CHAPTER 24

1181 Words

"Nasaan ka Arriana?" bulong ni Sebastian. "Saan ako magsisimula sa paghahanap sa 'yo?" Nang mga sandaling iyon ay napagtanto niyang wala na pala sa kanya ang litrato ni Arriana. Marahil ay naiwan niya iyon sa police station o sa hotel. Ngunit hindi niya alam kung paano babalik doon. Nakalimutan na niya ang daan pabalik. Nakakita siya ng isang lugar na malawak na halos walang tao. Isa iyong parke. Ipinagpasya niyang doon tumambay habang nag-iisip. Muntik pa siyang masagasaan ng tumawid siya sa kalsada. Minura pa siya ng drayber ng sasakyang muntik makasagasa sa kanya. Sa kanyang pag-upo sa parke ay inabutan siya ng malakas na ulan. Nakaramdam siya ng lamig. Sanay siya sa tubig ngunit ngayon na nasa lupa na siya at isa na siyang tao, parang nanibago ang katawan niya sa lahat ng pakiramda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD