ang hirap naman kasing mamili kung sino sa kanila ang mas gwapo dahil pare-parehas lang silang gwapo pero kung appeal naman pagbabasihan mas lamang si Axl kasi kahit na tahimik at hindi namamansin ay marami pa ring mga babae ang nahuhumaling sa kanya. "Si Axl," sagot ko. Nakita kong hindi makapaniwala ang dalawa sa sinabi ko at hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero nakita kong ngumiti si Axl pero pagtingin ko seryoso na ang kanyang mukha. "Bakit si Axl ang pinili mo? Crush mo siya ano?" sabi sa akin ni Kane. "Porket pinili ko siya crush agad? Pinapapili niyo ako diba?" sabi ko. "Eh bakit hindi si Croix ang pinili mo? Best friend mo siya diba?" sabi ni Creed. "Hindi sa lahat ng oras pipiliin ko si Cj dahil lang bestfriend ko siya," sagot ko. "Croix oh hindi ka daw pipiliin?" sumbong ni Kane kay Cj na busy sa pagce-cellphone. "So? Tama naman si Ella hindi porket best friend mo pipiliin mo," sagot ni Cj habang nakatingin pa rin sa cellphone niya, ano bang ginagawa niya sa cellphone niya. "Hindi ka man lang nag react ng pinili niya si Axl?" tanong ni Kane. Lumapit ako kay Cj at tinignan ang cellphone niya. Ah naglalaro na naman ng candy crush. "Choice iyon ni Ella, wala akong magagawa kung iyon ang pipiliin niya," sagot ni Cj. "Mag best friend nga kayo," sabi ng dalawa. "Cj, lagi kong nakikitang nilalaro mo yan, paano ba laruin yan?" tanong ko kay Cj. "Ganito iyon," sabi niya pagkatapos tinuro niya sa akin kung paano laruin ang candy crush. "Ah, madali lang pala," sabi ko. "Hindi mo ba nilalaro yan?" tanong ni Creed. "Hindi kasi ako mahilig sa online game, gusto ko nagbabasa ako," sagot ko. "At tsaka hindi naman smartphone ang cellphone ko." Wala akong perang pambili ng cellphone noon pero nagka smartphone na ako, binigyan ako nina Mommy at Daddy pero binalik ko din naman sa kanila dahil di ko naman magagamit. "Ang old fashion mo naman," sabi ni Creed. "Paki mo," sabi ko at tinaasan siya ng kilay kaya tinawanan siya ni Kane. "Pa-try nga niyang nilalaro mo." sabi ko kay Cj. "Here," sabi niya at binigay ang phone niya. Agad ko naman nilaro ang candy crush at sa paglalaro ko hindi ko na malayang nag enjoy na ako. Ngayon lang ako nag enjoy sa paglalaro ng online games. "Wow, natapos mo," sabi ni Cj. "Ilang beses ko ng nilalaro ang level 209 na iyan hindi ko matapos pero ikaw natapos mo kahit baguhan ka pa lang diyan." "Beginners luck," sabi ko. "Ang saya pa lang laruin yan gusto kong laruin kaso wala akong smartphone, ayoko naman hiramin lagi yung cellphone mo." "Edi bumili ka ng smartphone," suggest ni Kane. "Wala akong pera," sagot ko. "Bibili kita," sagot ni Kane. "Ayoko, gusto ko pinaghihirapan ko ang mga gamit ko," sagot ko. "Edi regalo ko sa 'yo iyon," sabi ni Kane. "Hindi ako tumatanggap ng regalo kung hindi ko birthday," sagot ko. "'Wag ka ng makipagtalo kay Ella, matatalo ka din naman sa kanya," sabat na sabi ni Cj. Napabuntong hininga naman si Kane. "Fine" pagsuko niya. "Pahihiramin na lang kita." "Di mo ba ginagamit?" tanong ko. Napatigil namn siya. "Oo nga pala may laging nagcha-chat sa akin," sabi niya at tumawa ng alangan. "Here," napatingin ako kay Axl ng magsalita siya pagkatapos napatingin sa kamay niya nandoon ang cellphone niya. "I don't use my phone that much." "Sigurado ka?" tanong ko baka kasi may importante siyang ginagawa sa cellphone niya. "Yes," sagot niya. "Ah, okay," sabi ko at kinuha ang cellphone niya. "Thank you." Third Person's Point of View Matapos makuha ni Estella ang cellphone ni Luther agad siyang nagpatulong kay Croix kung paano i-install ang candy crush. Hindi naman makapaniwala ang tatlo sa ginawa ni Luther dahil kilala nila ito, hindi ito nagpapahiram ng gamit niya kahit ang kapatid niya hindi niya pinapahiram pero kay Estella ay madali lang niyang napahiram ang cellphone niya. LUMABAS ng hotel si Isabella, ang dating stylist ng Regium. Mag sho-shopping siya ngayon dahil tuwang tuwa siya sa perang natanggap niya galing sa kumpanya ng Granade. Paglabas niya ng hotel, gulat na gulat siya dahil maraming mga paparazzi ang nakaabang. Kinabahan naman siya dahil iniisip niya na baka na buko na siya ng mga tao. Kaya naman nagbalak siya na tumakas sa mga ito pero napansin siya ng isang pres at dali dali itong lumapit sa kanya. "Miss Isabelle, may itatanong plang kami sa 'yo," sabi ng babaeng pres. "A-Ano iyon?" kinakabahang tanong niya. "Tanong ko lang kung bakit naisip mo na palitan ang style ng Regium?" tanong ng pres. Nagtaka naman naman siya kung ano ang sinasabi ng babae pero bigla niyang naalala ang napanood niya kanina sa tv. Wala naman sinabi kung sino ang nag style at hindi pa nila alam na hindi na siya ang stylist ng Regium. Ngumiti siya sa harap ng mga pres. "Naisip ko kasi na baguhin ang style nila nila para mas makita personality nila," sagot niya. Humanga naman ang mga pres sa kanya. "Ang galing mo naman miss Isabella, ang daming humanga na mga tao sa 'yo," sabi ng isang pres. "Ginawa ko lang iyon para sa mga fans din ng Regium," sabi niya. "Anong gusto mong sabihin sa mga fans ng Regium," sabi niya. "Mas gagalingan ko pa ang pag pili ng mga damit nila," sabi niya. GRABE ang tuwang nararamdaman ni Isabella dahil sa nangyari ay maraming mga international ang gusto siyang kunin an stylist at sobrang laki ng sweldo na ino-offer sa kanya. Maraming salamat talaga sa kung sino man ang nag style sa Regium at hindi siya nagpakilala kaya ngayon ay siya ang hinahabol dahil alam nila na siya pa rin ang stylist ng Regium. Zina Estella's Point of View HABANG naglalaro ako ng candy crush bigla kong narinig na nag mura sina Kane at Creed. "'Wag nga kayong mag mura," inis na saway ko sa kanila. "I'm sorry," sabay na sabi nila. "Bakit ba kayo nagmumura?" tanong ko. "Eh kasi yung dati naming stylist kini-claim na siya ang nag style ng damit na sinuot namin kahapon," inis na paliwanag ni Kane. "Matapos ang ginawa niya sa atin ang lakas ng loob na mag claim ng hindi niya ginawa," galit na sabi ni Creed. "Tama, kailangan malaman ng mga tao na hindi siya ang nag style sa atin," sabi ni Cj. "Kung gagawin niyo iyon 'wag niyong sabihing ako ah, ayokong makilala nila ako," sabi ko. Ayokong tinitignan ako mga tao para akong nanghihina kapag nakatingin sila, sa school nga kapag tinitignan ako halos iyuko ka na ang mukha ko 'wag lang makita ang tingin nila pero nararamdaman ko kaya binibilisan ko na lang ang lakad para makaalis agad. "Bakit naman? Kailangan malaman nila na ikaw ang nga style nun," sabi ni Kane. "Basta ayoko," sabi ko. "Sundin niyo na lang si Ella, takot siyang humarap sa maraming tao kaya intindihin niyo na lang siya," paliwanag ni Cj. Mabuti na lang nagsalita siya. "Sige kung yan ang gusto mo," sabi ni Kane. "Tatawagan ko si Ms. An para makapag press conference siya," sabi ni Cj pagkatapos tumayo para tawagan si Ms. An. Ilang minuto lang ay bumalik ulit siya sa tabi ko. "Sabi ni Ms. An siya na ang bahalang magsalita, hindi na natin kailangan pumunta sa press conference." "Mas maganda ng ganun dahil paniguradong madami silang itatanong," sabi ni Creed. Zina Estella's Point of View "NAGPATAWAG ako ng press conference dahil sa pag claim ni Ms. Isabella na siya ang nag style ng sinuot ng Regium sa fansign kahapon. Lahat ng sinabi niya ay walang katotohanan," sabi ni Ms. An. Kasalukuyan kaming nanunuod ng live press conference sa f*******:. "Bakit walang katotohanan ang sinasabi ni Ms. Isabella hindi ba siya ang stylist ng Regium?" tanong ng lalaking press. "Yes pero hindi na ngayon dahil mula ng hindi hindi siya sumipot sa fansign ng Regium at tinanggap niya ang bayad ng sa kanya isang company para hindi siya sumipot sa fansign dahil sa ginawa niya ay ididimanda namin siya dahil hindi pa tapos ang kontrata niya sa amin," sagot ni Ms. An, wala siyang binanggit na pangalan na company kahit alam niya kung ano ba talagang company iyon. Kahit na sinabutahe sila ng company ng Granade hindi pa rin nagbanggit ng pangalan si Ms. An. "Kung hindi si Ms. Isabella ang nag style sa Regium, sino ang nag style sa kanila?" tanong ng babaeng press. "I'm sorry but I don't want to tell her name without her consent," sagot ni Ms. An. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya sinabi na ako ang stylist. Napatingin ako kay Cj ng hawakan niya ang balikat ko. "Hindi talaga nagsasabi ng pangalan si Ms. An hangga't walang abiso ng isang tao. Marunong siyang rumespeto ng privacy ng isang tao." "I see," sabi ko at tumingin muli sa pinapanuod namin. "Siya na ba ang bagong stylist ng Regium?" tanong ng isa pang babaeng press. "Oo at personal assistant din siya ng Regium," sagot ni Ms. An. "Last question na lang sa gusto pang magtanong, may meeting pa kasi akong pupuntahan." Pero walang nagsalita sa mga press kaya naman tinapos na ni Ms. An ang press conference. Third Person's Point of View NAPANOOD ni Isabella ang press conference kaya naman agad siyang nagpunta sa kanyang kwarto at nag impake. Kailangan niyang makatakas bago siya mahuli g mga pulis, hindi pwedeng makulong siya dahil hindi niya magagawa ang mga gusto niya sa perang nakuha niya. Nang matapos siya sa kanyang pag iimpake, lumabas na siya ng kwarto niya at nagpunta sa main door ng condo niya. Pagbukas ng condo niya ay nagulat siya ng may mga pulis na nakaabang sa harapan ng pintuan niya. "A-Anong kailangan ninyo?" utal na tanong niya. Kailangan niyang makatakas sa kanila kung hindi ay hindi na niya magagamit pa ang perang binibigay sa kanya. "May warrant ka Ms. Isabella kaya sumama ka ng maayos sa amin," sabi ng pulis at hinawakan siya sa magkabilang kamay. "Sandali lang wala akong ginawang masama," pagmamaang maangan niya. "Sa presinto ka na lang magpaliwanag," sabi ng pulis. NASA presinto na si Isabella. Galit ito sa mga pulis pa rin siya sa mga pulis dinadahilan pa din na wala siyang kasalanan. "Ikaw pa talaga ang galit?" napatingin si Isabella at nakita si Ms. An kadadating lang nito. Inalis nito ang shades niya at lumapit kay Isabella. "Matapos mong hindi sumipot sa fansign ng Regium dahil binayaran ka lang tapos ikaw pa ang galit?" "Wala naman talaga akong kasalanan," pagpipilit niya. "Sabihin mo lahat ng kasinungalingang alam mo pero malakas ang kasong pinataw ko sa iyo dahil may ibidensya ako," sabi ni Ms. An. Natahimik naman si Isabella. "Tatanungin kita, bakit mo ginawa sa amin iyon? Kulang pa ba ang sahod mong 50 thousand a month para tanggapin mo ang alok nila?" "100 thousand ang binigay nila sa akin kaya hindi ko tatangihan iyon at isa pa mas malaki ang pinangako nilang sweldong ibibigay nila sa akin," sagot niya. "Tingin mo gagawin talaga nila iyon? Oo binayaran ka ng doble sa sweldong binibigay namin sa'yo pero tingin mo yung sinasabi nilang malaking sweldo na pinangako nila sa'yo gagawin nila? Of course not, binayaran ka lang nila para umalis ka bilang stylist ng Regium para ipahiya sila," mahabang sabi ni Ms. An. "Hindi totoo yan dahil nagpirmahan na kami," sigaw na sabi ni Isabella. "Tandaan mo tuso ang company ng Granade, madumi sila maglaro kaya paniguradong fake lang ang documents na binigay nila," sabi ni Ms. An. Wala namang nasabi si Isabella. "Isa pa, hindi ka na din naman makakapagtrabaho sa kanila dahil makukulong ka na." "Makakalaya ako, tatawagan ko ang attorney ko," sagot ni Isabella. "Kahit magtawag ka ng limang attorney wala ka ng magagawa pa, makukulong at makukulong ka," sabi ni Ms. An pagkatapos sinuot ang salamin. "Magkita na lang tayo sa korte doon na lang natin ituloy ang usapan natin." Naglakad na siya paalis ng kulungan. Zina Estella's Point of View KINABUKASAN pagpasok namin sa school dumiretso kami sa Dean Office para ikuha ako ng excuse carddahil personal assitant ako na ako ng Regium kailangan ko na talaga ng excuse card para hindi masira ang attendance ko. Ang Excuse Card ay para sa mga estudyante na gaya ng Regium na sikat na maaari silang mag absent anytime na kailangan sa trabaho nila. Maraming sikat dito sa LIS pero mas sikat ang Regium kaya sila ang pinapahalagahan. "Gusto sana naming ipagpaalam si Estella na bigyan siya ng excuse card," sabi ni Cj. "Anong dahilan para bigyan ko ng excuse card Ms. Estella?" tanong ni dean. Ang pangalan ng Dean namin ay Mr. Matthew Andres. "Dahil si Ms. Estella ang personal assistant namin kaya kailangan namin siyang laging kasama," sagot ni Creed. "At 'wag mo sanang sabihin sa kahit na sino kung sino ang assistant namin," sabi ni Cj. "Makakaasa kayo," sagot ni dean. "My mouth is always sealed." "Good," sagot ni Cj. "And here the excuse card," binigay ni dean ang excuse card sa akin. "Ako na ang gagawa ng dahilan sa mga teacher mo kung bakit ka laging mawawala." sabi niya sa akin. "Maraming salamat po," sabi ko. "Mauna ka ng lumabas Ella para walang makakita na kasama mo kami," sabi ni Cj. Sinabihan ko kasi sila na 'wag nila akong kausapin sa school dahil ayokong magalit sa akin ang mga estudyante baka mas lalo lang nila akong bulihin. Paglabas ko ng office ng dean nag lakad na ako papunta sa room sakto naman na paparating na ang adviser namin kaya mabilis akong pumasok at umupo sa upuan ko. "Good morning students," sagot ng adviser namin. "Good morning ma'am," sagot namin. "Get one whole of paper," sabi niya, oo nga pala may quiz kami ngayon, mabuti na lang at lagi akong nag re-review. Narinig ko namang nag reklamo ang mga kaklase ko. "Anong nirereklamo ninyo? Diba pinaalala ko naman sa inyo na mag review sa sabado at linggo? Bakit nag rereklamo kayo ngayon?" Hindi naman nagsalita ang mga kaklase ko dahil wala naman silang magagawa. "OKAY class you may leave," sabi ng last prof namin sa morning class namin. Hinintay ko munang lumabas lahat ng mga kaklase ko bago ko naisipang lumabas. Naglalakad ako sa hall ng biglang may tumunog ang keypad cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at tinignan muna ang tumawag bago sinagot. "Hello," sabi ko. "Ella nasa rooftop kami pumunta ka dito marami kaming pagkaing binili," sabi niya. "Ah, sige pupunta na ako," sagot ko pagkatapos lumiko ako dahil nasa kabilang daan ang hagdan. Pagkarating ko sa rooftop nakita ko ang apat doon, nakaupo sila sa lapag na may blanket sa ilalim. "Nandito ka na pala," sabi ni Cj ng makita ako. "Umupo ka na dito para makakain na tayo." Lumapit na ako sa kanila at umupo ako sa gitna nina Cj at Axl dahil nakapalda ako ay nakapatagilid ang dalawang paa ko kaya lang nahihirapan ako sa pwesto ko hindi ko naman maalis ang blazzer ko dahil itim ang bra ko at manipis ang white blouse ko kaya nakikita iyon. Napatingin ako bigla kay Axl ng inilagay niya ang blazzer niya sa hita ko pero hindi siya nakatingin sa akin. "Salamat," sabi ko sa kanya pagkatapos ng cross legs ako para hindi ako mahirapan. Nagke-kwentuhan kami habang kumakain at swempre 'di mawawala ang pagbabangayan nina Kane at Creed kaya tawa lang kami ng tawa hanggang matapos ang lunch break. "Mauna na ako sa inyo," sabi ko. "Sige, magkita na lang tayo mamaya sa dati," sabi ni Cj. Yung sinasabi niya doon sa kanto kung saan aao bumababa kapag sumasabay ao sa kanila. Ayokong makita ako ng mga students ba bumaba sa van nila, kilalang kilala ng mga iyon ang van nila. "Okay," sabi ko at bumaba na. Nasa hallway na ako, walang students na pumunta dito dahil wala namang classroom dito tanging mga room lang for clubs. Habang nalalakad ako bigla akong naramdam ng sakit sa batok ko dahilan para magdilim ang paningin ko. Third Person's Point of View NAGISING si Estella dahil naramdaman niyang nabasa ang buong katawan niya "Mabuti naman at gising ka na," sabi ng isang babae, pamilyar sa kanya ang boses ng babae kaya naman tinignan niya kung sino ito, nakita niyang si Athena ang babaeng iyon. Magsasalita sana siya pero naramdaman niyang may tape na nakakabit sa labi niya at doon din niya naramdaman na nakatali siya. "Hmmm," 'Nasaan ako?' 'yan ang gustong itanong niya. Ang huling naaalala niya ay naglalakad siya sa hallway pagkatapos ay biglang may humapas sa kanyang batok dahilan para mawala siya ng malay. "Nagtatataka ka siguro kung bakit ka nandito," sabi ni Athena ng makalapit ito sa kanya. "Pinadukot kita aam mo kung bakit? Kasi nagagalit ako dahil kasama mo ang Regium." Nanlaki ang mata niya sa narinig. "Paano ko nalaman? Dahil nakita kitang bumababa sa van ng Regium kaninang umaga." "Hmmm," gutso niyang magsalita pero iyan lang ang lumalabas sa boses niya. "Oh, gusto mong magsalita? Sige, magsalita ka muna bago kita ipa torture," sabi niya at inalis ang tape sa bibig niya, madikit ang tape kaya nakaramda siya ng sakit ng biglain niya ang pagkaalis ng tape. "A-Ano bang masama kung nakasama ko ang Regium?" matapang niyang sagot kahit na nanginginig na siya sa takot. Tumawa naman si Athena. "Anong masama? Dahil ikaw ang kasama nila imbis na ako, walang karapatan ang kagaya mo na makasama ang Regium dahil mahirap ka lang," galit na sigaw nito sa kanya. "Girl's alam niyo na ang gagawin niyo sa kanya." Nanginig naman siya sa takot ng makitang lumapit ang talong alipores ni Athena sa kanya at ang isa sa kanila ay may hawak na bat. "'W-Wag," nanginginig na pakiusap niya sa kanila pero tinawanan lang siya ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumikit at magdasal na sana ay may tumulong sa kanya. 'Cj, Kane, Creed, Axl please tulungan niyo ako.' To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD