"WALA ka nang masyadong time sa akin. Lagi ka na lang busy," wika ni Xander kay Arriana. "I'm sorry, Xander. Babawi na lang ako sa 'yo, okay?" "Ano bang mayro'n?" Iniwas ni Arriana ang kanyang tingin sa binata. "Busy lang talaga ako, Xander." "Busy saan? Wala naman akong alam na pwede mong pagkaabalahan. Hindi ka pa naman bumabalik sa pag-aaral. Wala ka rin namang negosyong inaasikaso. Saan ka busy?" "Iba na lang ang pag-usapan natin, Xander, please. Nandito ako ngayon, and that's what matters, right?" "No," mariing wika ni Xander. "Look, I'm sorry!" said Arriana, losing her patience. "I'm sorry, pero, dapat ba talaga akong magpaliwanag sa 'yo sa lahat ng ginagawa ko? You're my friend, Xander, hindi boyfriend." Pakiramdam ng binata ay sinampal siya ni Arriana. Mas masakit pa sa sa

