Zina Estella's Point of View NAGISING na naman ako kinabukasan na nasa kwarto ako. Tingin ko hindi si Cj ang naghatid sa akin dito. Tinanong ko kasi sa kanya nung nakaraan kung siya ang nagdala sa akin sa kwarto, sabi niya hindi daw, si Axl daw ang nag hatid sa akin at tingin ko si Axl na naman ang naghatid sa akin dahil nakabukas ang aircon. Alam naman ni Cj na hindi ako nagtatagal sa lamig kaya hindi nun bubuksan ang aircon, mabuti na lang talaga makapal ang kumot kaya hindi ako masyadong nilamig. Sabado ngayon kaya hindi ako ginising ng apat para mag jogging, sabi ko kailangan kong magpahinga ng weekend dahil hindi ko kaya ng araw araw tsaka ito na nga lang talaga ang pahinga ko mula sa nakaka stress na lesson tapos gigisingin pa nila ako ng maaga. Sinunod naman nila ang sinabi ko dah

