Camille Pov
Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit nakakahiya ba sa may-ari ng bahat ni Raf. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan kaya nagpapasalamat ako na siya ang nakakita sa akin sa bar. Bumangon ako, hinanap ko ang banyo. Pumasok ako sa isang saradong pinto pero lumabas din ako agad dahil dressing room naman pala ito. May dalawa pang pinto. Pinili kong buksan ang nasa left side. Napatunganga ako sa aking nakita.
"Wow" tanging nasambit ko. Isang art room ang bumungad sa akin. O mas tamang sabihing gallery dahil ang mga nakasabit na paintings ay tanging ang mga malalaking tao lang ang kayang bumili.
"Ang gaganda." namamanghang sambit ko. Isang painting ang umagaw sa aking atensyon. Larawan ito ng isang ina at anak. Akmang hahawakan ko na nung may nagsalita sa aking likuran na dahilan ng pagkagulat ko.
"Do you like it?"
"Ay carabao." sigaw ko.
"I am too handsome to call me a carabao." wika niya.
"Eh kasi naman nanggugulat ka." nahihiyang saad ko. May narinig kaming katok sa pinto. Naglakad ito para silipin kung sino. Bumalik din naman siya agad.
"Let us eat. Breakfast is ready." nagpatiuna na din itong lumabas ng silid. Sinulyapan kong muli ang larawan bago ako sumunod sa kanya palabas nung maalala kong kailangan ko pa palang magbanyo.
"Ahm, excuse me R-raf." nilingon niya ako.
"Magbabanyo sana ako." wika ko. Itinuro niya ang isa pang nakasaradong pinto.
"Grabe, parang hindi naman na kasi ito kwarto. Bahay ko na to sa laki eh. Mas malaki pa nga sa bahay ko." bubulong-bulong akong pumasok. Kompleto naman ang mga toiletries at may mga di pa naman nagamit kaya kumuha nalang ako. Inamoy ko ang hininga ko.
"Gosh, nakipag-usap na ako sa iba pero di pa pala ako nagtutoothbrush o maski magmumog man lang. Nakakahiya ka Camille." sermon ko sa sarili ko. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin ako. Nalito pa ako kung saan ba ako dapat dumaan dahil sa laki ng bahay. Buti nalang may nasalubong akong katulong siguro iyon.
"Magandang umaga po Mam, inaantay na po kayo ni senyorito." tumango lang ako. Siya na ang naunang naglakad. Never in my whole life na maimagine kong makatapak sa ganito kalaking bahay. Dahil sa tv ko lang napapanood ang mga ito. Nagsawa ang mata ko sa kakatingin bawat madaanan ko. Pati langgam ay nahihiya pa sigurong gumapang sa sobrang linis ng flooring.
"This way po mam." iminwestra niya ang daan patungong dining.
"Wow."tanging usal ko na naman. Oo mayaman si Ashlee pero hindi siya iyong tipo na hindi mahilig sa mga mamahaling gamit o malaking bahay. Pero ito, mansyon kung ihihilera sa mga naglalakihang bahay sa village. Tumayo ito pagkakita sa akin. Hinila niya ang upuan na nakaharap sa kanya.
"Take a seat Camille."
"Thank you." nakita kong nakasilip ang mga katulong, agad naman silang nagtago nung napansin nilang nakatingin ako sa kanila.
"Ahm, may kasama pa ba tayong kakain?" tanong ko.
"I live alone, kaya kumain ka na. I will send you back to your place." Nagsimula na siyang kumuha ng pagkain niya kaya tumahimik nalang din ako. Pero muli kong nakita ang mga kasambahay niya na nakasilip.
"Excuse me ulit, nakakailang kasing kumain tapos madaming nakahaing pagkain sa harap natin. Hindi ba natin sila pwedeng isabay?" napatigil ito sa akmang pagsubo saka lumingon sa may pintuan.
"Is it okay with you?" tanong niya. Napatunganga ako. Tao ba to? Bakit pa niya ako tatanungin?
"Ah, eh oo, okay lang. Nakituloy lang naman ako dito kaya nakakahiya naman kung paVIP pa ako." totoong biro ko. Tumango lang siya saka tinawag ang mga ito.
"Senyorito may ipag-uutos po ba kayo?" tanong ng isa sa pinakabata.
"No, just remove your apron and eat with us." Nagtataka ako sa mga reaksyon ng mukha nila.
"Po?" tanong ng isa pa.
"Sabayan niyo na kaming kumain." Nagtinginan sila saka mabilis na tinanggal ang apron na suot nung dalawa.
"Hindi po kayo nagbibiro senyorito?" tanong pa ulit nung isa pa.
"Ah eh, mga ate kain na po tayo. Mas masarap kumain kapag may kasabay." Nginitian nila ako. Napansin kong nakatingin din sa akin si Raf pero mabilis ding umiwas.
----------------
"Where is your place?" tanong niya nung nakalabas na kami ng subduvision.
" Doon mo nalang ako ibaba sa may sakayan. Masyado na akong nakakaabala saiyo." Sabi ko.
"No, I insist. And besides, I don't have anything to do today." wala na rin akong magawa. Kaya nagpahatid nalang ako sa hotel.
"You stayed there?" tanong niya.
"Doon ako nagtatrabaho." sagot ko naman. Tumango-tango lang ito.
"How long?"
"Almost 6 years na sana kung di ako tumigil noon ng 3 years."
"Who is your boss?"
"Hammer Aragon." wika ko. May ibinulong ito pero di ko na narinig. Hindi na din ito muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa hotel. Nagpaalam at nagpasalamat lang ako sa kaniya. Umalis din naman ito agad.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Hammer at Ashlee kaya nagdesisyon na din akong magresign. Alam kong galit silang lahat sa akin kaya mas maigi na kung lalayo na muna ako. Tutal magkakaron naman na ng donor ai Hash. Agad kong inayos ang sarili ko. Hinanap ko ang resignation letter na ginawa ko noon pa. Pinaprint ko ito saka ako diretsong pumunta sa area ko bilang secretary. Mamimiss ko ang opisinang to, mamimiss ko lahat ng mga katrabaho ko.
Wala pa si Hammer, malamang nasa suit palang niya ito kaya mabilis kong inayos ang mga kailangan kong ipapirma sa kanya. Halos isang oras na akong nakaupo nong narinig kong bumukas ang pinto.
"Good morning sir." bati ko. Hindi ako nito kinibo saka dire-diretsong pumasok sa opisina niya. Nagyuko nalang din ako ng ulo ko.
Pinagtimpla ko siya ng kape niya, saka ko ito isinunod sa kanya. Hindi pa rin niya ako kinibo. Kaya lumabas na lang din ako. Muli kong inayos ang mga schedule niya. Pumasok ako ulit.
"Sir here is your schedule for today." sasabihin ko na sana isa-isa pero agad siyang nagsalita.
"Just keep it here, I will check later." Hindi ako sumunod sa kanya. Inisa-isa ko paring binasa ito pero napatigil ako sa pangalang nakaschedule ng 2 pm. Napatingin siya sa akin.
"Is there any problem?" umiling ako.
"You have a meeting here in our hotel at 2pm with Mr. Ralf Ismael Martin." napatigil din siya.
"Okay, I will be there." tinapos ko na lahat. Pero di pa ako lumalabas.
"Is there anything else?" tanong niya. Ibinaba niya ang hawak niyang ballpen saka humalukipkip.
"Sir, here is my resignation letter. I hope you can grant me." Tinitigan lang niya ako. Iniabot ko sa kanya. Kinuha niya ito saka binasa.
"Camille, kung ano man ang personal problems natin sa labas ng opisina ay hindi ito dapat dinadala dito. For now, I will not allow you to resign. We can talk after together with your bestfriend. You can leave now." Sabi niya. Hindi na ako umimik.