Camille POV
"Camille, can you explain this to me?" Hinila niya ako palabas ng kwarto. Nasalubong din namin si Hammer pero hindi na ito pinansin ni Rogelio. Dinala niya ako sa garahe.
"Bitawan mo ako." Hinila ko ang braso kong hawak-hawak pa rin niya. Tinoignan lamang ako nito ng masama.
"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko.
"Get inside!" Utos niya.
"No!" sagot ko.
"I SAID GET INSIDE!" Madiing saad na nito. Galit, pagkadismaya, pagkasuklam ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Wala ka bang balak pumasok mo gusto mong kaladkarin pa kita?" Sabi pa niya na nagpanerbyos sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya hindi ko alam kung matatakot ba ako, susunod sa sinasabi niya o aalis nalang. Pero alam kong di din naman ako makakaiwas sa kanya. Akmang hihilain na naman ako nito papasok ng sasakyan niya kaya kumilos na ako agad.
"Huwag na, kaya kong pumasok mag-isa." saad ko.Hindi ko pa man naisasara ang pinto ay mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan nito na ikinatili ko.
"Hey, do you want to kill me?" Bulyaw ko dito.
"I will kill you kapag hindi mo ipinaliwanag sa akin ang lahat." matalim ang matang ipinukol nito sa akin. Nanahimik nalang ako.
Habang nasa daan kami ay wala ni isa mang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kamin sa dati kong apartment.
"Anong ginagawa natin dito at bakit dito mo ako dinala?" Takang tanong ko.
"Pwede kong dalhin ang maski sino dito dahil pag-aari ko naman ito." Umismid nalang ako.
"Sinabi ko bang sa akin?" pilosopong sagot ko naman.
"Get in, wag mong ibahin ang usapan. Gusto kong ipaliwanag mo sa akin lahat kung paanong napunta kina Ashlee at Hammer ang bata." Dumiretso ako sa pintuan, Bubuksan ko na sana ito ngunit naalala kong hindi na pala akin iyon kaya inantay ko pa siya.
"Ano pang inaantay mo? Gusto mo pa bang pagbuksan kita ng pinto?" Nang-iinis na tanong niya.
"Hi-hindi ko alam ang password." Parang nahiya naman ito bigla. Pagkabukas ay agad nalang niya akong iniwan sa labas. Ang laki na ng pinagbago ng apartment ko dati. Sabagay ilang taon na din naman kasi ang lumipas.
"Take a seat and explain." Alam kong galit ito pero hindi lang naman ako ang may kasalanan.
"He is your son." wala sa sariling nasabi ko na ikinasingkit naman ng mata niya.
"Why beside me is there another man who touches you?" Biglang tanong niya.
"Gago anong akala mo sa akin babaeng kanto na kung sino ang dadaan bigla nalang bubukaka?' Ganting sagot ko din.
"Then no need to tell me na anak ko siya dahil sa ginawang tests ay isa na itong patunay na akin siya. So tell me, why did you abandoned him?" Natameme ako.
"Camille I am asking you. Bakit mo siya nagawang iwan sa iba? Anong klase kang ina?" bulyaw niya na ikinagulat ko.
"Bakit?" Tanong ko din.
"Nagpapatawa ka ba Rogelio?"
"Masaya ka ba sa ginawa mo? He is your son for God's sake!"
"Yeah he is my son, but let me ask you a question first bago ko sagutin ang tanong mo." Sabi kong tinanguan naman niya.
"Bakit ka nalang biglang umalis nong araw na makuha mo ako?" Tanong na hindi niya napaghandaan dahil bigla nalang itong yumuko.
"Now, tell me, why did I give him to my best friend instead of watching him grow?" Tanong ko pa.
"Camille, whatever happens to us ay hindi reason para ipamigay mo siya sa iba." Sagot din niya na ikinatawa ko.
"Do you think masaya ako na mawalay sa akin ang anak ko? Labis akong nagsisi pero ang isipin kong masgaganda ang buhay niya doon ay gumagaan ang loob ko."
"Then why didn't you tell me?"
"How Rogelio, eh ni hindi ka na nga nagpakita sa akin simula nong araw na may mangyari sa atin paano ko pa sasabihin. At kung sakali mang sabihin ko saiyo, bakit papakasalan mo ba ako?"
"Hell yes, I mean no!"
"Exactly! So paano kong hindi siya ipapamigay kung sa una palang alam ko nang magdudusa siya sa piling ko. Paano ko ibibigay ang buhay na nararapat sa kanya?"
"But I can take care of him, pwede mo siyang iwan sa akin. He is my son Camille!"
"Rogelio, buong pamilya ang gusto kong ibigay sa kaniya hindi ang solo parent. At ano kamo? Alagaan siya? Ni hindi mo nga ako nagawang panindigan non, magpakatatay pa kaya sa isang bata? Nagpapatawa ka ba ha Mr. Ordinario?" Nang-iinis kong tanong.
"Camille I hate you!"
"Well, I love you kaya nga ibinigay ko ang sarili ko saiyo eh. And about Hash, huwag kang mag-alala he is smart maiintindihan din niya ang lahat." Tumayo na ako para umuwi na din. Sumasakit na din ang ulo ko kakaiyak.
"You will regret this GISA." sinaluduhan ko lang siya. Pagkalabas ko ng apartment ay naisandal ko nalang ang likod ko sa pinto. Alam ko naman na kasalanan ko pero nangyari na. Kaya ang dapat kong gawin ay ang harapin ang katotohanan at ipaliwanag ang lahat sa aking anak.
--------------
Wala na din naman akong ganang magluto pa ng dinner ko kaya nagshower nalang ako saka nahiga na pero inabutan na ako ng ilang oras ay ayaw pa din ako dalawin ng antok. Bumangon nalang din ako ulit. kailangan kong libangin ang sarili ko kaya naman naisipan kong pumunta nalang sa bar. Hindi din naman kasi papapasukin sa hospital dahil dis oras na ng gabi.
Naupo ako sa pinakasulok na bahagi. Kampante naman ako sa suot ko at alam kong safe naman ako kahit na abutin pa ako ng umaga sa kalasingan dahil naging kaibigan ko naman na ang mga staff. Sila na din kasi ang naging takbuhan ko nong panahong ipinagbubuntis ko palang si Hash.
"Oh Inday anong masamang hangin ang nagdala saiyo dito?" tanong ng bakla kong kaibigan na si Jorgina ( Jorge)
"Bigyan mo nga ako ng maski anong makakapagpawala ng sama ng loob diyan." wika ko na agad namang nag-abot ng hinid ko tequilla.
"Broken ka ba sis? O kinakarma ka na?" alam ko kung ano ang tinutukoy nito kaya inismiran ko nalang siya.
"Oh siya mukha ngang balak mong magpakalasing kaya maiwan na muna kita . Patapos naman na ang shift ko. masasamahan kita mamaya." Tinapik pa nito ang likod ko.
"Layas ka na, okay lang ako." Agad naman itong tumalikod. Medyo tipsy na ako nong may lumapit na lalaki sa akin.
"Miss mukhang nakakarami ka na, gusto mo bang samahan kita?" Tanong nito. Hindi ko ito sinagot pero umupo pa rin siya sa harap ko.
"Ako nga pala si Ralf Ismael Martin, Raf nalang for short." Tinanggap ko naman ang kamay nitong inilahad niya.
"Camille Gisa." maikli kong sagot.
"Okay lang ba na samahan kita, kanina ko pa kasi napapansin na parang may mabigat kang problema. You can count on me." Friendly siya kung tutuusin pero wala akong balak na magkwento lalo na hindi naman ako nito kilala.
"Huwag mo akong pakielaman, uminom ka kung gusto mo. Kung ayaw mo ay pwede kang lumayas sa harapan ko." naiiritang sagot ko. Lumapit si Jorgina sa amin.
"Oh Raf, thanks for your presence, pasensya ka na sa kaibigan ko. Medyo lasing na din kasi, pero mabait yan at kung gusto mong malaman kung may asawa na siya, ako na ang sasagot. Hundred percent na single yan may sabit nga lang. napangiti ito at para akong nabatabulani sa kaniya nong lumabas ang pantay-pantay na ngipin niya samahan pa ng malalalim na magkabilaang dimple. Agad kong ipinilig ang aking ulo.
"Salamat, uuwi na ba kayo?" Tanong niya sa kaibigan ko pero sa akin siya nakatingin.
"Bakit ihahatid mo ba kami?" sagot naman ng isa na agad nagpanginig sa mga kalamnan ko dahul nakita ko kung paano padaanin ng baklang to ang mga palad n iya sa gwapong mukha ni Raf.
"Sure, okay lang ba saiyo Miss Camille kung ihahatid ko na kayo?" tagnong niya din sa akin.
"Siya nalang ihatid mo. Wala pa akong balak umuwi." Malamig kong sagot.
"Okay, we will stay here then..."
Nagstay pa ako ng mahigit isang oras at tukad nga ng sinabi niya, sinamahan ako nito. Tinignan mko ang relong pambisig ko pero naalala ko na hindi ko pala suot ang relo ko at naiwan ko din ang cellphone ko.
"Excuse me, anong oras na?" tanong ko na ikinagulat niya dahil titig na titig ito sa akin.
"Ah, eh it's already 4 am. "
"Wala ka pa bag balak umuwi?" tanong ko na naman.
"Inaantay kita." tinaasan ko ito ng kilay.
"Hindi ako nagpapaantay saiyo."
"It's okay, kusang loob kitang inantay and beside ikaw nalang ang babae dito baka kung ano pang mangyari saiyo sa labas. Konsensya ko pa." Inilibot ko ang paningin ko and tama nga siya dahil ako nalang pala ang nag-iisang babaeng nag-iinom. Tumayo na ako pero agad akong nakaramdam ng hilo. Inalalayan naman ako nito.
"Be careful," Nag-aalalang sabi niya.
"Saan ang bahay mo, ihahatid na kita." Tanong niya pa. Kung kanina ay kaya ko pa ang sarili ko, ngayon naman ay pakiramdam ko bumaliktad na ang mundo. Inakay ako nito sa isang puting mercedez benz na nakapark. Pinagbuksan ako nito ng pinto.
"Ihahatid na kita kaya pumasok ka na." Hinawakan pa nito ang ulo ko bago ako pumasok. Kahit anong gawin ko baliktad talaga ang bawat makita ko. Ito na siguro ang epekto ng nainom ko.
"Saan ang address mo?" tanong na naman niya. Tumingin ako sa kanya pero napakunot lang ang noo ko.
"Ba-bakit ang gwapo mo?" wala sa sariling tanong ko, ngumiti naman ito sa akin.
"Kaso bakit baliktad ka? Normal ka pa bang tao?" tumawa na ito sa akin.
"You're drunk, matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo. "Ginulo pa nito ang buhok ko,
"Camille ayusin ko lang yang upuan mo ha, para makatulog ka ng maayos." Lumapit ito sa akin. Halos naman maduling ako sa lapit ng mukha niya. Hindi ko mapigilang hawakan ang tungki ng ilong nito na ikinabigla niya. Iyon nalang ang huling naaalala ko bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.
Paggising ko kinabukasan ay masakit ang ulo ko. Kinapa ko ang cellphone ko pero wala ito kaya iminulat ko ang mata ko. Isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa aking paningin. Agad kong inalala ang mga pinaggagawa ko pero walang pumapasok sa utak ko. Iniuwi kaya ako ni Jorgina? Pero hindi naman ito ang kwarto niya ah. Tinignan ko ang sarili ko pero laking gulat ko dahil hindi na ito ang suot ko kagabi.
"Anong nangyari bakit iba na ang suot ko?" nagtatakang tanong ko. Inikot ko ang paningin ko sa silid na kinaroroonan ko. Puro karangyaan ang isinisigaw ng bawat gamit na naroon. Narinig kong nagbukas ang pintuan kaya agad akong napalingon dito. Isang hindi pamilyar na lalaki ang pumasok. He was just wearing a cotton shorts at sando na puti na bumakat sa katawan niya. Napalunok ako.
"Hi, good afternoon." bati niya.
"Sino ka, at bakit ako nandito? Anong ginawa mo sa akin? Sinong nagbihis sa akin?" Sunod-sunod kong tanong na ikinatawa niya. Ang dimple niya, ang ngiti niya, ang ilong niya... Oh shemay bakit ang gwapo niya at ang katawan niya...
"Don't stare at me like that baka matunaw ako. And about sa unang tanong mo hayaan mong magpakilala ako."
"I am Ralf Ismael Martin, you can just call me Raf. Sa second question mo naman is nandito ka sa room ko. And of course, wala akong ginagawang masama saiyo. Kung sasabihin ko bang ako ang nagbihis saiyo magagalit ka ba?" Napatunganga ako sa kaniya.
"I told you wag mo akong titigan. Ikaw din baka mainlove ka sa akin." Natauhan ako sa sinabi nito.
"Ikaw ang nagbihis sa akin? Sinong katabi kong natulog kagabi? Wag mong sabihing ikaw din?" Tanong ko na naman. Naaliw itong tumawa sa akin.
"I'm just joking. My nanny changes your dress, and of course, Hindi ako ang katabi mo. You sleep alone here. I stayed in the guest room.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.