"WHAT are you doing here?" Nagsalubong ang kilay ni Xander nang bumungad sa kanya si Arriana pagbukas niya ng pinto. "Binibisita ka, bawal ba?" sarkastikong tugon ni Arriana. "I'm busy," seryosong wika ng binata. "Busy saan? I've been calling you, pero hindi ka sumasagot. Kapag pupunta ako sa office mo, lagi kang wala. You're avoiding me!" "Girlfriend ba kita? Masyado kang matanong!" hasik nito. Tumalikod ito at naglakad palayo kay Arriana. "Why are you being cold to me? Tapos nililinyahan mo pa ako ng mga linya ko sa 'yo noon." "Nagtanong ka pa! Parang inosente ka kung magsalita!" "Is this about Seb?" Sa wakas ay tumingin na sa kanya si Xander. "This is not about that man. It's about you not telling me about him! Pinagmukha mo akong tanga, Arriana!" "I'm sorry, Xander. Alam

