Zina Estella's Point of View KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil ginising nila ako para mag jogging. Hindi katulad ng dati na sumasakit ang mga paa ko ngayon hindi na. Nang matapos kaming mag jogging, naligo muna ako bago ako nagluto ng kakainin namin sa umaga. "Nag text si Ms. An," sabi ko, sa akin na nag text si Ms. An dahil nga ako ang personal assistant nila. "Anong sabi?" tanong ni Kane. "Sabi niya pumunta tayo sa office niya, may sasaihin daw siya sa atin," sagot ko. "Bakit?" tanong ni Creed. Nagkibit balikat lang ako. "Iyon lang ang tinext niya sa akin," "Mukhang gusto niyang sabihin iyon ng personal," sabi ni Cj. "OKAY class, ipamimigay ko ang mga papel na ito sa inyo," sabi ni Adviser namin na si Mrs. Velasco habang pinapakita ang papel na hawak niya. "Nandito ang mga

