PROLOGUE
Ako si Season Mauvais, 20 years young, wild and free. Hindi iyan biro, sobrang wild ko talaga and free to mingle! Nasa mall ako ngayon, may usapan kasi kami ng pinsan ko na magkikita kami dito pero mukhang hindi ako sisiputin ng hayop na iyon.
Kaimbyerna na ha?! Kanina pa ako dito nakaupo sa bench. Walanghiya! Mga 1 hour na siguro. Usapan namin ay bawal ang ma-late.
Mga 30 minutes pa kapag hindi pa rin siya darating UUWI NA AKO! I swear to God.
5 mins...
10 mins...
30 mins...
Another 30 minutes, baka na traffic lang kahit walking-distance lang naman bahay nun dito, pagbibigyan ko siya! Well dahil medyo mabait ako at mabait din siya sa akin.
Uuwi na talaga ako kapag wala pa rin siya. Totoo na to!
5...
10...
15...
20...
25...
30...
Time's up! Uuwi na talaga ako!
Inayos ko na sarili ko at tatayo na sana ako ng biglang may ....
"Come with me."
Malamig at seryosong sabi ng isag estranghero na naka all black suit na hawak-hawak na ang kanang kamay ko at hila hila na niya ako, nakatulala lang ako sa kanya at wala sa sariling nagpatianod. Ang laki ng kamay niya na kapag hindi niya hihigpitan ang paghawak sa akin ay baka kusang kumalas ang kamay ko.
Wtf? Who's he?! Masyado siyang matangkad para maging pinsan ko! Aba naman baka isa siyang sindikato? No way! Kanina pa ako naghihintay dito tapos ganito pa mangyayari? May hihila na lang sa akin bigla? Umiinit lalo ang ulo ko sa mga nangyayari.
"Hoy!"
Sigaw ko sabay tanggal sa aking kamay, nahirapan pa ako tanggalin dahil ang higpit nang pagkakahawak niya. Napahinto naman siya at napalingon sa akin nang nakakunot noo.
"Ah-ah,"
Napanganga ako at napatulala. Bakit ang gwapo niya?
Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa, confirm talampakan lang niya mukha ng pinsan ko!
Ang GWAPO niya! Dang!
Ang ganda ng mata niya na kulay asul at para akong hinihila palapit sa kanya sa tuwing nagtatama ang tingin namin. Ang tangos-tangos pa ng kanyang ilong. Ang sarap halikan ng lips niyang mas masarap pa sa favorite kong ulam! Ang makapal niyang kilay ay ang sexy tingnan. Nakakamatay din ang undercut niya. s**t! s**t! Perfect! Siguradong sigurado ako na may ABS siya. Hindi lang puso ko ang nagwawala ngayon pati na ang p********e ko. Oops! Kalma ka lang, Season, babae ka at higit sa lahat isang dalagang pilipina, dapat ay mahinhin ka.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang tinitigan pero hindi ko mapigilan ang aking sarili dahil ang totoo GUSTONG GUSTO ko siyang Titigan! Pwede ko na ba siyang ibahay? Willing ako maging maybahay niya.
"Kyaaaaaaaaaaaah!" Napatili ako dahil sa malikot kong imahinasyon.
"Miss stop yelling, will you?!"
Pabulong-sigaw niya at hinila niya ulit ako pero this time hinayaan ko na siya... Tf? Wala na akong pakialam. Kung rapist siya magpapagahasa na ako! Handa na akong isuko ang perlas ng silanganan.
Nakangiti akong nakasunod sa kanya habang hawak hawak niya kamay ko, hays. Naikanta ko pa sa isip ang Wildest Dream ni Taylor Swift. Saktong-sakto yung lyrics na,
'He's so tall and handsome as hell
He's so bad but he does it so well'
"Hihihi"
I giggled, hindi ko man lang namalayan ang pinsan kong nag-aalala nang nakasunod sa amin. Tinawag niya pa ang aking pangalan ngunit lunod na lunod ako sa aking malikot na pantasya.
Nagtitinginan pa lahat ng taong nadadaanan namin. Oh how I love this day. Worth it ang paghihintay ko sa pinsan kong tokmol na hindi naman ako sinipot. Hmp!
Pagkadating namin sa parking lot kung saan nakaparada ang Rolls Royce Ghost niya na sobrang kintab mas makintab pa sa mukha ng pinsan kong namana ang pilipino time sa kanyang ama!
"Sakay."
Utos niya pagkabukas niya sa pinto. Gentleman, day!
Sumakay agad ako at umupo ng maayos. Pagkasara niya pumwesto na agad siya sa Driver's seat.
Pinatakbo na niya ang kotse at ako naman ay nakatitig lang sa kanya.
Walang nagsasalita sa amin at ako naman nakatitig lang talaga sa kanya.
After 10 mins ng nakakabinging katahimikan.
"Anong pangalan mo?"
Tanong niya bigla. My heart skipped a happy beat. Ang ganda ng boses niya, husky siya day!
"S-season , Season Mauvais."
Nauutal kong sagot, may pautal effect dahil shy type ako.
"Edad?"
"20."
Katahimikan ulit.
What the? Anong trip niya? Yun lang itatanong niya? Weird. Kung hindi lang to gwapo tinarayan ko na eh.
Pero bakit parang galit siya? Kasing tibay ng San Juanico Bridge ang kilay niya. Bahala siya. Basta AKO handa ng maging biktima niya hihi.
Screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeench.
Ops! Wag kayong ano ha? Hindi kami nabangga, ganoon katindi ang pagpepreno niya dahil sa bilis nang pagpapatakbo niya.
"Mamamatay akong birhen dahil sayo. Dahan dahan lang Mister!"
Inis kong sigaw sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Niluwagan niya pa ang necktie niya which is super hot saka may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya na isang itim na singsing, kunot-noo ko siyang tiningnan. Palipat-lipat pa ang tingin ko sa kanya at sa singsing na hawak niya. Oh my God, don't tell me?
Humarap siya sa akin saka seryoso akong tiningnan sa mga mata. Walang ni katiting na emosyong makikita sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan.
"I'm Law Dieumere. Marry me."
.....
TO BE CONTINUED.