Bahagyang nakabukas ang pinto sa kwartong tinutuluyan ni Sebastian. Kumatok muna si Diana ng marahan upang makasiguradong hindi siya nakaka-isturbo sa binata. "Sebastian..." "Tita!" tugon ng binata. "Sige ho pasok kayo," anito. Nakatalikod ito nang maabutan ni Diana. Marahil ay kakabihis lamang nito. Pagharap nito ay tila kumislap sa paningin ng ginang ang suot na kwentas ng binata. Napatitig siya roon. "A, ito po?" nakangiting wika ni Sebastian nang mapansin na nakatingin sa kanyang locket si Diana. Madalas niya kasi itong suot sa ilalim ng suot niyang damit magmula nang tumapak siya sa lupa. "Bigay po ito ng inang Lubay ko. Hindi ko ho siya tunay na ina. Galing daw po ito sa tunay kong ina na hindi ko pa po nakikilala." Biglang nakaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo si Diana n

