Zina Estella's Point of View KINABUKASAN, nag decide kami na papasok na lang kami ng hapon dahil ngayong umaga dadating ni Xiela, ang pamangkin ni Ms. An pero nagising pa rin kami ng maaga dahil nag jogging kami. Matapos naming mag jogging at nakapag palit ng damit nag punta ako ng kusina paramagluto ng almusal at ipagluluto ko na din sina Ms. An at Xiela para pagdating nila dito ay may kakainin sila. "Guys, nag upload na ng video si Zie," masayang sabi ni Kane habnag nakatingin sa cellphone niya. "Talaga?" pagsisiguro ni Creed. "Sandali titignan ko din." Fan kasi sila ni Zie kaya sobrang excited nila na makitang nag upload na ng video si Zie. Dati kasi bukang bibig nila lagi si Zie, kesyo ang ganda daw ng boses at kung ano pa, pero panay din ang reklamo kasi hindi pa raw ito nag a-upl

