Isang taon matapos na mag-isang dibdib ay biniyayaan sila ng isang anak. Isang araw pagkatapos manganak ni Therese ay natunton sila ni Celeste na anyong tao na rin. May kasama Itong dalawang alipin. Nagkataong wala noon si Alessandro. "Ang traydor at taksil kong alipin!" Nakangiti si Celeste. Ngunit nasa mga mata nito ang nag-aapoy na galit. "Celeste, maawa ka! 'Wag mong idadamay ang aking anak!" "Hmm..." Napasulyap si Celeste sa sanggol na nasa bisig ni Therese. "At nagbunga pa pala ang iyong kataksilan!" Matalim ang mga ngiting tumitig ito sa kanya. "Nasaan si Alessandro. Nasaan ang lalaking ipinagpalit mo sa iyong buhay sa ilalim ng dagat?" "Wala siya rito." "Ow.... Sayang naman. Hindi niya makikita kung paano ko kayo papataying mag-ina!" "Huwag Celeste, mahabag ka sa amin. K

