Zina Estella's Point of View PAGKAGISING ko ng umaga, matapos kong mag hilamos at mapalit ng damit sa c.r, nilagay ko ang lapel sa damit ko. Kailangan naming isuot ito kapag gigising kami. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina para magluto ng almusal, pito ang iluluto ko dahil mamaya ay dadating na ang dalawang cameraman. Kahit puno ng camera ang buong bahay ay kailangan ng camera man para sundan ang mga galaw namin na hindi kayang hagipin ng camera. Nasa loob sila ng maliit na tent para hindi sila mahagip ng camera. Dalawang cameraman ang dadating kaya nag luto pa ko ng dalawa para sa kanila. Ayoko naman na kumakain kami tapos pinapanood nila kaming kumakain. Hindi naman namin responsibilidad na pakainin sila at hindi naman bawal na magpakain kaya ipagluluto ko pa rin sila kahit na

