Third Person's Point of View ABALA ang mga mag aaral sa LIS kanya kanya sila ng ginagawa. Ang mga 1st and 2nd year ay abala sa pagbabantay ng mga booth nila habnag ang 3rd and 4th year ay abala sa pag e-ensayo. Dumating na rin ang mga iba't ibang universities na makakalaban ng mga 3rd at 4th year sa sports. Punong puno ng bus ang parking lot ng LIS dahil sa mga ito. Nagkalat ang mga estudyante pagkababa nila sa bus nila pero makikilala mo pa rin kung saang university sila nanggaling dahil sa uniform na suot nila. Pero hindi lang ang mga maglalaro sa sport festival ang dumating kasama rin nila ang mga schoolmates nila na gustong manuod ng sports festival pero hindi lahat kasama nila. Sa loob naman ng archery room ay abala sina Estella sa pag e-ensayo pero hindi nila masyadong pinapaagod

